yesha:
pero ayun,, nakaya ko
naman 🥳

jaxvier:
buti naman babe, pahinga
ka mamaya pagdating sa
bahay niyo ha?

jaxvier:
relax ka lang :)

yesha:
ikaw din babe, alam ko
mas mahirap exam niyo
kesa sa amin HSUSUSJSHS

jaxvier:
hindi na kelangan babe,
kahit nga kachat palang
kita, nawawala pagod ko
sa exam kanina

jaxvier:
tulad nga ng sabi ko,
ikaw pahinga ko :)

yesha:
eto naman eh >< wag
ka ngang ganyan

jaxvier:
TOTOO NAMAN ><

yesha:
HAHAHAHAHAH

yesha:
lalabas na ako dito sa
room babe :)

jaxvier:
sige sige

jaxvier:
see u nalang mamaya
babe hehe :>

yesha:
opo hehehe

-

tumayo na ako tapos lumabas na nga ako ng room at doon nalang muna ako tumambay sa harapan ng corridor. doon nalang daw kami magkikita dalawa ni jax eh.

habang naglalakad ako, nabigla naman akong biglang sumulpot sa gilid ko si sebee. ningitian niya naman ako, "hi yesha!" bati niya sa akin. may dala-dala siyang dalawang libro.

ningitian ko din siya, "uy sebee!" tsaka sabay na kaagad kaming lumakad.

"asan si jaxvier?" tanong niya sa akin.

"nasa room pa din nila. hindi pa kasi nila uwian. hihintayin ko nalang siya doon sa library." sabi ko sa kanya.

natawa naman siya bigla, "coincidence ah! doon din punta ko.. kasi ibabalik ko 'tong mga libro." sabi niya. kaya pala may mga dalang libro.

"kung ganon, sabay nalang tayo doon." sabi ko.

"sige."

- - -

library area . . .

nandito ako sa labas ng library. tapos nasa loob na ng library si sebee. binalik niya na yung mga books na hiniram niya. habang naghihintay, nakita ko naman kaagad si mace na papadaan dito.

"mace!" tawag ko sa kanya.

napatingin naman siya sa akin at bigla niya naman akong linapitan dito. agad niya naman akong ningitian, "hi captain yesha! kumusta ka?" tanong niya sa akin.

"okay lang naman ako. ikaw ba?"

"ayos lang din naman." sagot niya. may bigla akong may naalala. kamusta na nga pala silang dalawa ni sebee. hihihi.

"nga pala, kamusta kayong dalawa ni sebastian?" tanong ko sa kanya.

hindi kaagad siya nakasagot pero ngumiti naman siya, "okay naman. nagpapansinan na din kami. medyo nahihiya pa din ako sa kanya kasi nga.. you know na. pero siya naman mismo nagsabi na wag ko siyang iiwasan." sagot niya.

medyo natawa naman ako sa sinabi niya, "buti na yun. kasi hindi siya tulad ng iba na lalaki.. you know? yung mga hindi aware. and just wait for him nalang talaga, mace. si sebastian na yan oh." sabi ko.

napatango naman siya, "yun nga din sabi ko. syempre, hihintayin ko siya. patient naman akong tao. tsaka captain, gusto ko din maranasan na mahalin 'no. masaya yun eh. nakikita ko yun sa'yo kung gaano ka kamahal ni jaxvier."

"oo, sobrang saya talaga. tsaka mararanasan mo din yan, mace. tsaka hindi imposible na mahalin ka ng pabalik ni sebastian 'no, ang ganda ng ugali mo, mace. sobra." nakangiting sambit ko sa kanya tsaka nakita ko namang natawa siya at ningitian niya ako.

"captain naman, wag mong sabihin yan. kinikilig ako eh." natatawa niyang sambit. "pero sana nga talaga." dagdag niya.

napatango naman ako, "oo naman. ikaw pa. tiwala lang." sabi ko sa kanya at napangiti lang naman siya ulit.

pagkatapos, may tumutunog na phone. kay mace lang naman pala.

"excuse me lang." sabi ni mace at napatango lang naman ako.

tapos ayun, nag-usap sila saglit nung caller. napatingin naman ako sa paligid. amp, wala pa si jaxvier hanggang ngayon. si sebee, nasa loob pa din ng library.

"sige, bye na." dinig kong sambit ni mace at tapos na yata silang mag-usap nung caller sa phone niya.

tapos napatingin ulit siya sa akin, "captain yesha, kailangan ko ng mauna. my dad called me eh." nakangiting sambit niya.

"sige. mag-ingat ka ha?" paalala ko sa kanya.

"thankies so much! ikaw din!" sabi niya. "byeeee!" paalam niya sa akin.

"babyeeee!" paalam ko din sa kanya at ipinagmasdan ko na siyang lumalayo sa akin. sayang, hindi siya naabutan ni sebee.

pero ang importante, nagpapansinan na sila. nakakakilig naman sila!

innocent | nininiWhere stories live. Discover now