Chapter 11

1.5K 31 0
                                    

ADA MARGARETTE


6 PM ng gabi nang makarating ako sa School, wala akong ibang choice kundi ang um-attend sa Special Night ng Foundation week namin. There were many students who attended as well, this is an expensive school and no wonder why the students who enrolled in this institution are wealthy.

This will be a long night for the rest of us, I'm conditioning myself with the possible segments that will happen tonight. Medyo nakakapanglumo lang dahil hindi nga naka-attend si Janine ngayong gabi.

Umupo ako sa isang table na may kalayuan sa stage at nagtingin tingin lang sa mga taong patuloy na pumapasok sa loob. Buti rin at Air-conditioned ang Gymnasium kaya kahit anong suot ko ay hindi ako pagpapawisan.

"Let us all welcome the arrival of the founding family behind the success of our Institution - the De Loughrey family together with the stakeholders." announce ng emcee, kaya nagtayuan kami lahat at nag bow sa kanila. Nilamon ng palakpakan ang gymnasium at labis na natuwa ang lahat ng makita ang pamilya De Loughrey.

Nasa unahan ang table nila at isa isang umupo sa malaking round table. Kaya pala ang gwapo ni Iain, sobrang ganda at gwapo rin pala ng parents niya. Ngunit mapapansin pa rin talaga ang pagka-strikta ng mama ni Iain.

Nagsimula na ang event at halata ang enjoyment ng mga estudyante nang magsimula ang mga kaunting pakulo ng emcee.

"Hi. Ikaw si Ada diba?" nilingon ko ang katabi kong babae at nginitian siya.

"Yes. Bakit?" balik kong tanong at humarap sa kanya.

"Ako nga pala si Claire. Actually magkatabi lang ang rooms natin kaso nga hindi rin ako makakuha ng magandang tyempo na kausapin ka kasi palagi kang busy at mailap." aniya.

"Ganon ba? Hindi ko rin masyadong napansin kasi sanay naman akong hindi kinakausap, lalo na't puro kayo mayayaman at ako naman hindi." sagot ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at umiling.

"Ano ka ba! Hindi naman lahat ng mga students dito eh katulad ni Stacy. Nakakaloka nga bakit niya ginawa sayo yon! Pangit din kasi talaga ng ugali non, spoiled sa parents kaya feeling superior siya." may halong inis din sa tono ng boses niya habang nagsasalita.

"Hayaan mo na. Nakaganti na rin ako, at tama na yon. Ayoko nang palakihin pa kasi masyado nang lalaki ang gulo kung gagatong pa ako." sagot ko at uminom ng tubig.

"Sorry to ask this, ha? Pero kasi, may bagong rumors na naman ang kumakalat. May relationship ba kayo ni Mr. De Loughrey?" curious niyang tanong.

"Wala. Saan mo naman yan narinig?"

Eto na naman ba ang bagong chismis? Nakaka-kaba baka umabot pa to sa pamilya nila, ayokong ma-jinx ang scholarship ko.

"Kahapon kaya! Pumunta raw si Mr. De Loughrey sa classroom niyo tsaka sabay din daw kayong umalis. May namamagitan ba sainyo?"

"Wala naman. May pinuntahan lang kami para rin dito sa event, kasi nga diba I'm supposed to be a valedictorian ng batch natin?" sagot ko.

"Good evening, may we call Ms. Ada Margarette Hernandez to proceed here in the stage?"

Nilingon ko kaagad ang emcee at napatayo sa gulat. I took a glance at Claire and she nodded. Pumunta na ako agad sa stage at nasilaw sa spotlight na ngayo'y nakatutok sakin.

"You'll be the valedictorian of your batch, Ms. Ada. We are all wondering how you managed to balance your studies and personal dealings in life. May we know what pushed you to strive so hard?"

Abot abot ang kaba ko sa tanong ng Emcee. Inabot niya sakin ang microphone at nanginginig na tinanggap ko iyon. It took me minutes before I could come up with an answer.

"For me, my inspiration to excel in my studies is my Mom. She has been paralyzed for almost a year now, and the least I could do is do well in my studies so that soon, I would be able to give us a stable life kasi po yung papa ko, he has another family and only child po ako so kailangan ko po kumayod." I answered. Thankfully, hindi ako naluha man lang. I am already used to this life situation and it's okay. I know someday we'll be fine, I will be most fine.

"What an inspiring story to share, Ms. Ada! I'm sure your Mother is the proudest person now. She raised a strong and intelligent daughter!" the emcee praised me and I smiled in response to her compliments. I faced the crowd and smiled genuinely. They gave me a loud applaud.

"Ms. Ada, as you can see the De Loughrey family are present tonight. They would be glad to meet you, because you are the pride of this school." aniya. Bumaba ako agad at nakipag-shake hands isa isa sa pamilya nila.

Huling nasa upuan ay si Iain na ngayon ay titig na titig din sa kabuuan ko at napaayos ng upo ng ilahad ko ang palad para makipag-shake hands sa kanya.

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya at ilang segundo ang lumipas ay hindi niya pa rin binitiwan ang kamay ko. Napa-lingon naman ako sa pamilya niya at halos mawalan ng lakas ang tuhod ko ng makita ang mga mata nilang naka-titig samin ngayon.

Nawala ang ngiti sa kamay ko at nag-ipon ng lakas para bawiin kay Mr. De Loughrey ang kamay ko. Nang mabawi ko yon ay agad akong naglakad sa gilid ng gymnasium para bumalik sa table ko.

Habang naglalakad at naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa pwetan ko at napa-igtad ako sa gulat. Napa-sigaw ako sa takot at muntik nang matumba ng lumayo ako sa lalaking iyon.

Nabalot naman ng katahimikan ang gymnasium at nabaling ang tingin ng lahat sakin, pati ang spotlight ay itinutok sakin at wala akong nagawa kundi ang umiyak. Halos hindi ko maaninag ang buong paligid at halos mabingi sa lakas ng kabog ng puso ko.

Pinunasan ko ang luha at sinikap na tignan ang paligid, huli na rin ng makita ko si Iain na ngayo'y inaawat ng mga guards dahil sa pagbugbog niya doon sa lalaki.

DE LOUGHREY [TDH - III] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon