Agad nagdikit yung kilay ko nang makita yung isa sa mga katulong na nakatingin sa akin.

"May ibibigay yung isang katulong sayo pag-alis ni Richard." Turan ng nasa earpiece.

"What do you want anak? Do you want cereals? Milk? Hot chocolate?" Tanong ko kay Raizon bago siya iupo sa upuan at mabilis na nagpunta sa kitchen.

Mabilis kong tinimpla ng gatas si Raizon at binigyan ng pancake. Agad naman akong napatingin sa itaas nang makitang pababa na si Richard. Agad akong sumalubong sa kanya sa ibaba ng hagdan.

"I'm going." Turan niya sa akin.

"Sige. Ingat!" Agad ko naman sagot sabay hinalikan siya.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa pintuan. Pinanood ko siyang sumakay sa kotse niya at mabilis na umalis. Pumasok muli ako sa loob at nakitang kong sinensyasan ako nung katulong paakyat.

"Pakibantayan si Raizon." Agad kong turan sa katulong na naglilinis bago mabilis na sumunod doon sa katulong paakyat sa itaas.

Bumagal yung lakad niya at nakita kong papunta siya doon sa stock room kaya binilisan ko yung lakad para makasabay ko siya.

"Kunin mo yung binibigay niya." Turan nitong sa earpiece ko.

Agad kong kinuha yung iabot nung katulong bago pa siya makapasok sa stock room at mabilis akong pumasok sa kwarto ko.

"Ano 'to? Baso? Black gloves?" Turan ko naman habang nakatingin sa baso na nakabalot sa isang tela at black gloves. May isa pang maliit na bilog.

"Suotin mo yung gloves at pumasok ka sa kwarto ni Richard. Na-freeze ko na lahat ng cameras." Turan ng nasa earpiece.

Agad kong sinuot yung gloves bago mabilis na naglakad papunta sa kwarto ni Richard. Agad kong inilagay yung pin code sa pintuan at mabilis na pumasok.

"Sa office, idikit mo yung maliit na bilog sa monitor ng lock ng pinto." Sunod na utos nitong nasa earpiece.

Naglakad ako papunta sa pintuan at dinikit nga yung maliit na bilog. Agad naman dumikit. Para siyang magnet. Maya-maya lang, lumabas na isa-isa yung numbers at bumukas yung pintuan.

Agad kong tinanggal yung nilagay ko at pumasok sa loob. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita yung office ni Richard. Napapalibutan ng mga baril na nakasabit sa dingding. Walang kahit anong pictures at sa likod ng table niya, may mga shelves.

"May secret room sa likod ng mga shelves."

Agad akong lumapit sa shelves. Iniisip ko kung paano ko mabubuksan yung shelves. Mukhang mabigat. Hindi ko kayang hatakin. Nakakuha ng pansin ko yung isang libro, Without Conscience. Mabilis kong kinuha mula sa shelves at nagulat na lang ako nang kusang gumalaw yung shelves. Gumalaw pa-forward at pa-sideward. Kitang-kita ko na ngayon yung bakal na pintuan.

Agad kong nilapitan at nagulat ako nang makitang walang passcode. Kailangan ng finger print.

"Finger print! Kailangan ng finger print!" Agad kong turan.

"Okay , great. Ibalik mo sa dati yung shelves." Utos niya na agad ko naman ginawa.

Binalik ko yung libro at dahan-dahan bumalik yung nga shelves sa dati nitong ayos. Nag-ikot ako ng tingin sa loob ng office. Napatitig ako sa baso ng alak at bote na nasa table niya. May laman pa yung baso. Napatingin naman ako sa hawak kong baso.

"I got it!" Agad kong bulong.

Mabilis akong naglakad papunta sa table at pinagmasdan yung dalawang baso. Hawig na hawig nga sila. Parehas na square pati yung design. Agad kong isinalin yung laman nung baso sa basong dala ko bago ilagay muli sa dati nitong pwesto. Binalot ko sa tela yung baso ni Richard.

𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐋𝐨𝐫𝐝'𝐬 𝐁𝐚𝐛𝐲 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟔)Where stories live. Discover now