"Dennise!" Pagtawag niya uli. Hindi din siya sigurado kong hindi nga ba siya nito talaga naririnig o nagbibingi-bingihan lang ang babae.

Dahil sa hindi parin tumitigil sa paglalakad si Dennise, wala ng nagawa si Alyssa kundi tumakbo para lang maabutan ito.

Tumakbo siya at nilampasan ang dalaga. Sinadya niyang tumigil sa harapan nito. Way narin niya para pigilan na itong makalayo.

"Sorry." Nahahapo niyang usal habang nakatukod ang dalawang braso sa sariling tuhod. Kitang kita rin kung paano tumaas baba ang balikat nito dahil sa ginawang pagtakbo.

Sa halip na magsalita nakita niyang nagtaas lang ng kilay ang babaeng kaharap.

Namangha siya, hindi niya kasi inaasahang ganito ito kung magtampo.

Tumuwid siya ng tayo at hinarap ito sabay hawak sa right hand nito. (Wow may paholding hands na si Ly. Lol)

"Sorry, kung hindi ako nakareply sa mga texts messages or sa mga tawag mo. Alam ko kasing kailangan mong magfocus sa studies. Nasa unang year kana sa college. So, understandable na kailangan mo talagang pagbutihin ang studies mo.

Sorry din sa naging reaction ko kanina hindi ko kasi talaga inaasahang makikita kita. I mean I was really surprised." Hindi niya alam bakit nag-explain siya dito. Ang alam niya lang kailangan niyang sabihin ang mga katagang iyon para hindi na magtampo si Dennise.

Pero hindi parin nagsalita si Dennise. Nakatingin lang ito sa kanya na parang nagtataka.

"Patay! Baka hindi ganoon ang pamamaraan ng pakikipag-usap ni Alyja sa babaeng ito!" Hindi niya uli maiwasang kausapin ang sarili.

Napabitaw siya mula sa pagkakahawak sa kamay ni Dennise ng maramdaman niyang ginalaw nito ang kamay. Paraan marahil nito para bumitiw siya.

Naestatwa uli si Alyssa ng itinaas ni Dennise ang kamay na kanina lamang ay hawak niya at tanggalin ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya. Inipit niya ang mga ito sa pagitan ng kanyang taenga. Pagkatapos noon ay agad agad nitong hinugot ang panyo mula sa bulsa ng shorts na suot pinunasan ang pawis sa kanyang noo.

"Don't you dare do that again to me Alyja. Huwag na huwag mo na uli akong babalewalain kung ayaw mong mag-away tayong dalawa." Iyon ang mga katagang namutawi sa bibig ni Dennise habang seryosong nakatingin kay Alyssa.

Tumango at ngumiti na lamang siya bilang tugon.

"Thank you love, I love you so much!" Madamdaming pahayag ni Dennise at niyakap ng mahigpit ang kasintahan kuno.

"I.. I.. I love you too." Nauutal na naman na turan ni Alyssa. At hinapit pa si Dennise para sa mas mahigpit na yakap.

Sa ikalawang pagkakataon ng araw na iyon hindi alam ni Alyssa kung bakit siya nakagawa ng ganoon. Nang bagay na alam niyang pagsisihan niya balang araw.

Ginugol ng dalawa ang mga sumunod na sandali sa pag-uusap. Inimbitahan ni Dennise si Alyssa na pumunta sa mansion ng mga Lazaro pero tinanggihan iyon ng huli. Sinabi nalang niya na sa susunod na mga araw nalang sila pumunta doon. Ngayon daw mas mainam na doon nalang muna silang dalawa sa ilalim ng puno na iyon mag-usap, at kailangan na nga daw niyang umuwi kasi may iniutos pa ang kanyang inay.

Syempre sinabi niya iyon dahil, alam niyang sa mga oras na iyon malamang hinahanap o hinihintay na siya ng kanyang nanay, at ang pagsama kay Dennise sa mansion ay hindi praktikal.

Naunawaan naman ni Dennise ang paliwanag na iyon ni Alyssa. Hindi nga nagtagal nagpaalam na sila sa isa't isa subalit hindi pinakawalan ni Dennise ng ganon ganon nalang ang dalaga, napilitan pa itong magbitiw ng pangakong magkikita silang muli bukas, at hindi na niya ipagwawalang bahala ang mga tawag at mensahe nito.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now