SMITH LAVIGNE 22

605 53 7
                                    

Chapter 22

Inabot ni Smith ang helmet kay Efinia ngunit nagdadalawang isip ang dalaga na sumakay sa motor ng binata. 

“Naka gown ako!” Bulyaw niya.

Bumaba naman si Smith at biglang binuhat ang dalaga upang makasakay. Inayos niya ang damit nito upang hindi lumaylay. Until he saw the shoes of Efinia.

“Bakit ka naka rubber shoes?”

“Para komportable lang naman.”

Biglang napangiti si Smith at pakiramdam niya’y may nag uunahan na kabayo sa loob ng kanyang puso.

Ilang sandali at sumakay din si Smith. Ang dalawang kamay ni Efinia ay yumakap sa kanya ng napakahigpit.

“Dad, pag uwi ko ng Ilocos. Ipapakilala ko sa iyo ang lalaking ito.”

Habang angkas ni Smith si Efinia, hindi mawala sa kanyang labi ang abot langit na ngiti. Ramdam niya ang mahigpit na pagkakayakap ng dalaga at ang puso niyang konti na lamang ay lalabas na sa sobrang galak.

Ilang sandali at nakuhang marating nila Smith at Efinia ang mansyon. Napanganga si Efinia dahil bigla na lang siyang binuhat pababa ng binata.

"Kaya ko naman bumaba."

"You are my Queen, I should treat you better." 

Pilit nagpigil ng kilig si Efinia habang  kasabay na naglalakad si Smith.

"Oh my gosh ang ganda naman! Pinaghandaan mo ba talaga ito?!" Bulalas ng dalaga dahil namangha siya sa sobrang ganda ng bakuran.

Nakalatag ang pagkain at isang tela sa damuhan habang ang mga punong mangga na may kulay dilaw na  ilaw.

"Of course, I am expecting you to meet me there."

"Eh paano pala kung hindi kita sinipot?"

"Ibibigay ko na lang ang pagkain sa mga kasambahay. Besides, hindi na rin ako papasok sa paaralan."

Hindi napigilan ni Efinia na hampasin ang braso ni Smith kaya napaatras ang binata.

"May bakal ba ang kamay mo?! Bakit ang bigat?"

Ngumuso lamang si Efinia bilang reaksyon, ngunit si  Smith na ginawa itong pagkakataon upang humalik muli sa dalaga.

"Aba at ginawa mong bisyo ang paghalik sa akin!"

"You are my girlfriend now. And I would like to meet your parents."

Natahimik ang dalaga  habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Smith. Kalaunan, hindi na napigilan ni Efinia na kainin lahat ng niluto ni Smith. Namangha rin siya sa talento ng binta pagdating sa pagluluto.

"Saan mo naman natutunan ang pagluluto?"

"Sa mga kasambahay."

"Anong nangyari sa magulang mo?"

"They're both dead. Namatay ang Mama ko mula noong sinilang ako and then my Father dies pagkatapos niya akong matagpuan."

"Matagpuan? What do you mean?!"

Na pa punas na lamang ng mukha si Smith dahil sa tumalsik na ulam mula sa bibig ni Efinia. "I am sorry! Na turn off ka na ba?!"

Umiling si Smith at tumawa, "No, You are natural and I like it."

"Okay? So what happened? Bakit natagpuan?"

"Nawalay ako sa magulang ko because of my Grandpa. He doesn't like Mom kasi nga mahirap. Until Dad found me. Hindi rin siya nagdalawang isip dahil kamukhang-kamukha ko siya."

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now