Chapter 24

1.4K 31 1
                                    

ADA MARGARETTE


It was almost 2 months after the Camping and everything went back to normal. Students are still reminiscing those days and there were no complications happening. Thankfully, this is peace.

No traces of Iain, and if there were, he wouldn't disturb me. He is gradually minding his own business and so as me, we are subjecting ourselves to our own priorities and pathways.

Classes have been progressive and delightful for majority of us, many has started to interact with me and would smile at me whenever we cross paths. Kinda weird, but rejoicing.

We still have 2 and half months left until the graduation ceremony. Everybody is preparing their graduation mottos and stuff. We have also taken our individual shots for the Year Book, and it's all melting my heart.

"Ada! Kain tayo, nagugutom ako." reklamo ni Claire kaya naman tinawag namin si Janine para sabay na kumain sa cafetería.

"Anong gusto mo? Libre ko na!" ngumiti ako kay Claire at nag-isip ng pu-pwedeng kainin.

"May pizza roll ba sila? Pizza roll nalang akin, Claire. Salamat!" sagot ko at tumango naman silang dalawa ni Janine.

Mag-isa akong naka-upo ngayon dito sa round table ng cafetería, tinanaw ko ang mga estudyanteng naglalaro sa open field ng football at badminton.

Ilang minuto ang lumipas, bumalik na ang dalawang kaibigan ko na may dala dalang pagkain, lalo na ang pizza roll. Natatakam ako sa itsura palang nito.

Inabot sakin ni Claire ang pizza roll kaya nagsimula na agad akong kumain, mabuti nalang at tatlong malaking piraso ito kaya mabubusog na agad ako.

"Ano yung mabaho?" tanong ko pa at mas lalong hinanap kung saan nanggagaling ang mabahong amoy ng kung ano.

"Huh? Wala namang mabaho ah." naguguluhang tugon ni Janine at tumigil sa pag kain. Nag-amoy amoy din siya para alamin kung ano ang tinutukoy ko. "Ada, wala namang mabaho? Ang bango kaya." sagot niya pa at nagpatuloy sa pag kain.

"Hindi, meron talagang mabaho eh. Alam ko." sagot ko at tinignan isa isa ang mga pagkain nila, tahimik lang si Claire na kumakain ng Shawarma at doon ko napagtanto na nababahuan pala ako sa amoy ng shawarma.

"Ayan, yang kinakain ni Claire ang mabaho. Bago sa pang-amoy ko ang shawarma, kaya siguro ganon. Pero de bale, makakapag-adjust din tong ilong ko." sagot ko at ininda ang hindi kaaya-ayang baho ng amoy ng Shawarma.

Uminom ako ng juice at kinain na ang pangalawang piraso ng pizza roll.

"Anong bago sa pang-amoy mo? Eh kahit noong nakaraan yan naman ang kinakain ni Claire kapag nagr-recess tayo?" tanong niya na nakakunot ang noo at titig na titig sakin.

"Oo nga, Ada. May sakit ka ba ngayon?" naga-alalang tanong ni Claire, tumayo pa siya para i-check ang leeg at noo ko kung mainit ba or hindi.

"Sira! Wala akong sakit. Ngayon ko lang yata napansin yang Shawarma kaya ngayon lang din ako nakapagsalita." sagot ko at nag-kibit balikat nalang sa kanilang dalawa.

Matapos kaming mag-recess ay bumalik na kami sa kanya kanyang classroom, buti nalang at magkalapit lang ang room naming tatlo although nasa bandang dulo ng floor yung akin.

DE LOUGHREY [TDH - III] Onde histórias criam vida. Descubra agora