SMITH LAVIGNE 43

689 50 6
                                    

Chapter 43

Lumipas ang ilang taon mula nang magpakita siya kay Aiden, muling bumalik si Efinia sa ibang bansa upang asikasuhin ang mga iniwan na pamana.  Hindi niya makuhang umuwi upang mabalikan ang anak niyang si Austine. Natapos niyang pag-aralin at baguhin ang buhay ni Aiden sa Roma dahil na pag desisyonan nito na maging Pari pagkatapos mag-agaw buhay mula ng namatay si Marian. At ngayon na si Austine naman ang problema niya. Austine is very fragile magmula nawala ang Ina. 

Hindi niya magawang makalapit sa anak dahil kaliwa't kanan na ang kanyang hinaharap na negosyo magmula tanggapin niya ang International Mall ni Mr. Collette pati na ang  Mall sa Pilipinas na pinalitan niya ng UDT. Hanggang sa dumating ang araw na napabalik siya ng Pilipinas dahil sa nabalitaan kay Arthur.  Hindi niya halos akalain na ang anak niyang bunso ay nakipaglaban sa batas ng kasal para lamang sa isang babae.

"Hindi katulad ng Tatay niya na walang bayag," she whispered.

Nagdaan ang panahon at ang planado niyang pagkikita nila ni Austine ay nauwi sa isang car accident. She can't control herself at halos dagukan na niya si Smith nang muli silang magkita.

"Smith Lavigne!" Napabitaw si Smith kay Precious at nilingon ang pamilyar na boses. His jaw dropped dahil muling nabuhay ang inaakala niyang matagal ng patay.

"Efinia?" 

Nakatanggap ng isang malakas na sampal si Smith kay Efinia. Hindi siya makapaniwala na kaharap niya muli ang asawa. Nagtaka rin siya na kasama nito si Arthur at Regine.

"Buong akala ko na patay ka na?"

"Ikaw ang papatayin ko kapag namatay ang anak ko! Nakuha kong mawala, pero pinabayaan mo ang anak natin! You made him suffer! Wala kang kwentang Ama! Hindi ka na nagbago, diktador ka at wala kang pinagkaiba sa mga kamag-anak mo! Tinutulad mo ang buhay mo sa mga anak natin!" Naluha si Efinia at muling sinampal si Smith.

"Ma, stop it!" Hinagkan ni Arthur ang Ina at wala pa rin humpay sa pag-iyak dahil sa nangyari kay Austine.

Nakatulala si Precious at mas lalong nalilito sa nangyayari. She will never forget the face of Austine's artworks.

Lumipas ang ilang oras…

"How are you?" isang mahiyain na tanong na panimula ni Smith kay Efinia. 

Nakaupo sila sa labas ng ICU. Magkalayo at hindi nagtitinginan, sinubukan man tingnan ang isa't isa ngunit parehong napapaso ang kanilang mga mata

"Better," maikling sagot ni Efinia at hindi pa rin nakatingin sa kanyang asawa. 

Iniwan sila ni Arthur at Regine dahil sinundo ng mag-asawa ang Kuya nitong si Aiden sa ministerio. Walang kaalam-alam si Aiden sa nangyari kay Austine.

"That's good, good for you."

"But you ruined my son's life."

"I know. Alam ko naman ang mga kasalanan na ginawa ko," seryoso niyang sinagot. Ngumisi si Efinia at hinubad ang isang pares ng kanyang wedge sandals pagkatapos ay binato kay Smith.

"Ouch! What the hell Efinia? Hindi ka pa rin nagbabago!"

"You fucked up! You fuck my Austine's life! Hindi sapat ang wedge ko at itong upuan ang ibabato ko sa'yo!" Sigaw ni Efinia at akmang bubuhatin ang upuan sa gilid ng ICU.

Tumayo si Smith at hinawakan ang kamay ni Efinia upang pigilan ito. 

"Bitiwan mo ako! Kadiri ka!" Sigaw ni Efinia at nagpumilit na nagpumiglas. Hindi siya binitiwan ni Smith at hinablot ang braso niya upang hagkan.

"Bitiwan mo nga ako! Nangingilabot ako sa'yo!" Nagpupumiglas si Efinia. Mas hinigpitan ni Smith ang pagkakayakap sa kanya at inamoy nito ang kanyang buhok.

"I miss your scent wife," natigilan si Efinia sa pagpupumiglas at hindi maiwasan na mapalunok. Ilang segundong nakayakap si Smith sa kanya.

