Chapter 4

1.6K 29 0
                                    

ADA MARGARETTE


Maraming mga pangamba ang dumadaan sa isip ko ngayon at miski isa ay alam kong hindi ko mabibigyan ng solusyon iyon.

Kasabay ng birthday ko ay ang Senior's Ball, inaasahan ako ng mga Teachers na um-attend pero alam ko sa sarili kong wala akong pambayad sa gastusin kung sakali.

Pang-apat na araw na ng suspension at kahit himala ay hindi rin ako dinapuan. Malas!

Wala na akong ibang ginawa kundi pag-aralan ang mga lessons na possibleng diniscuss sa loob ng linggong to. Ayoko mahuli sa klase kahit pa nandito ako sa bahay.

"Ada?" pagtawag sakin ni Ma'am Cynthia na nagpalabada sakin kahapon.

"Ano po 'yon?" agad kong sagot.

"Heto oh bayad ko, ang sobra niya itabi mo na para may pambili ka ng mga kakailanganin mo hija." nilahad niya sakin ang 1 thousand at hindi mawala sa labi ko ang ngiti dahil sa kabaitan ng Ginang.

"Salamat po Ma'am Cynthia! Sobrang bait niyo po, sana i-bless ka po ni Lord ng marami!" pagpapasalamat ko.

"Oh siya, sige na. May pupuntahan pa ako, hindi na 'ko magtatagal Ada." pagpapaalam niya kaya sinara ko na ang pinto nang tumalikod siya.

May naipon akong pera rito pero hindi pa rin iyon sapat para sa araw-araw na gastusin ko. Kahit sa pagkain at pamasahe nalang, dahil ang tubig at kuryente ay libre na ng kapitbahay samin ng mama ko.

Masasabi kong sa Barangay namin, wala kaming panahon para mag tsismisan, mas pinipili naming tulungan ang isa't isa para mapanatili ang kapayapaan sa lugar.

Kakaupo ko palang sa upuan nang may kumatok na naman sa pinto. Wala akong inaasahan bisita ngayong araw kaya nakakapangtaka na may pumarito ng gantong oras.

Pagbukas ko ng pinto, nakatayo sa labas si Stacy at ang kanyang parents. Bakas sa mga mukha ng mga magulang ni Stacy ang galit.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" magalang kong tanong.

"Pagbayaran mo ang pamamahiya mo sa anak ko!" sigaw ng mama ni Stacy.

Si Stacy ay nasa likod lang at patawa-tawa habang iniirapan ako.

"Wala po akong ginawa sa kanya, Ma'am."

"Anong wala?! Dahil sayo laman siya ng usap-usapan sa School niyo, hindi na makapasok ng matiwasay ang anak ko dahil sa ginawa mo sa kanya! Wala kang modo!" akmang hahampasin na ako ng mama ni Stacy ngunit ang iilan saking mga kapitbahay ay nagmadaling pumunta sa bahay namin para depensahan ako.

"Ma'am, nagkakamali ka ng pinasukang Barangay. Wala kang karapatang mag eskandalo rito." si Ate Maribel yon at hinila ako papunta sa likod niya.

"Huh! Alam mo ba kung ano ang ginawa niyang istupidang yan sa anak ko? Pinahiya niya sa buong campus, sa tingin mo kakalma ako?" puno ng galit na sambit ng Mama ni Stacy.

"Mabait na tao si Ada, at kung ano man ang ginawa niya sa anak mo ay ganti niya lang yon sa kung anong ginawa ng anak mo sa kanya. Kaya Ma'am, kung ako sayo umalis ka na. Hindi kami tumatanggap ng eskandalosa sa Barangay namin."

Matalik ko ring kaibigan si Ate Maribel kahit pa malaki ang age gap namin, siya ang lagi kong nakakakwentuhan tuwing may bakante kaming oras.

"Ada! I will see you on Monday, I won't let this pass. You will pay for this!" galit na aniya at mabilis nilang nilisan ang Barangay namin.

Nagtinginan kami ni Ate Maribel nang makaalis ang parents ni Stacy at alam kong gusto niyang i-kwento ko ang nangyari.

"Ano, okay ka lang ba Ada? " tanong niya at chineck pa kung may mga pasa ba ko sa katawan.

"Wala naman ate." tipid kong sagot at nginitian siya.

"Nako! Ano ba kasing nangyari at bakit galit na galit yung babaeng yon?" usisa niya, kaya naman pinapasok ko siya sa bahay at pareho kaming umupo sa sala.

"Si Stacy ang nauna, ate. Bigla niyang sinabi na nakipag-1 night stand daw ako sa may-ari ng skwelahan namin para makakuha ng sustento para sa College ko." panimula ko.

"Pagkatapos po, gumanti lang ako sa kanya dahil sa galit. Sabi ko nakipag-sex siya sa guard ng school namin, totoo naman yon eh." depensa ko sa sarili, maya maya ay tumawa ng malakas si Ate Maribel at nakipag-apir pa sakin.

"Yan! Tama yan! Huwag kang magpapaapi sa kahit sino, wala silang karapatan na pagsalitaan ka ng masama. Tsaka ano bang problema kung nag offer ng scholarship ang may-ari ng school niyo sayo? Wala naman ah." kunot-noong tanong ni ate Maribel.

"Eh kasi ate, gwapo yung may-ari ng school namin. Mga kasing-edad mo lang yata or mas matanda sya ng ilang taon. Eh ate, nung nakaraang linggo may inasikaso ako sa School tapos timing na nandon din siya at inaya kami ng lunch eh yung teacher na dapat kasama namin ay may importanteng pinuntahan kaya ako nalang ang nakasama." dagdag ko pa.

"Oh! Siya naman pala ang nagmagandang loob na ayain kayo ng lunch, anong masama diyan?" ramdam ko ang pagkalito ni ate Maribel, kahit ako rin wala namang masama sa ginawa namjn kasi kumain lang naman.

"Baka inisip nilang boyfriend ko si Mr. De Loughrey, ate. Eh dapat inisip din nila na masyadong mayaman at mataas ang estado ng buhay ni Mr. De Loughrey, at hinding hindi yon lilingon sa isang mahirap na tulad ko 'no!"

Although I sounded defensive and was outright degrading myself, but that's the reality. I don't find any malicious intent with eating lunch, and that won't equate with me having a relationship with Mr. De Loughrey.

Nahihibang lang si Mr. De Loughrey kung papatulan niya ang tulad ko.

DE LOUGHREY [TDH - III] Where stories live. Discover now