Chapter 37

1.5K 24 0
                                    

ADA MARGARETTE

Hawak hawak ng Miss Ilariana ang kamay ko habang ginagabayan at maingat akong naglalakad sa rough cement na daanan dito sa Resort nila. Napaka-laki ng mga buildings at marami ring mga spots dito na bagay para sa mga mahihilig mag picture taking.

"Hija, this was the first property Iain's Dad bought and he named it after me." sobrang maaliwalas ng mukha ni Miss Ilariana habang nagsasalita at ramdam ko sa expression niya ang saya.

"Ang ganda po, ang laki pa. Siguro puro mayayaman lang din ang nakakapunta rito." sambit ko at inilibot pa lalo ang aking mga mata para tignan ang kabuuan ng Resort.

"Mostly, pero dahil na rin sa kagustuhan ko ay nag-open din kami ng mga 40% discount sa mga may gustong magpa-book dito na hindi kaya ng budget nila." sagot niya.

"Ang bait niyo rin po pala." automatiko akong ngumiti dahil kahit pala pangit ang pagkaka-kwento ni Iain sakin tungkol sa mama niya eh may kabaitan din naman pala ito.

"I'm not mabait, hija. It just so happened that sometimes I am at my worst, and sometimes I am good."

Nakarating kami sa isang rectangular table at naupo roon. Natatanaw namin ang mga taong naliligo sa ilalim ng tirik na araw.

"Ahh. I can see naman po na mabait kayo eh, sometimes you are just driven by your emotions and you fail to show everyone how good you are as a person." sagot ko. "Maybe you're just trying to create boundaries between you and some people, although it's not a bad thing po. It's better nga para no one will take advantage of you, Miss Ilariana."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil-pisil ito. After our dinner weeks ago, nag-iba na ang pakikitungo sakin ni Miss Ilariana at kapag naguusap kami eh sobrang bait niya sakin. Kapag naman nagkataon na may ibang naga-approach sa kanya ay bumabalik ang mataray niyang aura.

"I know. But I have my fair share of misdeeds too hija, and I've been working on it. I just hope people has the same mindset as you." ngumiti siya sakin at niyakap ako.

"Our wrong doings makes us learn good lessons, it's not a discouragement that you did mistakes because we are just humans. We are always learning and discovering things out." paga-assure ko sa kanya.

"Yes. One mistake you did right now was not realizing that you need to call me Mommy or Mama, however you like hija." nakangusong sambit niya at sabay kaming natawa.

Kahit papaano ay nagkakasundo kami ni Miss Ilariana kahit pa pangit ang naging umpisa ng pagkakakilala namin.

"How's my lovely girls doing?" boses ni Iain na nanggaling sa likuran ang nagpagulat samin, nilingon namin siya ng sabay at kinunotan ng noo.

"Nag-uusap lang kami ni Miss—"

"Mommy." pag-correct ni Mama Ilariana sakin kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Nag-uusap lang kami ni Mama Ilariana ng mga random topics in life." ngiti ko at sumulyap ng konti kay Mama Ilariana na ngayo'y nakangiti ring nakatitig saming dalawa ni Iain.

"Ada is such a good girl, hijo. I love her perspective in life, she's so intelligent and understanding. No wonder why you're hooked with her, huh!" pangtutukso niya kay Iain. Nag-grin lang si Iain sa sinabi ni Mama Ilariana at binalik ang titig sakin.

"Are you alright?" concern niyang tanong at ni-level ang mukha sakin.

"Oo naman. Ikaw ba?"

"I'm good. Just thought that you might be hungry." aniya.

"Ay oo nga no! Kain na tayo." anyaya ko sa kanilang dalawa at masiglang tumayo.

Sabay kaming tatlo na naglakad pabalik sa Restaurant nitong Resort at nag-order si Iain ng maraming pagkain para saming tatlo.

DE LOUGHREY [TDH - III] Kde žijí příběhy. Začni objevovat