"So pati si nana Martha nabola na rin ng babaeng iyon." Naibulong nalang niya bago salubungin ang matanda, na papalapit na.

Alas diyes ng gabi ng tuluyang lisanin ng mga bisita ang party. Ang mga manggagawa nalang sa hacienda ang siyang mga natira. Pati si nana Martha ay dinala narin ng personal nurse nito sa kaniyang silid upang maka-paghinga na.

Magkakasunod naman na pumasok sa mansion sila Dennise at ang iba pang miembro ng pamilya.

"Ate Jia, sigurado ka bang hindi ka sasama sa amin?" Narinig niyang wika ni Gabby.

"Pasensiya ka na bunso, gusto ko rin sanang sumama pero pagod talaga ako. Pass na muna ha?" May himig paglalambing na turan ni Jia sa kanyang nakababatang kapatid.

"Madaya ka ate ah?" May himig pagbibiro na turan naman ni Bea na ikinatawa naman ni Jia. Alam naman kasi nitong nagbibiro lang ang pinsan.

"May utang ka samin Jia ha?" Nakangiti namang sabat ni Ella.

Ngiti at tango naman ang isinagot ng dalaga sa kaibigan ng pinsan.

"Dennise ikaw na ang bahala sa kaibigan mo pati narin sa kapatid mo at pinsan." Tumigil naman sa paglalakad si Jaime at binalingan ang nakatatandang anak.

"Bakit may pupuntahan pa ba kami? Hindi po ba't tapos na ang party daddy? Hindi manlang ako na-inform na hindi pa pala tapos ang itinerary ko for today." Sarcastic na wika ni Dennise. Nayayamot na siya. Wala siya sa mood sa buong durasyon ng party. Tapos sasamahan pa nito? Wala siyang pakialam sa kung ano mang plano meron ang mga ito. Ang gusto niya lang ay pumasok sa kanyang kwarto at matulog!

"Sumama ka nalang para malaman mo hija, paniguradong mag-eenjoy ka doon. Mukhang excited na nga iyang bestfriend mo. Diba Ella?" Lumingon si Ella sa tiyahin ng kaibigan.

"Ganoon na po ba ako katransparent? Pero tama po kayo tita Julia, sobrang excited na nga talaga ako tita!" Nababakas nga sa hitsura at panamalita ng dalaga ang labis na excitement. Napangisi pa nga ito.

"So, sige na magsibihis na kayo para makaalis na. Sabihan niyo nalang ang mga tao doon na pasensiya na at hindi kami makakapunta." Nakatawang pagtataboy naman ni Rafael sa kanila.

"But please mag-behave kayo doon and be responsible ha? Look after each other. Enjoy lang kayo. Dennise iyang kapatid mo at si Gabby bantayan mo!" Muling paalala ni Anna sa anak.

"Mom, I'm not a baby na po! Please stop po!" Ingos naman ni Beatriz, with matching eye roll pa! Awkward lang na at that age binibaby parin siya ng nanay niya.

"Could you spare me with all of that mom? Wala nga akong alam sa pinag-uusapan ninyo! Plus hindi nila ako yaya and look at them they are all grown ups, consenting adults. They will do good, better I mean, without me!" Iyon lang ang nasabi ni Dennise bago hatakin paakyat ng kaibigan.

"Shut up Michelle! Sa ayaw at gusto mo sasama ka sa kanila! So, magbihis na kayo para makaalis na." Pinal na wika ni Jaime na nagpatahimik kay Den. May magagawa pa ba siyang iba?

"Magandang gabi po, buti naman at nakarating kayo kaagad señiorita Dennise." Agad na tumayo at sinalubong sila ni tatay Rene ng makita sila nitong papalapit.

"Magandang gabi po señiorita." Sunod sunod na bati ng mga naroroong trabahador sa kanila.

"Magandang gabi din po sa inyong lahat. Pasensiya na at hindi makakarating sila daddy at tito Rafael." Malakas na sabi niya habang nakatingin sa mga trabahador.

Pagkatapos binalingan niyang muli si tatay Rene at pinagpatuloy ang kanilang pag-uusap.

"Ano po bang meron dito tay? Hindi po kasi sinabi ng mga ito kung saan at ano ang pupuntahan namin." Tiningnan ni Den ng masama ang mga kasama.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now