TWD 39

16 1 0
                                    


[SAGI'S POV]


"Paumanhin pero, hindi ko tinatanggap ang alok mo, Mama."


Hindi ko alam kung tama lang ba ang aking ginawa na tanggihan ang alok ng aking ina na maging reyna ng bayang ito. Hanggang ngayon, naririnig ko pa rin ang pinag-usapan namin ng aking ina kanina habang kumakain kami ng agahan. Naiilang pa rin ako kapag tinatawag akong "prinsesa", pa'no pa kaya kung "reyna" na ang itawag sa'kin?


Inaasahan naman ng mga tao ng Kaus Australis na susunod ako sa yapak ng aking ina, hindi dahil sa dugo, kung 'di dahil isa akong Sagittarius Protector.


Alam kong iaalok pa iyon ulit sa'kin, hindi ko lang maintindihan kung bakit gustong-gusto na niya na maging reyna ako. Ayos lang naman kung wala akong mapangasawa, kakailangan naman ng mga tao sa Kaus Australis ang serbisyo ko bilang bagong pinuno.


Mapapangasawa...


Mula sa aking kwarto, natatanaw ko ang palasyo ng Antares. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakasundo ang aming bayan at bayan ni Niel. At hanggang ngayon, hindi pa rin nagagamot ang mga tinamaan ng sumpa mula sa bayan nila.


Kung hindi kami maaari magsama ni Niel sa iisang bubong dahil sa kanyang sumpa, sino kaya ang maswerteng babae na mapapangasawa niya?


Teka, may plano ba siya mag-asawa?


Hay! Bakit ko ba iniisip 'yan? Alam ko naman na hinding-hindi kami maaari magsama.


"Prinsesa Sagi."


Tatlong katok ang aking narinig matapos niya banggitin ang pangalan ko.


"May bisita po kayo."


"Sino?"


"Si prinsesa Ariusa at isang bata na nagngangalang Dorothea."


Ang sadya naman lagi ni Ariusa ay magpadala ng mensahe para kay Niel. Wala naman akong sinabi na pumunta siya rito. At bakit kasama niya si Dorothea? May nangyari bang masama?


Lumabas na ako ng silid, sinabi sa'kin na nasa unang palapag sila ng mansyon. Habang naglalakad, hindi ko mapigilan na haplusin ang Element na ginawa kong kwintas. Sana naman, walang gulo na nangyayari sa mundong ito.


Hinatid ako ng aming kasambahay sa lugar kung saan, dito ko sinasanay ang paggamit ko ng pana bago pa man ako maging Sagittarius Protector. Napapaligiran ako ng mga iba't-ibang klase ng bulaklak. Pero, nakapalibot ang mga kahoy na may iba-iba ang sira dahil sa pagtama ng pana ko. May iba na tumatama sa bilog na pula, may iba naman na wala. Pero, halos lahat ng kahoy, may warak dahil lagi tumatagos ang pagtama ko.

Hindi ko pa nasusubukan na magsanay dito matapos kong makuha ang Element at naging Sagittarius Protector ako. Parang, matagal na panahon ang nakalipas mula nang dumaan ako rito.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now