pero hanggang saan nga ba ang pasensya ko? Parang pagdating kasi sa kanya parang nagiging unlimited. Tss.. must be my imagination.

"Ang kulet kulet ni kuya Rodney.. Hihi~" that's leira. Seriously? Mukhang kinikilig pa siya jan na parang hindi mapakali. Pag-untugin ko kaya sila?

"Uy wag naman, Kayla! Pero sabagay.. di naman ako masasaktan. Ghost ata 'to!" Sabi niya na may parang tono ng 'atapang atao'. Yung sa old movies ni rene requestas? Remember him? Well, nevermind.

Pero.. narinig niya yung sinabi ko? I look at him whose sitting pretty beside me. "Sinong iuuntog mo sa akin? Don't tell me.. may multo kang kasama?"

"Bakit, natatakot ka na niyan?" Pang-aasar ko.

Umiling siya. "Hindi. Isa lang naman ang kinatatakutan ko eh.."

"Ano naman yun? Para maipanakot ko sa'yo.." I said while not looking at him.

"Ang mawala ka.." He said. This time, napatingin na ako sa kanya at muntik na nga akong maduling dahil ang lapit na pala ng mukha niya sa akin.. And my damn heart is really pounding.. like it'll ripped out of my chest.

Ano bang sinasabi niya? Tsk, parang tanga.

Hindi ko nalang siya ulit pinansin at palabas na sana ako ng room pero napahinto rin ako. He held my hand gently then he guided me palabas ng room without breaking our holding hands. Katulad ng dati ay pinipilit kong i-pull yung kamay ko pero katulad din non na malakas siya, wala akong nagawa.

"B-bitaw.." I murmur.

"Ayaw."

"A-ayoko ng attention.." Nasabi ko. Huminto naman siya kaya napahinto rin ako. Great. Talagang hininto niya pa dito sa cafeteria na sobrang daming tao. Lalo akong nakakaramdam ng panliliit at parang pakiramdam ko pa ay inaalipusta ako ng mga tao sa mga nanlilisik nilang tingin.

Hindi ako kumportable. "Kayla.. gusto mo ba i-possess ko yung body ng lalaki dito para maalis ka jan.." Nag-aalala naman na sabi ni Leira. Siyempre hindi ko nalang siya sinagot pero i smiled faintly to her, without the others noticing. Baka isipin pa nila baliw ako eh.

Alam ni Leira na hindi ako kumportable sa maraming tao at alam niya ang nangyayari once na ganito kaya talagang halata mong naaasar na din siya sa mga tao. Itinataboy na nga niya yung mga tumitingin kaso dahil sa isa nga lang siyang kaluluwa kaya hindi rin niya mahawakan. Tumatagos lang siya.

Naiiyak na ako, yumuyuko nalang ako.

"P-please rodney.. Wag.. dito.." Huling paki-usap ko pa.

Pero napatigil ang lahat ng bulungan ng mga tao at pati rin ako ay napatulala na lang sa mga nangyari..

Someone stole the attention of the students from me. Tumatakbo siyang papunta sa amin.. kay Rodney pala at ang ginawa niya ay.. "Pasensya na, dare lang ito." Tapos hinalikan niya si Rodney.

One.. two.. three...... it lasted for 10 seconds. Seriously? Bakit ko ba binibilang? At bakit parang gusto ko na naman ulit lumuha? Tsk. I must be crazy.

Pagkatapos humalik nang babae ay umalis na rin ito bigla. Habang nakatulala lang ang lahat ay ginamit ko ang pagkakataon para makaalis sa lugar na yun at tumakbo ako.

****

o___o

What was that? What happened?

Hinalikan ka!!

A-ano nga ulit? Nabingi ata ako.

Hinalikan ka!!

Ghost Detective! (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang