SMITH LAVIGNE 32

656 46 6
                                    

Chapter 32

Araw-araw na dumadalaw si Efinia sa kumpanya kasama ang anak nilang si Aiden. Mas nakilala nila ang maybahay ni Smith at nagustuhan nilang palagi itong nasa opisina. Efinia is really friendly mula sa guard, janitor at iba pang empleyado na hindi nabibigyan ng pansin ang ambag sa kumpanya.

"Napakabait ng asawa ni Sir Smith. Hindi na ako magtataka kung ni minsan wala tayong nababalitaan na nagloloko si Sir kahit na araw-araw iba't ibang magagandang babae ang kaharap niya," wika ng isang isang empleyado.

Narinig ito ni Donita at  sadyang pumasok sa loob ng opisina ni Smith. 

"What brings you here?" wika ni Smith at napasulyap kay Efinia na may seryosong mukha.

"Ah may nakalimutan ka lang pirmahan, Smith," malanding tono nito.

Tumaas ang kilay ni Efinia at tumayo upang siya mismo ang kumuha ng  papeles na hawak ni Donita. 

"Ako na ang magbibigay sa asawa ko," mariin na sinabi ni Efinia.

"Sure, Mrs. Lavigne."

"You may go now, Donita," pag singit ni Smith at nilapitan ang asawang si Efinia pagkatapos ay hinapit ang balakang papalapit sa kanya.

Naiwan muli ang pamilya sa loob ng opisina at biglang kumawala si Efinia sa bisig ng asawa.

"Fire that woman."

"I can't, asset siya."

"Fire her! Ayoko sa kanya!"

Tila nakalimutan ni Efinia na nandito si Aiden at tumigil sa paglalaro ang bata dahil natakot sa boses ni Efinia.

"Come on, kailangan niyang tapusin ang kontrata sa kumpanya ko pagkatapos sige, aalisin ko na siya."

"Change that damn contract, Smith! Ayoko sa babaeng iyon, iba kung makatitig sa'yo."

"Naririnig ka nang bata!"

"Sana pakiramdaman mo rin ang nararamdaman ko. I don't like her, ilang taon mo siyang kasama sa trabaho. Imposibleng hindi magkagusto ang ganoon babae. I can smell it, I can feel it."

Hindi nakakibo si Smith hanggang sa tuluyang lumabas si Efinia. Hindi mabuti ang nararamdaman niya hanggang sa makabalik ng bahay. Sinuka niya lahat ng kinain at tuluyang bumagsak sa sahig.

Mula sa loob ng opisina, napabalikwas si Smith nang mabalitaan niyang dinala sa ospital ang asawa.

"Where's my wife?"

"Sir, please take care of her. Buntis siya at may tyansa na malaglagan."

Hindi nakakibo si Smith at pinuntahan si Efinia. Namumutla at wala itong reaksyon.

"How's your feeling? Kumusta ka?"

"I am pregnant."

"Yes, I know! I am very happy Efinia. Magkakaanak tayo ulit."

Biglang lumuha ang mga mata ni Efinia habang nakatitig kay Smith. Hindi payapa ang kanyang isipan dahil sa patuloy na paghihinala.

"Why are you crying? Hindi ka ba masaya? Sa ilang beses nating ginagawa ang bagay na iyon sa wakas at may nabuo tayo ulit."

"Sana ako pa rin. I hope that this child is the fruit from our true love at hindi panakip butas dahil may kasalanan ka."

Napalunok si Smith at pilit pinigilan ang kanyang nararamdaman. "Ano ba ang iniisip mo? Bakit iniisip mo na niloloko kita?"

"Naninigurado lang ako na sa akin pa rin ang asawa ko."

Bahagyang ngumiti si Smith at hinalikan ang labi ni Efinia. "I love you, my possessive wife. Syempre ikaw lang, wala naman akong ibang hinahalikan bukod sa labi mo at pisngi ni Aiden. Bawal sa'yo ang mag-isip ng kung ano-ano. You are pregnant at bawal kang ma-stress. Trust me, ikaw lang ang babae sa buhay ko, okay?"

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant