Muli ko iginala ang aking paningin sa paligid. Napasinghap ako. Nawawala siya! Hindi ko na matagpuan ang kalahating dragon at kalahating adarna! Nasaan na 'yon!?

"Prinsesa Styriniana?" nagtataka nilang tawag sa akin. "Ano pong hinahanap ninyo?"

Nanlalaki ang mga mata ko habang sinulyapan ko sila. "Ang kalahating dragon at kalahating adarna! Hindi ko na makita!" malakas kong bulalas. Napatutop ako ng bibig. "Hindi ko sinasadya, baka nasira ko siya dahil sa ginawa ko kanina!"

Pakurap-kurap silang tumingin sa akin. Sa huli ay nagawa nilan tumawa nang mahina. Ako naman ang nagtaka sa kanilang ginawa. Namomoblema na nga ako dito, nagawa pa akong tawanan! "Huwag po kayo mag-alala , Kamahalan. Ayos lang po ang aming Panginoon. Malaki din po ang pasasalamat niya dahil nakalaya na din po siya ng ilang daang taon na mula sa ilalim ng isang sumpa."

Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Bumaling ako kay Emperador Shan at sa kapatid niyang si Prinsipe Ting Fei. "Kinakailangan ko nang umalis sa lalong madaling panahon." kaswal kong paalam sa kaniya. "Dahil hindi na ako maaaring manatili dito nang matagal, naghihintay na sa akin ang pamilya ko at kailangan na nila ako."

"Pero Prinsesa Styriniana," biglang nagsalita si Prinsipe Ting Fei. "Hindi naman sa pinipigilan kita pero iniisip ko din kung ano ang maiisip ng mga mamamayan ng Jian Yu sa oras na malaman nila na nawala ang emperatris---"

"Huwag ka mag-alala, Prinsipe Ting Fei. Kung iniisip mo din kung ano ang magiging epekto sa kanila sa oras na malaman nila na isa palang dayuhan ang kanilang emperatris, huwag ka mag-alala. May naisip akong solusyon. Hindi lang ako sigurado kung makikipagtulungan kayo."

"Anong naisip mong paraan, Prinsesa Styriniana?" hindi mapigilang magtanong ni Lan na nasa isang tabi.

Humalukipkip ako. "Palabasin ninyong patay na ang kasalukuyang emperatris dahil dinapuan ito ng malubha at hindi matukoy na sakit." kaswal kong wika. Rinig ko pa ang pagkagulat sa kanilang reaksyon. "Pangalawa, ngayon palang maghanap na kayo ng babaeng karapat-dapat na maging emperatris para sa Kamahalang Imperyal, ang Emperador Shan."

Nakita ko kung paano siya nabato sa naging iminungkahi ko. Alam kong matagal na niyang hinihiling at inaasahan na ako ang magiging emperatris niya subalit, nakatakda na akong maging emperatris ng Thilawiel at si Otis talaga ang gusto kong makasama dagdag pa na may anak na kami. Malungkot siyang yumuko. "Naiitindihan ko, Prinsesa Stryriniana..."

Mas humarap pa ako sa kaniya. "Alam kong hindi na maganda ang pagitan ng Cyan at Jian Yu pero bakit hindi nalang natin burahin kung ano ang masamang nakaraan ng dalawang bansa na ito, Emperador Shan? Bakit hindi nalang tayo magsimula muli? Bakit... Hindi nalang tayo maging magkaibigan?"

"Magkaibigan...?"

Tumango ako. Binigyan ko siya ng malapad na ngiti. "Oo, sa katunayan ay naisip ko kung bakit hindi rin mapadpad ang mga negosyante ng bansa mo sa Cyan, Thilawiel, Oloisean at Severassi? Ipalaganap ninyo ang mga produkto ninyo sa amin? Naisip ko din na maganda rin kung magpadala din kayo ng mga kabataan sa Cyan upang matuto na gumamit ng mga mahika. Maaari din kami magdala ng mga mamamayan sa bansa ninyo upang mas lumawak ang kaalaman nila sa mga nais matuto sa sining sa pakikipaglaban? Maaari din kaming magluwas ng mga produkto mula sa apat na bansa at ganoon din kayo sa amin. Isa pa, naalala mo ba kung ano ang iminungkahi ko sa 'yo tungkol hukbo na bubuuin? Nais kong magtrabaho sila para sa Thilawiel, sa gayon ay maging karagdagan na hukbo sila sa mga papalapit na laban." pagpapaliwanag ko pa. "Mas maganda kung ganoon, hindi ba, Emperador Shan?"

Hindi lang ang magkapatid na Emperador at Prinsipe ang natigilan sa aking sinabi. Gayundin ang mga tao sa paligid namin. Ngunit sa huli ay lumawak ang kanilang ngiti, marahil ay katanggap-tanggap para sa kanila na ganoon nga ang namamagitan na mayroon kami sa bansang ito. Hindi bilang kaaway. Na mas maganda kung ibabaon na namin sa limot kung ano ang masamang nakaraan sa pagitan ng Cyan at Jian Yu.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2) - EDITINGWhere stories live. Discover now