:37// One Last Time

Start from the beginning
                                    

Naglakad ako papalayo sa kanya kaso..

" San ka pupunta?!" sigaw niya. Kaya no choice ako. Naglakad ako pabalik sa kanya. Sa harap niya mismo. Nakashades siya kaya hindi ko alam kung sa'kin ba siya nakatingin o ano.

" Jan lang." nakayukong sagot ko.

" Tss.. If I know.. You're ditching class." nang-aasar na sagot niya. Napatingin naman ako sa kanya.

Nakakaasar naman kasi e! Parang walang nangyari nung isang araw. Tapos pupunta siya dito na parang.. Asar! Kapal ng mukha. Hindi man lang magsorry! O kaya magexplain.

" Ano bang ginagawa mo dito?!" asar na sigaw ko sa kanya.

" Sinusundo kita." sagot niya saka binuksan yung pinto ng kotse niya. " Magdedate tayo kaya pumasok ka na." anas niya. Hawak niya pa rin yung pinto pero nakatingin lang ako sa kanya ng masama.

" Ayoko." sagot ko saka ako tumalikod. Maglalakad na sana ako palayo ng magsalita siya bigla.

" May chuckie ako. Isang kahon." anas niya at automatic na napaikot ako at napasakay sa sasakyan niya.

---

" Saan ba kasi tayo pupunta?!" asar na tanong ko saka uminom sa chuckie. Siguro panglimang chuckie ko na 'to.

" Babawi ako. Alam ko namang nagtatampo ka pa sa'kin." Sagot niya habang nakatingin pa rin sa daan habang nagdadrive pa rin.

Buti alam mo! Hindi ka rin pala manhid. Slight.

" Hindi naman talaga ako manhid. Sadyang kabisado lang kita." anas niya at napataas ang kilay ko.

Ano ba 'to?! Lagi ko na lang nasasabi yung nasa isip ko. Shunga shunga naman Cyxa! Nakakaasar naman kasi 'tong Van na 'to eh! Grrr.. Ang yabang yabang. Porke gwapo siya!

Teka nga? Ba't ba ako naiinis sa kanya? E okay na nga kami nung isang araw diba? Ide-date na nga niya ako eh. Ah! Basta! Nabubwisit ako sa kanya. Wala siyang kwenta!

" Ihinto mo nga 'tong.. 'tong panget mong sasakyan!" sigaw ko at huminto nga siya. Literal naman akong napasubsob sa harap. Tumingin ako sa kanya at dahan dahan siyang tumingin sa'kin.

Yung tingin na.. 'bawiin-mo-yung-sinabi-mo-look'. Ayaw niya kasing nilalait yung kotse niya.

" Ano ba?! Ba't mo hininto?!"

" Sabi mo eh." sagot niya at tinignan ko siya ng masama.

" Bababa na ako."

" No." sagot niya.

" Basta!" sigaw ko saka binuksan yung pinto.

" Don't you dare--" pero bago pa man niya matapos yung sasabihin niya, nakalabas na ako ng sasakyan sabay sinarado ko agad yung pinto.

Naglakad na ako sa papunta sa aakayan ng jeep. Kaso parang feeling ko, lahat ng tao na nadadaanan ko, tumitingin sa'kin.

Nagulat ako nang biglang may bumulong sa'kin mula sa likod ko.

" Sabi ko sayo.. don't you dare." bulong niya. Tapos.. ano...

WAAAAAAAAAAHT?! Binack hug niya akoooo! Ano na ba gagawin ko?! Nakakaasar naman! Ngayon pa ako kinilig! Tsk!

" V-van."

" Sshhh.. Just stay still. Just follow what I will say." anas niya at napatango na lang ako.

Pumunta kami sa 7eleven. Hinila niya ako sa kung saan tapos ano..

.. bakit.. BAKIT SIYA KUMUHA NYAN?!

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyWhere stories live. Discover now