➳ inncnt_131

29 1 0
                                    


jaxvier's pov

hindi naman kami makapagsalita nung nakita namin yung tao na yun. ang sobrang sama ng tingin niya sa amin. halata namang galit siya sa amin.

lumapit naman siya dito sa amin at sinigawan niya na kami, "ang kapal nga naman ng mukha niyo! sinong nagsabi na pwede kayong umapak dito?!" galit na tanong niya sa amin. nakakainis siya. hindi na siya nahihiya sa anak niya sa pinaggagawa niya ngayon.

magsasalita na sana ako ng nagsalita na naman siya habang nakatingin siya kay jaemin, "at tsaka ikaw.. wala kang kwenta! di'ba sinabihan na nga kitang bawal magpapasok dito ng mga hayop?! anong ginawa mo?!"

grabe naman sa hayop. mukha ba kaming hayop? sumusobra na siya. hindi niya alam na nakakasakit sa tao yung pinagsasabi niya.

"grabe ka naman!" sigaw sa kanya ni yesha sa dahilan na nabigla ako.

"wag kang sumapaw! hindi ikaw ang kausap ko!" sigaw pa ng bwiset na matanda na 'to. nagagalit naman akong tinignan siya. sumusobra na talaga siya.

pagsasabihan ko na sana siya pero inunahan naman ako ni jaemin.

"ma'am emily.. sorry. pero wala namang masama na bumisita sila. isa pa, okay naman si yvonne sa kan---" pagpapaliwanag ni jaemin pero pinutol na naman siya ni tita emily.

"bwiset! tumahimik ka! puro ka dahilan!" sigaw niya kay jaemin sa dahilan na nabigla ako. ang bastos niya naman kahit siya yung mas matanda sa amin.

agad naman siyang lumapit kay yvonne na kanina pang nakatayo at parang ang sama na ng tingin niya kay tita emily. teka.. naaalala ko yung sinabi ni jaemin. pag nakikita niya daw yung mama niya, nababaliw daw siya.

paano kung mangyari yun ngayon?

"anak? kamusta? are you fine? anong ginawa nila sa'yo? okay ka lang ba sa mga tao na 'to?" tanong niya kay yvonne na as if mabait siya. oo, concern siya. ngumingiti pa nga.

walang may sinagot si yvonne. pero nagulat kaming lahat na bigla siyang umiyak ng malakas at napapahawak siya sa kanyang ulo. bigla naman akong kinabahan doon. eto na ba ang ibigsabihin ni jaemin?

"go away! HAHAHAHAHA! i don't need you! i don't know you!" sigaw niyang naiiyak. nagulat nalang kami na bigla siyang napatawa. napakapit tuloy si yesha sa braso ko. ramdam kong natakot siya kay yvonne.

"no.. yvonne. let's talk. please.. don't be like this to me. this is your Mom." sabi ni tita emilty sa kanya. pinipilit niya pang pumasok sa loob ngunit pinigilan naman siya ni jaemin.

"GO AWAY! I HATE YOU SO MUCH!" malakas na sigaw ni yvonne sa kanya na hanggang ngayon ay umiiyak at natatawa. nanlaki lang naman ang mata ko ng sinasabunutan niya ang sarili niya.

"yvonne!" pagmamakaawa ni tita emily sa anak niya.

madaling tinulak ni jaemin si tita emily palayo kay yvonne at tinignan niya kami ng seryoso, "lumabas na kayong lahat! ako ng bahala sa kanya!" sigaw niya at napatango lang naman kami. aakma na sana kaming lalabas sa ward ni yvonne nang sumigaw pa si tita emily.

"ang kapal naman ng mukha mong palabasin ako?! gusto ko siyang kausapin!"

napatingin naman kami kay jaemin na mukhang hindi na matiis ang kanyang galit kanina pa, "hindi ka pa ba nasasanay sa anak mo na pag nakikita ka niya, nababaliw siya?!"

"kung ayaw mo siyang mabaliw lalo, please lang.. lumabas ka muna! maawa ka naman sa kanya!" sigaw sa kanya ni jaemin.

natigilan naman siya nung narinig niya yung mga salita na yun galing kay jaemin. pero nung nakita namin na sumisigaw na naman si yvonne. pinasukan niya sa kulungan si yvonne at hindi ko na alam ang nangyari dahil lumabas na kaming tatlo. sumunod na din sa amin si tita emily.

innocent | nininiWhere stories live. Discover now