"Just like the old times, I still love your  scent," he gently whispered to his wife.

Biglang tinapakan ni Efinia ang paa ni Smith at hindi maipinta ang mukha nito sa sobrang sakit.

"Demonyo! Anong scent? Ask your mistress'  scent, stupid dick head! Mahilig ka sa melon, puro ka big boobs. E kung subsob kita sa taniman ng melon?!" Sigaw ni Efinia.

Hinalungkat nito ang bag at kinuha ang alcohol pagkatapos ay ini-spray sa katawan na dumikit kay Smith.

"Ang arte mo! Wala naman akong sakit! Mistress? Wala na ako no'n!" 

"Pero meron no'n!" pabalang na sagot ni Efinia. 

"Anong big boobs ang sinasabi mo?" asik ni Smith.

"Wow ulyanin ka na nga, matandang hukluban!"

"Kung hindi ka pa menopause, bibigyan pa kita ng anak!" 

"Over my dead sexy and delicious body, Smith! Baka akala mong nakakalimutan ko lahat ng katarantaduhan mo?"

"E'di mahal mo pa ako, kasi hindi ka pa nakakalimot."

"Whoa? Makapal pa sa adobe 'yang mukha mo? Oh my gosh, I can't imagine na nakikipag usap ako sa isang tikling na tulad mo," napairap si Efinia.

"Tikling? Kahit buhatin kita ngayon ng isang kamay kaya ko. Sa tikling na ito ka nga na in love," pagtawa ni Smith dahil nakikita na niyang namumula ang mukha ni Efinia sa sobrang galit.

"Son of a gun!"

SMITH'S POV

Paano ito nangyari? Ginawa ko ang lahat para matagpuan  kung saan siya naaksidente? Ibang tao ang iniiyakan ko? Lahat ito ay pakana niya? Ilang taon akong nagmukhang gago at iniiyakan ang isang labi na hindi naman sa kanya?

I miss her, single pa rin ba siya? Can I court her again? Paano kung may asawa na siya ulit?

Nagdaan ang panahon at tuluyan akong bumawi sa mga anak ko, from Arthur and Regine, lalo na kay Precious, Austine at Akio. Silang tatlo ang pinahirapan ko ng husto. Hindi ko sila matitigan sa mga mata dahil sa mga kasalanan ko sa kanila. Ayoko na silang mawala sa piling ko, I want to become a better father for them lalo na't may mga apo na ako. Ginagawa ko lang din naman na maging negosyante sila dahil ayokong pabayaan ang pamana ng Tatay ko sa akin. Lalong ayokong makaranas sila ng gutom, pero lahat iyon ay ipinasa ko kay Akio.

I left him in the dark, huli na ang lahat bago ko makausap ng maayos si Donita. Ni hindi man lang ako nang hingi ng paumanhin dahil sa pagiging makasarili ko. Gusto kong buhayin muli ang sigla ng mansyon. Pinangarap ko ang kumpletong pamilya pero ako pa mismo ang sumira sa pangarap ko.

I am not good in showing my emotions nang maging ganap na Doktor si Akio, sobrang proud ako sa kanya dahil hindi siya sumuko. Si Arthur na nag-aaral muli upang maging abogado. Si Aiden na nuknukan ng bad records sa NBI at PDEA ay nagkaroon ng magandang buhay kasama si Honey. And also Austine. Pagkatapos niyang ma-ospital, nagtuloy-tuloy na ang buhay ko nang makita muli ang kanilang Ina.

I love her, mula sa kasulok-sulokan ng puso ko, siya lang ang babae ko hanggang ngayon. Totoo man ang balita na palagi akong nambababae, pero hanggang table lang. I never tasted them, ayoko at nanatili akong loyal sa kanya. Alam kong hindi niya iyon paniniwalaan kahit na sabihin ko sa kanya. 

Kinagabihan, sumunod ako sa tinitirahan niya. I am very proud of her, she has investments now. Paano niya ito nagawa? Tulad kong mga bilyonaryo lamang ang nakakabili ng bahay sa subdivision na ito. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa natagpuan ang isang malaking puno upang magtago. But I don't like what I saw. She's with Liandro. 

She kissed him,

She hugged him,

I heard from Liandro, he said that he loves my ex-wife so much.

Before, we used to live together, and now, she's living with her new man.

I need to accept the fact that I hurt her. She deserves to be happy. 

I'm always here, kahit masakit na makita ka sa ibang bisig ng lalaki, mahal pa rin kita, Efifania Lopez Lavigne.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now