SMITH LAVIGNE 39

627 45 6
                                    

Chapter 39

Handa na ang lahat ng pagkain na niluto ni Smith upang magkaroon ng salo-salo sa kanilang anibersaryo ni Efinia.  From the day that Efinia met Donita, muling binagabag ang puso niya.  Pilit siyang hindi nagpapahalata kay Smith na nagi-imbestiga siya sa nangyari kay Donita pagkatapos ng ilang taon. 

Smith never mentioned any news about Donita dahil ayon naman ito a kagustuhan ni Efinia  dahil magiging mitsa lamang ito ng kanilang paga-away. 

“Happy Anniversary, love,” Smith stood up and gave him a diamond stone necklace. Hindi maiwasan ni Efinia na ngumiti habang nakatitig sa kanyang asawa. 

“Hindi siya nagsisinungaling, I know my husband. Wala siyang ginagawang mali sa akin,” bulong niya sa sarili.

   

    “Salamat sa magargong regalo, Smith. I also have a gift,” dinukot ni Efinia sa kanyang bulsa ang isang kahon at inabot kay Smith.

    “I told you, hindi mo naman ako kailangan bilhan ng regalo. Sayang ang pera mo,” aniya ni Smith habang binubuksan ang ribbon. Unti-unting bumubukas ang kahon at naghihintay si Efinia ng reaksyon kay Smith.

    Napanganga at pabalik-balik ang tingin ni Smith kay Efinia pati na sa kahon.

    “We are going to have a third baby?!” Bulalas ni Smith at agad binuhat ang asawa.

    “Wait! Baka malaglag siya! Maiipit,” aniya ni Efinia.

    “Sorry, damn! Sana naman at babae na ito!”

    “I hope so, dalawa na ang nagdadala ng Lavigne sa angkan mo. Kaya sana babae naman.”

    “Yes, hinihiling ko ito sa buwan. Damn, I am so happy Efinia!  I love you, my love.”

    “I love you too. Sana mahal mo pa rin ako hindi lang sa salita.”

    “Of course! Forever and always!”

    “Ang tulis mo talaga!” Aniya ni Efinia at natawa naman si Smith.

******

    It has been years mula nang masundan si Austine. Nagbinata na si Aiden at si Austine na masaya sa music interest. Kasabay ng kanilang paglaki si Akio. Walang inatupag si Donita kung 'di ang pagkapit sa kani-kaninong lalaki. She became hooked in gambling and different vices. Tila napabayaan na ng husto si Akio.  In order to survive, Akio entered a syndicate to provide for his needs.  Sa murang edad, gutom at pasakit ang inabot ng binata habang ang kanyang Ina na patuloy kumakalantari.

"Ma, kailan ako kikilalanin ni Smith?"

"Kilalanin? Ako nga hindi niya mahal, ikaw pa na umaasa na kilalanin bilang anak? But it doesn't mean na titigil na ako."

"Do not ruin my brother's family. Basta nakakapag-aral at nakikita ko si Papa okay na ako."

"Stupido! Aanhin ka ng pagiging mabait mo kung ang karapatan mo ay hindi mo ipinaglalaban! Anak ka rin niya at huwag kang tanga! Hindi ako makalapit sa Tatay mo dahil sa mga gwardya na nagbabantay sa akin! Kahit anong ikalat ko walang naniniwala sa akin!"

"Because you ruined someone's family!"

Dumapo ang isang malakas na sampal sa mukha ni Akio. "Mahal ko ang Tatay mo! Lahat ginawa ko para umusad siya, lahat ng success niya sa Lavigne ay nanggaling sa utak ko! Pero pinili niya si Efinia!"

"Kasi nga siya ang asawa, Ma! Bakit hindi mo tanggapin!"

"Huwag mo akong sagot-sagotin kung ayaw mong itakwil kita!" Dali-daling lumabas ng  bahay si Donita at diniretso ang tirahan ni De Jesus, wala siyang napala dahil iniwan siya sa ere nito nang magtuloy-tuloy ang kamalasan sa kanyang buhay.  Walang choice si Donita kung hindi dumiretso sa bahay ng mga Lavigne. She covered herself with a bandana at patuloy na tumapat sa bahay ng mga Lavigne.

DEEP DOWN (SMITH LAVIGNE)Onde histórias criam vida. Descubra agora