SMITH LAVIGNE 35

638 38 8
                                    

Chapter 35

    Sa pagbalik ni Efinia ng mansyon, walang nakahandang gamit at puno lamang ng bulaklak pati na ang paborito niyang prutas na mangga ang nasa  paligid.

    “Aalis kami at hindi ako madadaan sa pabulaklak mo,” matamlay niyang sinabi.

    “Please, accept my apology.”

    “Hibang ka ba o gago ka lang? Apology mo tatanggapin ko pagkatapos mong makipagrelasyon sa ibang babae? Kinama mo? Ano masarap ba? Are you satisfied with fucking wild se--” hindi pinatapos ni Smith ang asawa at hinalikan niya ito. Agad naman umiwas si Efinia at magkabilang sinampal ang mukha ni Smith. 

    “Hindi mo ako madadaan sa halik! Nanggigigil ako! Gusto kitang saktan pa!”

    “Saktan mo ako, kung iyon ang paraan para mapatawad mo ako. Maniwala ka sa akin, hindi ko siya mahal. Hindi pumasok sa isip ko na makipag relasyon sa kanya. I’ve been busy with my company, not with her.”

    “Hinalikan mo?”

    He was not sure, “N-no.”

    “You are telling me lies, kilala kita. Asawa kita at alam ko ang kilos mo. Huwag kang magkamali na makabuntis o magkaanak sa iba dahil hindi ako magdadalawang isip na lumayo sa piling mo."

    “No, never. Hindi, walang totoo sa lahat ng nakita mo. Please,” lumuhod si Smith sa harapan niya.

    “Mom, Dad? Nag-aaway kayo?” aniya ni Aiden habang nakayakap sa kanyang unan.

    “Anak!” Bati ni Efinia at agad lumapit kay Aiden.

    “Mama are you okay? You look sick! Are we going to celebrate Daddy’s birthday?!”

    Hindi nakasagot si Efinia kaya nagkaroon ng pagkakataon na sumingit si Smith. “Yes on Monday! We’re going to Subic, anak!” Giit ni Smith. 

    “Yehey, thank you po, Mom and Dad!”

    Hindi kumibo si Efinia at walang ganang tumayo upang pumasok sa kanilang kwarto. She decided to get her bag and put all her clothes.

    “Ya, pakibantay si Aiden,” utos ni Smith at nagmadali na umakyat. Sa kanyang pagsalubong naabutan niya si Efinia na naghahakot. “Come on, don’t do this to me.”

    “Aalis ako kasama ang anak ko. Mamuhay ka ng binata, hindi kita pakikialaman.”

    “No, please.”

    “Bitiwan mo ako! Sa palagay mo aayos ang pakiramdam ko kung araw-araw kong nakikita ang taong nanloloko sa akin ng ilang taon?! Hindi ikaw ang magdedesisyon sa buhay ko!”

    Hindi nakakibo si Smith at binitiwan ang bag ni Efinia. He just stood up and watched his wife removing all her clothes inside the cabinet. 

    “Please, don’t go. Ikaw lang ang pamilya na meroon ako. I never experienced this kind of home when I was a child. I never had a decent family. Please, mahal na mahal kita. Huwag mo akong iwan. Hindi kita niloko kahit laslasin ko pa ang pulso ko sa harapan mo.”

    Napatingin si Efinia nang marinig ang pagbabasag ni Smith. Mabilis na kinuha ni Smith ang bubog ng salamin at tinutok sa kanyang peklat. 

    “Tumigil ka, Smith! Huwag mo akong takutin na kikitilin mo ang buhay mo!”

    Hindi kumibo si Smith at tinusok ito sa kanyang sarili. “Ahh!”

    “Smith! Ano ba!” Hinatak ni Efinia ang hawak niya at hinagkan si Smith habang nakaluhod sa sahig.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now