"Gusto ko sanang magpahinga pero nabusog ako doon sa inihaing breakfast. Breakfast palang ba talaga iyon? Mabigat na kasi sa tyan ang inihain plus ansarap pa noong native na tinolang manok. Hahaha". Natawa pa si Ella habang nagkukwento tungkol sa tinolang manok na natikman niya.

"Ganoon talaga dito ate, sanay kasi ang mga tao dito sa heavy breakfast. Alam mo na maraming gawain sa hacienda or sa bukid kaya dapat may laman talaga ang sikmura bago sumabak." Paliwanag naman ni Beatriz.

"Tama ka naman Bei, at ngayon ngang may handaan, panigurado busy ang karamihan dito sa hacienda. Iyon nga oh, nakikita kong hindi na maawat sa kapaparoon at parito ang mga tao." Nakanasid kasi si Ella sa paligid at napuna niya kung gaano ka busy ang mga tao. Bawat isa may nakatokang gawain.

"May mga assigned task sila ate. Some of them mga tauhan ng organizer ng party, ang ilan naman mga taga rito din sa hacienda. Oo nga pala ate, nasaan na si ate Den?"

"Iniwan ko sa kwarto. Matutulog siguro iyon, kanina pa kasi reklamo ng reklamo. Kulang daw ang tulog, at masakit narin daw yung ulo niya. Sinabi ko nalang na maglilibot-libot na muna ako dito sa baba."

"Bayaan mo nalang siya doon ate. Napansin ko ngang medyo iritable siya kanina. Ako, basta ganyan na yang si ate Dennise, pinababayaan ko nalang. Matic na kasing magsusungit eh. Parang lagi ngang may period." Todo ang ginawang pagtawa ni Bea, na sinabayan naman ni Ella. Nag-high-five pa nga silang dalawa at nagtawanang muli.

"Sabi nila maglelechon daw sila ng baka. Alam mo ba kung saan iyon? Gusto ko sanang makita. First time ko kasi makawitness noon." After a while ay nasabi ni Ella.

"Timing ate, doon nga din ang punta ko after kong linisin ang mga ito. Inuna ko lang ito, baka kasi kako matagalan ako doon, at makaligtaan ko nang linisin ang mga lente ko. Alam mo kasi masarap makipag-usap ng mga taga rito. Paniguradong hindi ka mabobored. Okay lang ba kung tapusin ko muna ito ate? Sandali nalang din naman, then pwede na tayong pumunta doon sa likod para mawitness mo ang paglelechon ng baka." Buong galak na wika ni Beatriz.

Sumang-ayon naman si Ella sa mungkahi ng nakababatang Lazaro. Hindi nagtagal at natapos narin ni Bea ang ginagawa, kaya naman ng maibalik na niya sa kwarto ang mga camera agad na silang nagtungo sa likurang bahagi ng mansion.

"Hi po tatay Rene. Manong Nick, manong Val. Okay lang po bang tumambay kami dito? Manonood lang po kung paano maglechon ng baka. Hahaha." Magalang na binati ni Beatriz ang mga taong naroroon.

Wala namang kaabog-abog na pinaunlakan nila ang bagong dating.

"Ay syempre naman po señiorita, hali po kayo dito. Sayang po at hindi niyo naabutan ang pagkatay nito kanina." Magalang na sabi ng isang lalaki. Nakaupo ito sa isang maliit at may kababaang bangko gawa sa kahoy. Ito siguro ang nakatoka sa pagbabantay sa mga lechon.

Nakasalang na kasi ang isang mataba at katamtamang laking baka sa uling. May katabi din itong dalawa pang lechon. Baboy naman ang mga iyon.

"May pinuntahan pa po kasi ako kanina kaya ngayon lang ako nakapunta, manong Val. Oo nga po pala, nakakain na ba kayo? May dala po ako ditong puto at kutsinta. Merienda po ninyong lahat. Kainin niyo po habang kayo'y naglelechon." Sabi agad ni Beatriz sa mga naroroong kalalakihan sabay bigay ng kanyang dalang kakanin.

"Baw ah, ini gid bala ang nagustuhan ko diri sa agot ni toto Jaime mu. Masyado ka madinumdumon kag alwan nga pagkabata. Palihog ko gani kuha sini Caloy kag ibutang da sa papag. Salamat gid señiorita." Agad na nagpasalamat ang lalaking tinawag na tatay Rene.

("Ito talaga ang pinakanagustuhan ko dito sa bunsong anak ni señiorito Jaime, napakamaaalahanin at hindi marunong magdamot. Caloy pakikuha nga nitong dala ng bata at pakilapag nalang diyan sa papag.")

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now