SMITH LAVIGNE 1

1.4K 76 4
                                    

Chapter 1

         Ada & Herminio Lavigne

"One hundred fifty thousand kapalit ng iyong katahimikan kasama ng batang iyan," wika ni Fernando at nagsimulang umagos ang luha ni Ada habang nakatingin sa envelop na naglalaman ng pera.

"Magdadalawang isip ka pa ba, Ada? Mabubuhay ka nang maayos at marangya. Hindi na kita kailanman guguluhin."

"Pero mahal ko si Herminio, may anak po kami. Kailangan niya itong malaman."

"Hindi! Hindi pwedeng isang tulad mo ang sisira sa buhay na pinapangarap ko para sa anak ko!"

"Parang awa mo na, Mr. Fernando Lavigne. Mahal ko po si Herminio. Magkakaanak po kami, hindi po ba kayo masaya na magkakaroon kayo ng apo?"

"Hindi ko tatanggapin ang anak ng isang dukha! Huwag ka nang magpapakita sa akin at sa anak ko, kung ayaw mong matapos ng maaga ang buhay mo," pagbabanta ni Fernando.

Sa sobrang takot ni Ada, kinuha niya ang envelop at mabilis na naglakad palabas ng coffee shop kung saan sila nagkita.

Bitbit niya sa kanyang sinapupunan ang anak nila ni Herminio Lavigne. Isang lalaki na ubod ng bait at pawang lahat ng kababaihan ay kaya niyang paibigin.

"Hindi ko gustong lumayo, mahal kita Herminio. Bubuhayin ko ang anak natin, balang araw magkikita rin kayong dalawa. Ipakilala kita sa anak natin."

Mula sa loob ng kanyang silid aklatan, gabundok ang librong inaaral ni Herminio Lavigne. He wants to become a  successful Lawyer but his father Fernando Lavigne wants him to become a businessman. Ang brewery, furniture at fabric factory ang nais na ipamana ni Fernando sa nag-iisa niyang anak na si Herminio. Kung kaya't ayaw niyang makapag-asawa lamang ng kung sinong babae si Herminio.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-aaral si Herminio, biglang lumitaw sa kabilang pahina ng libro ang litrato nilang dalawa ni Ada. His first and only love. Sa dinami-dami ng mga babaeng nirereto ng kanyang Ama. Isang simpleng babae na nagtitinda ng mga tela sa bangketa ang bumihag sa kanyang puso.

Mahirap at hindi nakapag tapos sa pag-aaral si Ada kung kaya't pagtitinda sa bangketa ang ginawa niyang paraan upang bigyan ng laman ang kumakalam na sikmura. Pilit niyang itinataguyod ang buhay upang mabilhan din ng gamot ang magulang.

Ngunit isang araw, nagbago ang buhay niya nang makilala si Herminio Lavigne. Isang binata na  may kagalang-galang na pag-uugali. 

"Kumusta ka na kaya? Ilang buwan mo na akong hindi sinusulatan. Hindi rin kita matagpuan sa trabaho mo. Ang sinabi mo sa akin kailangan kong mag pokus sa pag-aaral, ngunit ikaw ang aking inspirasyon," tumayo si Herminio at dinikit sa kanyang salamin ang litrato nila ni Ada.

"Hindi na ako makapaghintay na pumasa bilang ganap na abogado at ipapakilala kita sa magulang ko. Ipaglalaban kita dahil alam ko kung gaano kamatapobre ang aking ama. Papatunayan ko na ikaw lang ang nilalaman ng puso ko."

Sa paglabas ng kwarto ni Herminio, naabutan niya ang kanyang ama na  si Fernando at may hawak itong liham.

"Para sa iyo? Mula kay Ada? Sino ito?" giit ni Fernando at pinagmamasdan ang magiging reaksyon ng kanyang anak pagkatapos niyang magpanggap na walang alam sa relasyon ni Herminio at isang tindera ng tela.

"Ah sa kaibigan ko, mauna na ako sa kwarto, Dad."

"Halina't kumain."

"Susunod po ako!" nagmamadaling tumakbo si Herminio paakyat ng kanyang kwarto pagkatapos ay  binuksan ang liham ni Ada.

‘Herminio, gusto ko sanang magpaalam at magpasalamat sa lahat ng kabutihan na iyong ginawa. Ang pagmamahal mo na hindi ko kailanman makakalimutan. Nais ko sanang sabihin sa'yo na buntis ako at hindi ikaw ang ama. Patawarin mo sana ako, pinapakawalan na kita at hanggang dito na lang.’

~Ada.

Nilukot at binato ni Herminio ang mga gamit sa loob ng kanyang kwarto. Hindi niya kinaya ang labis na sakit at gustong-gusto niyang manakit. 

Mula sa sala, dinig ni Fernando ang pag-iyak at pagbabasag ni Herminio. Ngumiti lamang ito at tiningnan ang tunay na sulat na ipinadala ni Ada para kay Herminio. "You will be a successful businessman my son and not a Lawyer."

Sadya at gusto niyang bumagsak ang anak sa Bar Exam dahil mas gusto niyang maging negosyante si Herminio.

Nagkalat ang bubog sa loob ng kwarto ni Herminio at nagpanggap si Fernando na nag-aalala sa kanyang anak.

"Ano ang nangyayari??"

"Please, leave me alone. I want to be alone!"

"Anak bakit?"

"Parang awa mo na, Dad. Gusto ko na muna po na mapag-isa."

"Ipaliligpit ko ang kalat at bubog sa kwarto mo."

"Please, just leave."

Naiwan sa loob ng kwarto si Herminio habang nakatingin sa punit-punit na sulat ni Ada.

"You are the only woman I love. Ano ba ang kulang sa akin? Saan ako nagkulang at bakit nakuha mo akong lokohin?"

Sakay ng barko at malayo ang tingin ni Ada. Umaasa siyang mabasa ni Herminio ang kanyang liham na pinadala. Iniligay niya ang kumpletong tirahan ng kanyang mga kamag-anak sa Visayas upang mapuntahan siya nito. Buong akala niyang sa kamay ni Herminio lumapag ang kanyang sulat, ngunit siya'y nagkakamali dahil si Fernando ang sumalubong at nakatanggap dito.

"Sana at puntahan mo ako, hihintayin kita hanggang sa lumabas na ang anak natin," bumuhos ang kanyang luha dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Hinawakan ni Ada ang kanyang sinapupunan at kinausap.

"Magkikita rin kayo balang araw ng Tatay mo. Mamahalin ka rin niya tulad ng pagmamahal niya sa akin, Smith Lavigne."

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Where stories live. Discover now