SMITH LAVIGNE 36

619 42 2
                                    

Chapter 36

Tuluyan binigyan ni Smith ng hangin si Efinia. Even if it's hard for him, gabi-gabi at paminsan na tanghali siyang dumadalaw sa kanyang bahay upang kumustahin ang mag-ina. 

"Where's Efinia?"

"Eh Sir, may trabaho po si Ma'am kakaalis lang niya."

"What? Saan?"

"Eh ang dinig ko sa Admin Staff po sa Crowne Plaza Hotel and Casino."

Hindi nakuhang magalit ni Smith dahil  siguradong magtatalo sila ni Efinia kung pipigilan na niya itong gawin ang gusto. Minabuti niyang pumasok sa bahay at nakita si Aiden na umiiyak.

"What happened to my child?!"

"Sir sorry, umakyat po kasi ng puno at nalaglag. Hindi po namin sinasadya na hindi siya mabantayan agad."

"Goddamnit!" Sigaw ni Smith at siya mismo ang gumamot sa sugat sa tuhod no Aiden. 

"Papa, I can't stand!" Ngawa nito sa kanyang Ama. Hindi kumibo si Smith at binuhat ang anak paakyat sa kwarto. He massaged his son's leg at pinalitan na rin ng damit.

"Si Mama po?"

"Nasa trabaho."

"Lagi na lang po ba akong mag-isa? It's been two weeks mula noong mag-isa na lang po ako rito. You are always busy, Papa. And now si Mama."

"Anak, nagtatrabaho kami para sa iyo. Mahal ka namin okay? Masakit pa ba?"

Umiling si Aiden at hinagkan ang Ama. "Nag-away po kayo ni Mama. Iyon po ang naririnig ko sa mga Yaya ko. Maghihiwalay po ba kayo?"

"No! No, never.  Hindi kami nag-aaway. Sige na at umidlip ka at susunduin ko lang ang Mama mo, okay?"

"Okay, po."

Sa pagtulog ni  Aiden, agad lumabas si Smith at sumakay ng sasakyan. Para bang pinalipad niya ito at mabilis nakarating sa sinabing lugar ng kanyang guard. Padabog niyang sinara ang pintuan ng sasakyan at diniretso ang opisina until he reached the concierge.

"I'm looking for Mrs. Efinia Lavigne!"

Tila nagulat ang babae dahil sa pasigaw na sinabi ni Smith. 

Mula sa hindi kalayuan, natagpuan ni Liandro si Smith kaya agad niya itong nilapitan. "Mr. Lavigne!

Napatingingin si Smith at kinuyom ang kamao.

"Where's my wife?!"

"Chill, she has an ongoing meeting. Your wife is brilliant! Napahanga niya ang  Presidente ng Casino."

"I don't fucking care! Where is she?!"

"Don't ruin her dreams because of your selfishness." 

"Huwag kang makialam dahil wala kang alam!"

"Walang alam? Umaalingawngaw ang pangalan niyong mag-asawa dahil sa kabit mo. And now, she's building her own name and confidence after you put your wife in shame."

"You don't fucking care about us! Gusto mo pa rin ang asawa ko kaya pasimple kang nagte-take advantage habang na sa lubak ang samahan namin!  Back off and you can find a woman for you! Not Efinia, not my Wife!"

Hindi nagpapigil si Smith at tinakot ang babae para ituro ang conference room. He became beast at basta nilooban ang conference habang nasa kalagitnaan ng presentation si Efinia. 

"Smith?"

"Go home!" Sigaw nito at dumagundong ang boses sa loob.

Mas lalong nahiya si Efinia nang hatakin siya ni Smith palabas. Mas lalong nag-init ang ulo niya nang makita ang suot nito g damit.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now