SMITH LAVIGNE 41

620 47 8
                                    

Chapter 41

Nagkamali nang nailagay si Kara sa dokumento na pilit niyang dinodoktor.

"Sigurado ka na ba? Baka hindi ka pa talaga magaling ha!" 

"I'm okay now," aniya ni Efinia at dahan-dahan na naglakad.

Ihinanda na ni Kara ang dokumento ni Efinia upang makaalis ng Pilipinas. Kara left no traces dahil ang kanyang live in partner at isang magaling na imbestigador. 

Noong gabing iyon, balak nilang kitain si Efinia sa isang lugar sa Ilocos, ngunit natagpuan nila ang isang sasakayan na bumangga sa  tulay na sira. Na sa bingit ng kamatayan si Efinia at sinalba siya ni Kara at ang partner nito. Pilit nilang binuhat si Efinia at dinala sa ospital. Dahil sa galing ng partner ni Kara, pinagtulakan niya ang sasakyan ni Efinia upang malaglag sa ilog dahil kaunti na lamang ay malalaglag na rin ito.

They saved Efinia at heto na gumaling na ang kanyang kaliwang binti at sugat sa ulo.  Isang buwan na ang makalipas at tuluyan na niyang iiwan ang Pilipinas.

"Efinia, paano ang tatlo?"

"Hayaan ko siyang maging Ama sa tatlo naming anak. Gusto ko siyang matuto, gusto kong malaman niya na mahirap maging Ina. Mahirap magpakatanga, mahirap maging martyr para lamang sa kapakanan ng anak."

"Paano si Arthr?"

"Hindi niya pababayaan ang mga anak ko. I know Smith very well."

*******

Tuluyang nagdaan ang ilang buwan at ang Smith na minahal ng lahat ay siyang kasuklam-suklam sa loob ng kumpanya. Wala ng nagtatagal na empleyado dahil sa palagi niyang pamamahiya. He doesn't care if you are in a Managerial position. Lalong babae man o lalaki ay kanyang pinapahiya sa harap ng marami. 

"Smith, ano ka ba naman? Palagi kang mainitin!"

"Darius, I don't have time for you."

"Magmumukmok ka na lang ba? Wala na ang asawa mo, at isa pa magi-isang taon na at hindi na natagpuan ang bangkay niya.

"Then, she's alive! Imposible na mawala ang bangkay niya dahil walang pating sa ilog! Hindi ako maloloko ng nga imbestigador! She's still alive at nagtatago lang!"

Nalungkot ang mukha ni Darius dahil sa dinaranas ng kanyang kaibigan. "Sooner or later, matatanggap mo rin na wala na ang asawa mo. Not now, pero balang araw."

Naiwan si Smith na nakatulala habang nakatingin sa wedding picture nila ni Efinia. He's holding the fifty-two reasons  deck cards na regalo ni Efinia noong birthday niya. Walang araw na hindi umiiyak si Smith dahil sising-sisi siya sa lahat ng ginawa. Mas lalong naging demonyo ang pakikitungo niya kay Donita at hinayaan niyang ipabugbog ito bilang ganti. Tila ang maawain at galing sa pagmamaltrato na bata ay gumaganti na ngayon sa mga taong sumira ng buhay niya. Mas lalo niyang hindi tinanggap si Akio sa buhay niya at patuloy na tinataboy na parang aso. Lahat ng mga ito ay kanyang sinisisi sa pagkamatay ng asawa. 

Pag-uwi ng bahay, halos magdilim ang paningin ni Smith nang makita si Austine na binato ng walis ang katulong.

"Austine! Anong kabalastugan iyan?!"

"She fucking ruined my painting!"

"Halika ka rito!" Hinablot ni Smith ang anak at hinambalos ito gamit ang kanyang sinturon. Walang nagawa si Austine kung hindi umiyak.

"Huwag kang ugaling basahan!" Sigaw ni Smith 

"Austine! Dad! Stop it! Bitiwan mo ang kapatid ko!" Sigaw ni Aiden sa kanilang Ama. 

Nabigla si Smith dahil itinulak siya ni Aiden na parang hindi tunay na Ama.

"Don't hurt my brother! Palagi ka ngang wala rito sasaktan mo pa ang kapatid ko!"

"Bastos ka at bakit ka sumasagot?!" Asik ni Smith at inambaan ng sinturon si Aiden.

"Sige! Saktan niyo po ako! Ganyan ka ba bilang Ama at Ina sa amin? Nagkakamali kami pero hindi kami sinasaktan ni Mama! Mabuting ikaw na lang ang nawala kesa si Mama!" Sigaw ni Aiden at hinatak ang kapatid na si Austine palayo.

 Naiwan na nakatulala si Smith habang unti-unting bumabagsak ang luha.

He tried everything to become a better father and mother. But he can't, panay ang kayod, ang disiplina niya na dinadaan sa dahas at mas lalong naging mainitin ang kanyang ulo. Mainam na pumasok si Smith sa kanyang kwarto. Pinagbabasag niya lahat ng nakita hanggang sa mahiwa ang kanyang kamay. Wala siyang pakialam kung magkalat na ang dugo.

"Efinia! Come back! Bumalik ka!" Sigaw niya.

Dinig ni Aiden at Austine ang dagundong mula sa loob kwarto. Panay ang tanong ngunit wala pa rin  sumasagot sa kanilang mga katanungan. Ang mga bata ay nagkaroon ng trauma o takot sa kanilang Ama. Bawal magkamali at lahat dapat ng aksyon ay naaayon  sa kagustuhan nito. Nahirapan ang mga bata sa kanyang pamamalakad sa bahay. Hanggang sa dumating ang araw, unti-unti ng binali ni Aiden at Austine ang patakaran ng kanilang Ama.

******

United States of America.

"Hand me the towel, Ms," utos ng matanda may Efinia at dali-dali niya itong inabot.

"What else can I do for you, Sir?" 

"Just give me a back massage and help me to sleep with a song."

 Kunot noo si Efinia at sinunod na lamang ang matanda. Magmula pumunta si Efinia sa Amerika, namasukan siya bilang caregiver sa isang retired navy. Walang pamilya at matandang binata ang kanyang inaalagaan. Natutuwa naman si Efinia  sa kanyang inaalagaan dahil parang nakikita niya ang kanyang Ama rito.

"Efinia, why don't you have a family? You are lovely and sexy," malokong sinabi nito 

Nangamot ng ulo si Efinia dahil palaging ito ang tanong ng matanda sa kanya. "I told you, I have three handsome sons."

"If I will be given an extra life, I mean if I could be a young man again, I will marry you."

"Naku, you are kidding me again, Mr. Collete! How about you? Why don't you have a wife?"

"I cheated on her back when I was twenty-five. I made a terrible mistake and after she died, I stayed single."

Natigilan si Efinia habang minamasahe ang kamay ng matanda.

"It's okay. You know what? …. She's still in my heart. How we spent our summer in Vegas, how we enjoyed winter in Baltimore. I missed her scent, the way she touched my hands… just like what you're doing right now. She used to massage my hands until I fell asleep, I miss her and up until now, I love her."

Ngumiti si Efinia at pinagpatuloy na masayahin ang matanda hanggang sa ito'y nakatulog na.  

"Ilang taon na rin ang nakalipas magmula naging katulong at caregiver ako rito, lahat ginawa ko para malibang pero bakit ikaw pa rin ang naiisip ko. Kumusta na kaya ang mga anak ko? Binata na kaya sila? Si Arthur, kumusta na kaya? Natuli na kaya siya?" saad ni Efinia habang umiiyak.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now