TWD 35

28 1 0
                                    


[ARIUSA'S POV]


Wala akong pakialam kung susubukan akong itaboy ng aking ina sa sarili naming pamamahay.


Isa na akong Aquarius Protector, isa ako sa tumali sa kalaban namin at prinotektahan ang mundong ito, kasama na ang bayan na 'to.


"M-mahal na prinsesa."


Binati ko naman ang mga manggagamot. Lahat kasi sila, may kanyang-kanya na ginagawa. Itutuloy ko pa rin ang paglilibot sa lugar na 'to. Alam kong may magsasabi sa aking ina tungkol sa pagbabalik ko. 


"K-kumusta na po kayo?"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa inyo ngayon," sabi ko saka ako lumuhod para lang mapantayan siya. "Kumusta na po kayong lahat dito?"

"Lumala ang pangugulo ng mga halimaw sa lugar natin, mahal na prinsesa." Isang matandang babae na may tela na nakabalot sa kanyang kaliwang kamay ang sumagot.

"Tumulong naman po ang mga taong may mahika lalo na't sila ay galing sa bayan ng Kullat Nunu," sabi na lang ng isang dalaga na nakahiga ngayon.


Kullat Nunu? Ah, sa bayan ni ate Pis. Hindi na ako magtataka dahil malapit na malapit lang ang bayan nila mula rito.


"Pero, mahal na prinsesa," tumingin ako sa mangagamot, "hindi na po ba mangugulo ang mga halimaw dito?"

Hindi ko mapigilan na ngumiti, "Hindi na tayo babalikan ng mga halimaw na 'yon. At saka, kung may gugulo man, nandito naman kaming mga Zodiac Protectors. Layunin namin ang kaligtasan niyong lahat."

Ang sarap lang sa pakiramdam na tumutulong ako sa kapwa.

"Pero, alam niyo na po ba na hindi kayo pinapabalik ng inyong ina?"

Tumingin ako sa isang babae na katabi lang niya ang isang matandang lalaki na nakahiga ngayon. Mukhang nakikilala ko siya.

Bigla siya tumayo at lumapit sa kinatatayuan ko ngayon. "Alam kong ako ang nakatalo sa'yo sa paligsahan noong mga bata pa tayo. Pero, hinding-hindi ko po nakakalimot na isa po kayong prinsesa ng Sadalsuud."

Tama nga ako.

"Hayaan mo. Napatunayan mo rin naman na malaki ang naitulong mo para ma-protektahan ang bayang ito habang ako ay... ginagampanan ang pagiging Aquarius Protector."

Huminga ako nang malalim at inayos ang aking palda. "Tungkol pala sa tinatanong mo, alam kong hindi na ako pinabalik ng aking ina. Pero, wala siyang magagawa. Niluwas niya ako na may kapangyarihan at tinadhana sa'kin na ako ang Aquarius Protector."

Hindi ko mawari sa kanyang mukha kung mag-aalala ba siya para sa'kin o ikatuwa niya dahil galit na galit ang aking ina ngayon sa desisyon na ginawa ko. 


"Huwag mo ko bigyan ng ganyang expression, Iyva. Hindi nakakatuwa."


They Were DestinedWhere stories live. Discover now