SMITH LAVIGNE 20

686 50 3
                                    

Chapter 20

Kinabukasan, naabutan na lamang ni Smith si Efinia na gising at kasama ang mga kasambahay sa labas ng bahay. Punong-puno ng mangga ang kaeng habang binabantayan ni Efinia.

"She really loves mangoes," bulong ng binata at pilit na naglakad palabas ng kwarto. 

Mula sa labas, tila nagkagulo ang mga katulong dahil sa tatlong sasakyan na dumating sa bahay ni Smith. Napabalikwas si Efinia at sumunod sa mga katulong.

"Smith! Oh my lovely pamangkin, ano ang nangyari sa'yo?" wika ng kanyang Tiyuhin na si Victorio.

"Bakit kayo nandito? You should enjoy the money. Hindi ba't pinag interesan mo? Go out!"

"Wala kang respeto! Kung hindi ka lang natagpuan ng Tatay mo sa basura, wala kang matinong damit at pagkain!"

"How should I respect you if you don't respect the legacy of my Dad! Dugong Lavigne ka ba?! O dugong kanal?!"

Akmang susuntukin ni Victorio si Smith ngunit biglang nagtulak ng baso si Efinia upang hindi matuloy ang balak nito. Pumukaw sa atensyon ni Smith si Efinia at pinulot ang basag na baso.

"Don't! Manang pulitin niyo na lang," utos ni Smith.

"Bago mo bang katulong?" usyosong tanong ni Victorio.

"You don't care. Just go out!" 

"Can you give me water, hija?" mapangasar na sinabi ni Victorio at mas lalong uminit ang ulo ni Smith.

"I said get out of my house kung ayaw mong ipalapa kita sa mga aso!"

"May araw ka rin sa akin, bata ka!"

Nang makalabas si Victorio, hindi pa rin nawawala ang tingin ni Efinia kay Smith. Natakot siya sa sigaw nito at galit na abot hanggang buto.

"Bakit hindi ka pa umuwi? Hindi ba't may morning class at trabaho ka pa sa library?"

"I will go back to school if you will go back."

"I can't at wala na rin sense ang ni-review kagabi. I will drop out."

"No, education is important! Ano ka ba naman! Isang taon na lang at pagtyagaan mo na!"

"My father's business is more important. Umuwi ka na, kailangan mong pumasok. Salamat, Efinia."

"Ayoko."

"What? Go home."

"Pumasok ka! Promise hindi na kita aawayin! I mean hindi kita susungitan."

"You are not the reason why I am not going to school."

"But you need a friend! We can be friends, basta palaging may mangga at chicharon."

Para bang nawala ang galit ni Smith at biglang tumawa. "See? You just need a friend! Sige at aalis na ako, basta bukas pumasok ka, okay?"

"O-okay."

Paghatid ng mga gwardya ni Smith kay Efinia sa dormitoryo, tahimik at napaka lalim ng iniisip ng dalaga. Hindi niya akalain na ganoon ang buhay ni Smith. 

“Ms. Lopez! Lopez!” tawag ng landlady.

“Bakit po?”

“May nagpadala sa iyo.”

Halos malaglag ang panga ni Efinia nang makita ang ilang kahon ng  mga damit pati na ang isang bulaklak na napakaganda.

“Kanino raw po ito galing?”

“Eh basta pinadala lang, halika at tutulungan na kitang bitbitin.

Nang marating nila ang kwarto, hindi makapaniwala si Efinia na napaka mahal ng mga gamit na binili sa kanya. Para bang ayaw niya itong isuot.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن