TWD 45

12 1 0
                                    


[PIS' POV]


Hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita ang mangyayari sa hinaharap. Kinakailangan namin ng sagot dahil may iisa lang kaming tanong.


Kailan nila kukunin ang Element na hawak namin?


"Huwag mo na masyado iniisip ang tungkol doon, Pis. May bata ka na binibitbit sa sinapupunan mo."

Hindi ko mapigilan na ngumiti sa sinabi ni Arose. Kulang na lang kasi, gumawa kami ng kontrata at bumili ng napaka-mamahaling singsing para malaman ng mga tao rito na siya ang asawa ko.

"O, bakit ka ngumingiti riyan?"

Umiling lang ako sa kanya pero hindi ko pa rin binubura ang aking ngiti. "Hindi ka ba nagsisisi dahil hindi mo sinunod ang inutos ko?"

"Sa dinami-rami ng utos mo, Kamahalan, alin sa mga 'yon?" Sandali muna siya nanahimik, "ang pagpapakasal ko ba kay Raina?"

Nakita ko na lang na nagsaling siya ng kanyang inumin sa tasa, "Makita mo man iyon sa propesiya mo o hindi, wala sa plano ko ang pakasalan siya."


Alam ko, Arose. Sa simula pa lang, ako ang gusto mong pakasalan. Ang mali ko, hindi ko sinunod ang gusto mo dahil mas nangibabaw ako sa gusto ng aking isipan pati na rin ang pamilya ko.


Na sana, nagawa ko noon ang ginawa mo ngayon, ang hindi pagsunod sa kanila.


Na ngayon, pinagsisisi ko na at hindi ko na maaaring bawiin dahil—


"Ah, aray!"

"Hayan na nga ang sinasabi ko, eh!" Agad naman tumakbo sa kinatatayuan ko ang lalaki na ito na, nasa harapan ko na.

"Huwag ka masyado nag-iisip ng mangyayari sa hinaharap. Hintayin natin na dumating iyon saka natin haharapin."

Hindi ko mapigilan na tumingin sa kanyang mga mata habang siya, nakatingin at hinahaplos ang aking tiyan. Mahinhin niyang sinabi iyon sa harapan ko, na parang sinisigurado niya na hindi ako mapapahamak.

Agad naman siya tumingin sa'kin at hindi ko namalayan, magkalapit na ang aming mukha.

Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa kanyang labi, gusto kong haplusin pero hindi ko magawa. At hindi ko maaaring gawin dahil...

Bakit nga ba hindi ko maaaring gawin? Patay naman na ang asawa ko.

May naramdaman na lang ako na kung ano sa labi ko, darili niya pala ito.

Teka.


"Arose."

"Mula ngayon na nagkalapit ang mukha natin, pinapangako ko na aalagaan kita. At hayaan mong paglabas ng unang anak mo, ako ang tatayong ama niya. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao sa lugar na 'to."

Ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon? Nawala nga ang pananakit ng sinapupunan ko pero may iba ako nararamdaman sa dibdib ko, hindi ito masakit ngunit gusto ko pakawalan ito. Parang, ang lakas din ng tibok ng puso ko ngayon.

"Namumula ka. Magpahinga ka muna."

"A-ako? Namumula?"

Tumango na lang sa'kin si Arose. Inalalayan niya ako papunta sa aking silid at ihiniga. Inayos niya rin ang kurtina, sinigurado niya na walang sinag ng araw na tatama rito.

They Were DestinedDär berättelser lever. Upptäck nu