➳ inncnt_162

23 0 0
                                    

yesha's pov

nandito na ako sa room namin at kinwento naman lahat ni sebastian sa akin yung nangyari kanina sa science garden. mahina lang yung pag-uusap namin dito. baka marinig kami. >< inamin na pala ni mace kay sebee na mahal niya 'to. >< omgggg! nakakakilig!

"ano sa feeling?" tanong ko sa kanya.

ngumiti siya, "syempre, masaya ako." sagot niya at napangiti naman ako doon. hindi kagaya sa iba, iiwasan yung babae pag may feelings na sa kanya. >< mga feeling pogi!

"it's time to love her back na ba?" tanong ko sa kanya. yun sabi niya eh. ><

tumango siya, "oo.. sinabi ko na din sa kanya yun. masyado nga siyang natigilan. pero iniwan ko na siya don, para makapag-isip na siya. pero sana hindi na ako iwasan nun." natatawang sambit ni sebee. "kahit iwasan naman ako nun, hahabulin ko pa din naman siya." dagdag niya.

"yiiieeeeee. go! hindi ka naman matitiis nun eh." sabi ko sa kanya. pero bigla akong may naalala.

"kaya nga." nakangiting sambit ni sebee at napatango nalang ako.

chineck ko saglit yung phone ko at napabusangot na talaga ako nung walang reply si jaxvier sa mga chats ko. active pa naman siya kanina. hindi na ako nakikipagbiruan, nag-aalala na talaga ako sa kanya kanina pa.

di'ba pinuntahan ko na siya kanina sa kanilang room. nadismaya ako nung nakita kong wala siya doon at naisip ko na baka absent siya. pero nagtanong ako sa isang kaklase niya kung absent ba siya, sabi naman wala daw. tsaka nasa room lang daw yun nila kanina.

nagtataka nga siya bakit bigla daw nawala si jaxvier nung oras na pagdating ko. pero sabi ko, okay lang. ako nalang maghahanap. hindi naman pala absent.

hinanap ko siya dito sa buong school at hindi ko siya makita. oo, inikot ko yung school pero hindi ko siya makita. kaya nga tinadtad ko siya ng mga chats and messages ko pero wala siyang respond kahit online siya. nakakainis naman. saan na ba napunta yun?

paano kung napahamak yun? nakidnap? >< o baka naman may pinuntahan na ibang baba-- hindi. masyado na yata akong nag-ooverthink.

nakakatakot lang kasi.

gusto kong umiyak. hindi ko siya nakita. miss ko na yun. nag-aalala na talaga ako sa kanya.

tinago ko nalang yung phone ko at huminga nalang ako ng malalim. mabigat yung pakiramdam ko kung hindi ko nakikita si jaxvier. saan na ba kasi siya?

"yesha?" tawag sa akin ni sebee at tinignan ko naman siya.

"bakit?" tanong ko sa kanya.

"ayos ka lang ba? mukhang may problema ka yata ah." sabi niya sa akin.

huminga ako ng malalim, "sa totoo lang, hindi ako ayos, sebee. nakakainis kasi si jax e." sabi ko at mukha naman siyang nabigla.

"bakit si jax?" tanong niya sa'kin.

"nag-aalala na ako sa kanya. hindi ko pa siya nakita simula kaninang umaga. hindi niya nga ako pinuntahan dito. chinat at tinawag ko na, hindi pa din siya nagrereply kahit active siya. pinuntahan ko na sa room nila, sabi ng classmate nila hindi naman daw absent. inikot ko nga yung.. buong school. pero di ko siya mahanap." kwento ko sa kanya.

"nag-aalala na nga ako kanina kung nasaan siya." sabi ko. "pero nakita mo ba siya, sebee?"

"hindi, yesha eh." sagot niya at mas lalo naman ako nadismaya dito. "magtiwala ka, yesha. pupuntahan ka nun mamaya. baka may inaasikaso lang si jax." dagdag niya at napatango lang naman ako.

"oo nga. nakakainis mag-overthink. pero sana nga, may inaasikaso siya. he already promised to me." sabi ko sa kanya at tumango lang naman si sebee.

tinapik niya yung braso ko, "alam ko din yun, yesha." sabi niya sa'kin.

saan ka na ba kasi, jaxvier? miss na talaga kita.



-

inuwian pa daw ni jihoon
si hyunsuk kasi sukhoon lubog
n kci x_X djk HAHAHHAA

innocent | nininiWhere stories live. Discover now