SMITH LAVIGNE 8

772 67 8
                                    

Chapter 8

Hindi makagalaw at malubha ang sakit na dumapo kay Fernando. Ilang taon na itong hindi nakakapaglakad at nakakapagsalita dahil sa stroke. Nakaratay lamang ito sa kanyang kwarto. 

"Dad!" bati ni Herminio at lumapit sa kanyang ama.  "May gusto akong ipakilala sa iyo."

Tumingin si Fernando sa batang pumasok. Kahit gusto niyang magsalita at galawin ang katawan ay hindi niya magawa. Hindi siya makapaniwala at pabalik-balik ang tingin niya kay Teresa. Para bang nag-uusap ang kanilang mata at parehong nagtatanong.

"Magandang hapon po! Ako po si Smith Lavigne!"

Para bang dumagundong kay Fernando ang pangalan ni Smith. Hindi siya nagkakamali na nanumbalik ang batang kanyang pinatapon. Ang mga sulat ni Ada na nakalagay ang pangalan ng bata  at ilang gamit na kanyang tinabi.

"Bakit? Paano? Hindi ako makapaniwala. Binabalikan mo ako Ada. Pinaglalaban mo pa rin ang anak mo hanggang sa kamatayan. Paano ko sasabihin sa anak ko na ako ang rason? Paano kung itakwil din niya ang kanyang asawa kapag nalaman niya ang katotohanan? Masisira lahat ng pinlano kong buhay kay Herminio. Kailangan kong ipatapon ang mga sulat ni Ada! Paano ko gagawin? I can't talk, I can't move. Ada, ito ba ang ganti mo sa akin? Buhay pa ako pero unti-unti mo akong pinapatay sa takot at sa sakit na ito," mga salitang gustong sabihin ni Fernando.

Kalaunan, naiwan si Herminio at Fernando sa loob ng kwarto. Panay ang tanong ni Herminio sa kanya kung kaya't walang tigil ang luha ni Fernando.

"Why are you crying? May gusto ka ba na sabihin? Dad,  nalilito na ako. Hindi ko alam kung paano kumuha ng sagot sa mga katanungan na bumabalot sa aking isip. Pinaglalaruan ako ng tadhana, galit ako kay Ada dahil wala siyang kwentang Ina," inilabas ni Herminio ang bimpo at pinakita kay Fernando, lalong umagos  ang luha nito dahil kaparehang-kapareha nito ang gamit na kanyang kinuha noong namatay si Ada.

"I want a clear evidences, Dad. Pinapatay ako ng isip ko. Nasasaktan ako, gusto kong hanapin muli si Ada," humagulgol ng husto Herminio habang nakahawak sa kamay ng ama.

    Kinagabihan, hindi makuhang makatulog ni Fernando at tulala lamang ito na nakatingin sa ceiling. Pabalik-balik ang tingin niya sa cabinet at kahit gustuhin niyang sabihin ang totoo ay hindi niya magawa.

"I killed your one and only woman, son. Ako ang lahat ng ulo sa lahat ng kasamaan na ito. From Smith's eyes, lumambot ang puso ko. I abandoned an innocent child. I almost killed him because of selfishness. Binahiran ko ang aking mga kamay ng dugo dahil sa galit na wala naman patutunguhan. And now, this the karma.  Isang sakit na hindi ko magawang pigilan na dumating at ang karma na patuloy kinakalampag ang konsensya ko."

Kinabukasan, muling dumalaw si Herminio at Smith sa lumang bahay, hindi nila inaasahan na nalagutan na ng hininga si Fernando. 

"Dad! Dad wake up!" Humahagulgol si Herminio at nagkagulo sa mansyon. Maraming gwardya ang pumasok at napa atras si Smith sa cabinet. Nanginginig ang tuhod niya dahil takot na takot makakita ng patay si Smith. Ito ang naging trauma ni Smith dahil sa kinalihan niyang lugar. Palaging may sakitan o patayan na nangyayari lalo na ang kanyang Tatay-Tatayan na walang konsensya na pinagmamalupitan siya.

Nakatingin lamang si Teresa kay Smith at hindi maintindihan ng bata kung bakit galit ang itsura nito sa kanya.

"Herminio, tahan na. Mas mabuti na rin na nagpahinga si Dad."

"Iwan niyo na muna ako rito," giit ni Herminio at pinalabas si Teresa pati na si Smith. Sinara niya ang pintuan at umupo sa kama kung saan nalagutan ng hininga ang ama.

Walang tigil sa pag-iyak si Herminio hanggang sa tuluyan na niyang iligpit ang gamit ng Ama. Tumayo ito at tinungo ang cabinet, kumuha siya ng puting tela pamalit sa kama na pinag gamitan ng Ama. Habang siya'y mangangalakal, hindi niya halos akalain na may matatagpuan siyang lumang hahon. Maalikabok at sarado pa ito gamit ang padlock.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now