SMITH LAVIGNE 25

658 49 7
                                    

Chapter 25

Paggising ng umaga, bumulaga kay Efinia ang mukha ni Smith pagbukas niya ng tent. Nuknukan ng kagwapuhan ang binata lalo na ang matangos nitong ilong.

“I bought you a chicharon. Mahapdi pa ba ang p--”

“Shut up! May balaka ka bang diretsuhin ang ang salitang iyon at marinig ng iba ang ginawa natin?!”

“Sorry, don’t get mad. Can you walk? I mean aalis na kasi tayo mamayang nine para puntahan ang ilang katutubo sa paanan ng bundok.

“I’m okay.”

Bigla namang nagnakaw ng halik si Smith at huling-huli ito ng mga Madre.

“Naku, Mr. Lavigne! Bakit kayo nagtutukaan d’yan at babata niyo pa! Maghiwalay nga muna kayo!” asar na sinabi ng Madre at tumawa lang si Smith habang nakatingin sa namumulang mukha ng nobya.

Kalaunan, tuluyang pinaghiwalay ng grupo si Smith at Efinia. Napadpad ang dalaga sa grupo ni Liandro paakyat sa bundok. Bago tuluyang umalis ang kabilang grupo, muling lumingon si Liandro ng patago kay Smith. Kitang-kita niya na hindi ito nakikinig at namumula ang magkabilang tenga. He’s jealous at gusto niyang sumama sa kabilang grupo.

Habang na sa kalagitnaan ng pag-akyat ng bundok, hindi mawala sa paningin ni Liandro si Efinia. Tahimik lamang ito at halatang iniiwasan ang kanyang presensya.

“Efinia!” Bulalas ng binata nang biglang dumulas ang dalga. “Hold my hand!”

“Aw, teka ang sakit,” mangiyak-ngiyak na sinabi ni Efinia. Mas lalong nag panic  si Liandro dahil dumugo ang kaliwang binti ng dalaga. Naalarma ang ilang kagrupo nila at sinamahan sila pabalik sa kanilang tent.

Habang nasa kalagitnaan pagtitipon si Smith, napalingon siya sa paparating. Napatayo at tumakbo siya palapit kay Liandro habang bitbit ang kanyang nobya.

“What happened?!”

“Liandro, okay lang ako. Baba mo na ako rito,” giit ni Efinia at sumunod naman ang binata. “Thank you.”

“Anong nangyari sa girlfriend ko?!” Galit na sinigaw ni Smith kay Liandro.

“Nadulas, take care of her.”

“Huwag mo akong turuan dahil aalagaan ko talaga siya,”  sarkastisko na sinabi ni Smith at binuhat si Efinia.

Nanatiling tahimik at nakatitig lamang si Efinia kay Smith habang ginagamot ang sugat na natamo. 

“Masakit pa ba?”

“Smith, gusto ko pa rin kaibiganin si Liandro. He’s a good friend of mine.”

“No.”

“Why? Alam naman niyang tayo, besides mabait ang tao at hindi niya ako pababayaaan.”

“I said no. Lalaki ako at kahit sino pwedeng mahulog sa’yo. Ayoko ng may kaagaw. Kaibiganin mo lahat ng babae sa school, hindi ako magrereklamo. Huwag lang lalaki.”

“Wala ka bang tiwala sa akin? Wala sa bokabularyo na lokohin ka o gumawa ng mali.”

“Temptation is everywhere. Makinig ka na lang sa akin.”

Biglang inilayo ni Efinia ang kanyang binti at umiwas ng tuluyan kay Smith. “Kakaibiganin ko siya, doon naman kami nagsimula. Wala ka naman dapat ikatakot, besides kung may tiwala ka sa akin hindi ka magkakaganyan.”

“Whatever Efinia! Do whatever you want!”

Matapos ang ilang oras, panay ang hanap ni Efinia kay Smith. Kahit saan niya hanapin ang binata hindi niya ito matagpuan.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now