➳ inncnt_159

28 0 0
                                    

sebastian's pov

papapunta ako sa room nina mace. huy, baka sabihin niyong ang sobrang kulit ko na sa kanya. gusto ko lang talaga na magkaayos na kaming dalawa kaagad. napunta kami bigla sa ganitong sitwasyon.

potek, ano kasing nakain kong pinaselos ko siya at ano din yung nakain niya at nagseselos talaga siya? ang gulo!

nung nakarating na ako sa room nila, sumilip muna ako at tinignan ko siya. nakita ko naman siya. mukhang hindi siya okay ngayon. kasalanan ko talaga yan. hayst. kailangan ko na talaga 'tong ayusin.

nakita ko namang papalabas na siya sa kanilang room. huminga naman ako ng malalim, this is the time. medyo, kinakabahan na nga ako. siguro, iniisip ko namang hindi niya ako papansinin.

nakita kong sakto siyang lumabas sa kanilang room kaya bigla ko siyang sinalubong, "hello mace." bati ko sa kanya at nabigla naman siya nung nakita niya ako.

wala siyang may nasabi, sandali siyang napatingin sa akin. naiilang pa nga sa akin oh. pero sana please.. wag niya na akong iwasan. :(

huminga ako ng malalim, "pwede ba tayong--" bago ko mapatapos ang sasabihin ko, nagsalita na siya.

"bye!" paalam niya sa akin tumakbo na siya palayo sa akin. potek, parang ganito yung nangyari kanina sa hallway.

forever na ba akong iiwasan ni mace? grabe naman mag-selos, ang tagal. masyado niya ata akong mahal. djoke! kapal ko. hehehe.

hindi ko na talaga siya matiis. >< sa totoo lang.

kaya mabilis ko siyang hinabol. buti nalang mabilis akong tumakbo kaya nahabol ko siya kaagad. hindi lang yung biro yung comment ko dun sa status niya 'no. hahabulin ko talaga siya. ayieeeeee! :>

bigla akong humarang sa harapan niya at mukhang nabigla naman siya nung nakita niya ulit ako. mukhang natigilan na naman siya ulit. tinititigan naman ako ni mace oh. >< masyado siguro akong gwapo?

bakit parang nagiging mahangin ako ngayon? >< joke!

"ano bang kailangan mo?" tanong niya sa akin. Mukhang naiilang pa din.

"kailangan nating mag-usap--"

"pwes! wala akong time! bye!" sabi niya at tinakbuhan niya naman ako ulit. bakit kasi kailangan niya akong iwasan? ><

hindi ako sumukong habulin siya at nakita kong ang sobrang layo na niya sa akin. pero nakita kong napunta siya sa science garden. siya lang mag-isa doon. hindi na ako tumakbo at nilakad ko nalang yung science garden. kapagod tumakbo. >< mace kasi.

nung medyo na akong malapit sa pwesto niya, naririnig ko namang nagsasalita siya, "bakit ba sunod nang sunod sa akin yung lalaki na yun? may pake ba sa akin yun?"

hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. nagulat naman siyang napatingin sa akin. mukhang hindi siyang makapaniwala na nasundan ko siya.

"hindi talaga ako titigil sa kakasunod sa'yo hanggang sa hindi tayo nagkakayos na dalawa." sabi ko sa kanya. natigilan siya saglit.

ningitian ko siya, "tsaka may pake talaga ako sa'yo, sadgirl."

-
lOL SADGIRL X SADBOY
HAHAHAHAHHA it supposed
to be yuna pero hehe :))

innocent | nininiWhere stories live. Discover now