10: Two Can Play this Game

Start from the beginning
                                    

"Miguel's classmate joined us ate, kaya narinig ko ang usapan nilang dalawa, and noong makaalis na iyong classmate niya, I told Miguel na may kakilala pala siyang Valdez. Sabi niya oo, twins pa nga daw iyon sina Alyja at Alyssa Valdez nga daw. Nagulat ako pagkarinig ko noon at napansin iyon ni Miguel so wala akong natirang choice kundi sabihin na nagkaroon ka ng relasyon kay Alyja Valdez." Tiningnan ni Jia ang pinsan at huling huli niya kung paano gumuhit ang galit sa maamo nitong mukha.

"So tama ako sa sinabi ko kaninang impostor iyong babae sa news article?" Nang makita at mabasa kasi niya ang news article na iyon, una talagang pumasok sa isip niya na impostor at naloko siya ng 'dating kasintahan'. Nang Alyssa Vadez na iyon! Kung iyon nga ang totoo nitong pangalan.

"Isa lang ang sigurado dito ate Den at iyon ay ang pagpapanggap ni Alyssa bilang si Alyja. Pero bakit niya kaya ginawa iyon?" Takang tanong ni Jia.

"Regardless sa kung anumang reason meron siya, hindi niyon mababago ang katotohanang ginago niya ako! Niloko niya ako at pinaniwala na siya ang unang taong minahal ko. Kahit ilang taon na buhat ng mangyayari iyon, hinding hindi ko iyon makakalimutan! Kinamumuhian ko siya kinamumuhian ko si Alyssa Valdez!"

Ang panglolokong iyon ang naging mitsa para kamuhian ni Dennise Lazaro si Alyssa Valdez. Hiniling nalang niya na sana ay huwag nang mag-krus muli ang kanilang mga landas.

Pero mapaglaro talaga ang tadhana. Twenty-seven na noon si Den and twenty six na si Alyssa. Pitong-taon mula ng magkahiwalay sila, ng sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita silang muli.

Nasa Negros noon si Dennise para umattend ng birthday party ng kanyang tita Juliana. Hindi katulad ng mga previous birthday parties nito na magarbo at maraming mga bisita ngayong taon simple lang at intimate ang okasyong ito. Mangilan ngilang closed friends lang ng mag-asawang Rafael Lacson and Juliana Lazaro Lacson ang imbitado, at isa na nga dito si Felipe Villarama na kasama ang recognized Agriculturist at anak anakang si Alyssa Valdez.

Nang makita ni Jia si Alyssa ay agad nitong tinawag ang pinsan at pinaalam dito na nandoon nga ito para sa party ng kanyang mama.

Nagulat si Dennise nang malaman ang presensiya ni Alyssa at ni ginoong Villarama sa salo-salong iyon. Hindi niya kasi alam na magkakilala or magkaibigan ang kanyang tito at tita at ang nagmamay-ari ng katabing lupain ng hacienda Lazaro.

Nakabihis na siya at lahat pero hindi na muna siya bumaba sa hardin para makihalubilo sa iilang bisita, sa halip tinungo niya ang kwarto ng kanyang nana Martha at tinanaw ang pagdiriwang mula sa balkonahe nito.

Wala kasi sa mansion ng mga panahong iyon ang kanyang nana. Ito ay nasa kanilang bahay sa Manila. Iyon nga rin ang dahilan kung bakit silang dalawa lamang ni Beatriz at ang kaibigang si Fille ang naroroon para sa birthday ng kanyang tita. Nagpaiwan nalang ang kanyang mga magulang para may kasama ang kanyang nana Martha.

Habang pinagmamasdan niya ng lihim ang bawat galaw ni Valdez ay nakarinig si Dennise ng pagbukas at pagsara ng pinto. Pumasok si Fille at lumapit sa kanya. Pinasadahan din nito ng tingin ang mga taong naroroon sa baba.

"Jia told me na nandito ka. Looks like may lihim kang tinitingnan diyan sa mga bisita ng tita mo ah? Sino ba yang tinitingnan mo?" Sabi ni Fille ng makalapit na ito sa barandilya.

"Look at the person on your three o'clock." Simpleng turan ng arkitekto sa kaibigan.

"My god! Siya na ba iyan Dennise?!" Hindi makapaniwala na bulalas ni Fille habang sinisipat ng tingin ang taong tinutukoy ni Dennise.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now