SMITH LAVIGNE 44

671 57 9
                                    

Chapter 44

SMITH'S POV

Kahit pilitin kong makisama sa mga anak ko kasama ang pamilya nila, hindi ko alam kung paano maging masaya. Magmula malaman ko na sila ni Liandro, nagpanggap akong bulag at walang alam. Labis ang panghihinayang ko habang nakatitig sa pangarap na pinakawalan ko.  Hanggang sa hindi ko na mapigilan na halikan siya bago kami sumama sa family bonding kasama sila Aiden. I kissed her inside the car. Parang bumalik lahat sa nakaraan. She's turning fifty-five but damn, she's still hot like the Efinia I met when we were eighteen.

From the annual event of my sons, kahit kay Akio pa, palagi siyang nandoon. Sinusuportahan niya rin si Akio kahit na hindi ito galing sa kanya.  And now, malaki ang pasasalamat ko sa tuwing nagkakaroon ng gulo at unos sa pamilya, ako ang nilalapitan niya. At dahil dito, hindi ko alam kung kailangan ko na ba talagang mag-move on o mahalin pa rin siya kahit ikakasal na siya kay Liandro.

"Dad?" Tawag ni Akio sa akin.

"Yes?"

"Are you okay? You look sad?"

"Hindi naman anak, kumusta kayo ni Quinn? Okay na ba ang lahat para bukas?"

"Ye, Dad. Actually, I visited you dahil ayoko talagang umalis ka ng ibang bansa pagkatapos kong ikasal."

"I'm sorry, son. I made up my mind at para na iyon sa akin."

"Paano si Tita Mama? I mean, hindi mo ba ipaglalaban kay Liandro?"

Umiling ako at pilit na ngumiti. "No, she's happy now. Magmula nagkita kami, ilang beses kaming nagbabangayan at hindi pa rin magkaintindihan. Iba ang point of view niya sa perspective ko sa buhay. Hindi ko rin mapipilit ang taong ayaw na talaga."

"Do you still love her?"

"I really do. I love her, walang ibang babae anak."

"Come on! Agawin mo Dad! May asim ka pa at si Tita!"

Natawa ako sa sinabi ni Akio. I can't deny it, totoo naman. I am fifty-five pero hot sugar Daddy material pa raw ako ayon kay Arthur at Austine. 

"Anak, sige na at umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng reyna mo."

"Okay. Mag iingat ka ha?"

Bago tuluyang makalayo si Akio, muli ko siyang tinawag. "Anak."

"Yes?"

"I am so proud of you. Your perseverance, eargeness and courage of not giving up on something you really love. Hanga ako sa'yo,  I am so proud of you kahit tuluyan mo ng iniwan ang pagiging Doktor."

Muling lumapit si Akio at hinagkan ako ng napakahigpit. "I will always respect you, Dad. Ikaw ang idolo ko. I'll go ahead."

Nang tuluyan makalabas ng bahay si Akio. Tiningnan ko ang aking bahay. All I can see is emptiness and sadness. I have four sons at may may sarili na silang Pamilya. Tapos na ang trabaho ko at alam kong mabubuting ama at asawa  ang mga anak ko. 

Minabuti kong umakyat sa aking kwarto upang mag-iwan ng lagda sa mga dokumentong aking binili. Binawi ko muli ang lumang bahay nila Efinia sa Ilocos pagkatapos ko itong ibinenta. Up until now, wala pa rin siyang alam sa dahilan kung bakit nanumbalik muli sa kamay nila noon ang Lopez Fishery. Wala siyang ideya na binili ko siya sa halagang sampung milyon para lamang maging akin. Pero bandang huli, sa ibang lalaki rin pala siya babagsak.

I was busy building an empire, until I forgot to bring my queen with me.

I hurt her

I killed her happiness

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now