Chapter 26

1.3K 24 2
                                    

ADA MARGARETTE


"That will be your new phone, I got my number saved in the contacts and in case anything happens, you can call me whenever and wherever you are."

Naga-agahan kami ngayon at umagang umaga palang ay puro boses na ni Iain ang naririnig ko, paulit ulit na habilin at kung ano ano ang sinasabi niya.

"Magkatulad pa tayo ng phone. Mamahalin to panigurado." mahinang sabi ko at sinubuan ang sarili.

"Yes, matching phones for you and me. You got problem with that?" aniya.

"Wala naman." naisagot ko nalang. Sobrang matalas din pala ang pandinig ni Iain, ultimo napaka-hina kong boses eh naririnig pa niya.

"I also asked my secretary to provide you a personal card so you can make purchases whenever you want to." seryosong sabi niya habang ngumunguya.

"Ay para saan naman to? Hindi ko rin to magagamit. Tsaka hindi naman to magagamit sa eskwelahan, pera pera naman doon." sabi ko pa.

"How much?" seryosong saad niya.

"Ang alin?" naguguluhang tanong ko.

"Your allowance." sagot niya habang kinakapa ang mga bulsa ng suot na slacks at kinuha ang wallet.

"50." sagot ko.

"Huh?" napatingin siya sakin at nagkunot noo. Hindi naniniwala sa sinagot ko. "Here. Make sure you don't starve yourself. Eat quick, I'm gonna send you to school." tapos ay binigyan niya ako ng 5k.

Binilisan ko na ang pag kain, nguya lang ng nguya. Mabuti nalang at masarap ang ulam namin ngayon kaya ganado rin akong kumain.

Nagmadali kami ni Iain, mabilis din siyang magpatakbo ng sasakyan kaya hindi nagtagal ay nakarating din kami sa school.

"Iain! Hey!" pagka-labas naming dalawa ng sasakyan ay bumungad si Miss Olivia, at nag beso kay Iain.

Mukhang hindi naman napansin ni Miss Olivia ang presensya ko dahil nasa kabilang side naman siya kaya umalis na agad ako ng hindi nagpapaalam.

Nagsimula ang araw ko ng masaya at nilibre ko pa si Claire at Janine dapat sa laki ng pera na binigay sakin ni Iain. Tuwang tuwa kaming tatlo habang kumakain at nang matapos ang klase ay sabay kaming naglakad sa may sakayan at binigyan ko pa sila ng kanya kanyang pamasahe.

Ako naman ay naiwan at sumakay na rin ng jeep para umuwi sa Mansyon. Ilang minuto pa akong naghintay bago may dumaan na jeep at buti nalang ay iilan lang ang sakay non.

Halos 20 minutes lang ang biyahe pauwi kaya naman nilakad ko nalang ang papasok sa subdivision kahit pa nasa dulo ang bahay ni Iain doon. Exercise nalang din para hindi humina ang katawan ko.

Nang makarating ay nagbihis ako ng pambahay at namalagi ng ilang oras sa mama ko. Humiga ako sa gilid ng kama ng mama ko at hindi namalayan ay nakatulog na rin pala.


NAGISING AKO sa pagpukaw sakin ng isa sa mga tiga-bantay ni Mama para pakainin, pero dahil sa kabusogan ko kaninang hapon ay hindi na ko nagpasyang kumain.

Tumayo na ako at dumiretso sa kwarto, ni-lock ko rin ito para walang didisturbo sa tulog ko. Ang sakit kasi ng katawan ko, sobrang likot kasi namin kanina nila Claire at Janine.

Humiga na ako sa malambot na kama, nag-isip isip pa ako ng mga bagay bagay at hinayaan ang sarili na makaramdam ulit ng antok at ituloy ang naudlot na tulog.

KINAUMAGAHAN AY kumain ako mag-isa at naghintay ng jeep para makarating sa school. Hindi raw umuwi si Iain kagabi, hindi rin tumawag para magsabi ng dahilan ayon sa head ng mga katulong dito sa bahay.

Hinayaan ko lang iyon at sinimulan ang araw ko ng kasiglahan. Mabuti nalang at wala palang classes today dahil ininstruct ang mga teachers na mag-start na sa graduation practice namin.

Nakakaloka! 1 and half month nalang pala bago ang Graduation. Nalingat lang ako saglit, bukas makalawa ay graduate na pala ako.

Mabuti na rin yon at 4 years nalang ang iindahin ko bago makapaghanap ng stable job para samin ni Mama. May scholarship naman ako mula kay Iain kaya madali nalang iyon.

Buong hapon kaming nag practice sa kung paano ang setup ng stage. Inaral na rin namin ang mga songs na kakantahin sa mismong ceremony at ang initial flow ng programme.

Nasa 100 lang kami sa batch namin kaya hindi masyadong chaotic ang pagppractice ng mga lakad. Madali ring nagets ng lahat ang mga sinasabi ng instructor namin kaya walang naging abirya.

Natapos ang araw at wala na kong ibang inisip kundi ang makauwi at matulog ulit. Hindi man sobrang hirap nung practice kanina ay napagod parin ang katawan ko, ewan ko rin kung bakit.

Nakarating ako ng mansyon at hindi ko na kinaya pa ang umakyat kaya nilapag ko na sa sala ang gamit ko at humilata roon. Buti nalang at busy ang mga tao kaya mag-isa lang ako.

"Hi, Ada! You're living here pala? Are you Iain's cousin or what?" boses ni Miss Olivia ang bumungad kaya napadilat ako agad at umayos ng upo.

"Ay hi p—"

"She and her mom is living in a small apartment so I just thought of helping them."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng sumapaw agad si Iain sa usapan. Magkatabi sila ngayon sa harap ko pero ang titig ko ay na'kay Iain lang, maging siya rin ay titig na titig sa kabuuan ko.

"Helping them by letting her live in your house?" nagtatakang tanong niya.

"Why not? It's my house in the first place. I could even let you live here if I want to." aniya.

"Should I pack my things and bring 'em here then?" pabirong tanong ni Miss Olivia at hinalikan ang pisngi ni Iain tapos ay tumingin sakin.

"My dear, have some food. Iain and I cooked something in the kitchen. Let's go?" pag-iimbita ni Miss Olivia at in-offer ang kamay sakin.

"Ay hindi na po. Magpapahinga na muna ako. Mamaya nalang siguro." pagtanggi ako at dahan dahang kinuha ang bag at tumayo. Tinalikuran ko na sila at umakyat ss kwarto ko.

Naligo na rin ako at nagbihis. Umupo ako sa may sofa at sinandal ang ulo. Ilang minuto akong nanatili sa ganong posisyon at hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng matinding pandidiri at pagbaliktad ng sikmura kaya tinungo ko kaagad ang CR para sumuka.

Dulot to ng matinding pagod kanina. Dapat siguro magpahinga nalang ako, mas mainam yon para hindi ako mapagdiskitahan ni Miss Olivia.

DE LOUGHREY [TDH - III] Where stories live. Discover now