Chapter 1

3.7K 43 3
                                    

ADA MARGARETTE


"Today, the heir of our institution will be visiting school. And ikaw Ada, I want you to personally escort him since ikaw ang magiging Valedictorian ng batch niyo. Is that clear?"

Si Miss Belle ay personal na pumunta rito sa classroom namin para ianunsiyo ang pagbisita ng may-ari nitong skwelahan na pinapasukan ko. Kagaya ng inaasahan ay ako ang kinuha ni Miss Belle para samahan ang may-ari, hindi ito problema sakin dahil malaki rin ang naitulong ng pamilya nila para sa pagtatapos ko.

"Sige po, Miss Belle. Anong oras po ba siya bibisita?" tanong ko habang maayos na nakatayo sa harapan ng pinto ng classroom, dapat ko 'tong paghandaan dahil may-ari ng skwelahan ang kakaharapin ko at ayokong mapahiya.

"He'll probably be here any minute from now. I want you to head to the Dean's office prior to Mr. De Loughrey's arrival, Ms. Hernandez. The teaching staff will be right there after their classes."

Nagpaalam na si Miss Belle at naiwan akong nakatayo sa may pinto. Hindi ko na pinag-aksayahan ng oras pa at niligpit ko na ang mga gamit ko at inayos ito sa bag ko.

Wednesday ngayon at kakatapos lang din ng PE subject namin, nagpalit ako ng t-shirt dahil sobrang pawis ko na rin at nilugay ang buhok. Kahit papaano naman ay disente pa rin akong tignan, sana lang ay hindi magalit ang may-ari dahil naka jogging pants lang ako at plain peach top.

Mabilis akong nakarating sa Dean's office at sobrang nagandahan ako sa design ng silid na iyon. Hindi pa ako nakapunta man lang sa Dean's office kahit 4 years na akong studyante ng paaralan nila, kadalasan lang akong nakakapunta sa mga faculty pero hindi sa office na to.

Dahan dahan akong pumasok at sinara ang pinto, dahil mag-isa lang din ako ay sinulit ko na ang oras para mag tingin tingin sa mga certificates, trophies and pictures na naka-display sa pader ng room.

Kahit saang sulok ako tumingin, puno ng mga awards ang kwartong iyon. Kaya siguro hindi masyadong pinapapuntahan ang office na to dahil puro mamahalin ang mga gamit, puro mga glass ang tables pati na ang mga cabinet.

Ganon nalang ang gulat ko nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang napaka-tangkad at malaking lalaki, halata sa postura nito ang pagiging arogante kaya hindi agad ako nakapag-salita ng magtama ang mga titig namin sa isa't isa.

"Students are not allowed to enter this Office, why are you here?"

Nanlambot agad ang mga binti ko sa kaba dahil sa tono ng pananalita niya, ang akala ko ay isang matanda ang may-ari ng Lyle Montessori School.

"Good morning, Mr. De Loughrey! Inutusan po ako ni Miss Belle na samahan kayo habang naghihintay po sa Faculty Staff." lumapit agad ako sa kanya para sana ay magmano pero hindi man lang niya pinansin ang iginiya kong kamay, tapos ay umupo agad siya doon sa Office Chair.

"May I know your name?"

Tinanggal niya ang shades niya at nalula ako ng makita ang berde niyang mga mata. Grabe! Ang gwapo naman.

"I'm Ada Margarette Hernandez, po." magalang kong tanong at bahagyang yumuko para magbigay respeto sa kanya.

Matapos kong sumagot ay nanatili lang akong nakatayo at ibinaling ang tingin sa kaliwang direksyon ng Office. Sobrang tahimik naming dalawa at hindi man lang ako nakarinig ng kahit anong salita galing kay Mr. De Loughrey, nangangalay na rin ang mga binti ko kakatayo kung kaya't napagdesisyunan ko nalang din na bumalik sa classroom ko.

DE LOUGHREY [TDH - III] Where stories live. Discover now