Chapter 48
Gabing-gabi na at hindi pa rin natatapos sa pakikipag-inuman si Smith kasama ang apat na anak. Pilit man palitan ni Akio ng gatas ang iniinom na alak ng Tatay ngunit panay tanggi pa rin si Smith dahil kaya pa raw niya.
"Dad, bawal na ang sobrang beer," wika ni Akio.
"Okay lang ako, don't worry anak. Nga pala, kailan niyo balak umuwi?" tanong ni Smith
"Pinapauwi mo na kami, Dad?" giit ni Arthur.
"No, I mean. Baka kasi mapabayaan niyo ang negosyo."
"Eh? Hayaan mo, importante nahanap ka namin. Actually si Mama lang talaga ang hinahanap namin dahil alam namin na sobrang layo mo na. Heto at na sa Pilipinas ka lang pala," sarkastiko na sinabi ni Aiden.
"Come on, pinangako ko ito noon. Dito ako tatanda."
"Damn, hindi ka nga mukhang matanda e? Pwede ba kaming magkaroon ng kapatid, Dad?" tanong ni Arthur.
"Hindi na pwede ang Mama niyo."
Tila natulala si Smith sa biglang sinabi niya. "I mean, kung sa kanya galing diba? Kung ako pwede pa sa ibang babae."
"Sus! Panakip butas! Nadulas ka na! Bakit hindi mo pa lapitan? Did you make love na ba, Dad?" Malokong tanong ni Austine
"Stupid. Matutulog na ako, iligpit niyo ang kalat," pag-iwas ni Smith at nagmadaling umakyat.
Sa pagtapak niya sa huling baitang ng hagdanan, natagpuan niya si Efinia na kalalabas lang ng kwarto niya.
"Sorry, I borrowed your shirt again. Hanggang ngayon gabi lang dahil aalis na rin ako bukas. Good night."
"W–wait."
Napatigil si Efinia at tumingin kay Smith. "Can you do me a favor?"
"Y–yes, what is it?"
"Recently, I've been having a headache. Can you give me a massage for a minute?"
Tumikom ang bibig ni Efinia at tumango. Sa pagpasok nilang dalawa sa kwarto. She didn't notice that Smith locked the door.
"Umupo ka na muna, r'yan maliligo lang ako."
"Gabi na, baka rayumahin ka pa."
"Nope, kaya ko pang tumatlo."
Napanganga na lang si Efinia at umusok ang ilong sa sobrang inis. "Ganyan ba kahilig ang matandang ito?"
It only took five minutes when Smith finished taking a bath. Natagpuan niya ang asawa na nagbabasa habang nakaupo sa couch.
"I'm here," wika ni Smith.
Binaba ni Efinia ang hawak na libro at nakita si Smith na pinalo-palo ang kama para tumabi sa kanya. Dahan-dahan ang paglapit ni Efinia hanggang sa makatayo na siya sa harapan ni Smith.
"Senior citizen ka na nga talaga."
"Not yet, ilang taon pa. Tsaka ikaw rin nan."
"Hindi ha, forty pa lang ako," pagbibiro ni Efinia at sinimulan niyang hagurin ang sentido ni Smith.
"Damn, you are good. Nawawala ang sakit ng ulo ko."
Bahagyang ngumiti si Efinia ngunit nang mahuli siya ni Smith, inirapan lamang niya ito.
"Move, talikod ka sa akin or dito ka na lang sa upuan," utos ni Efinia.
Sumunod namam si Smith at kinuha ang upuan pagkatapos isinandal ang ulo banda sa t'yan ni Efinia.
![](https://img.wattpad.com/cover/264676725-288-k191284.jpg)
YOU ARE READING
DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)
RomanceIs it possible to bring back those eight letters to your ex-wife? It has been twenty three years, but these love letters were kept by Efinia. Is twenty -three years enough for you to say that you have forgiven the person who hurt you? Smith Lavign...