TWD 1

100 1 0
                                    

[DOROTHEA'S POV]


"Dorothea!"


Lumingon ako sa kanya, si Ariusa! "Hoy! Ang aga pa masyado para-"

"Napili ako!"

Napahinto ako sa pagbabasa at tumingin sa kanya. Teka, hindi pa nagfu-function ang utak ko. "Napili?"

Nang makaupo na siya sa tabi ko, napahawak siya sa balikat ko. "Napili ako!"

Loading pa ang utak ko sandali. "Napili saan?"

Lumaki pa lalo ang ngiti niya. "Magiging Aquarius Protector ako!"

Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang nandito ako sa garden malapit sa kaharian nila. "Pa'no mo nasabi na magiging Aquarius Protector ka?!"

Ngumisi lang siya. "Nag-assume lang ako. Malakas kasi ang kutob ko na tatawagin ako ng mga bituin para gampanan ang pagiging Aquarius Protector."


Paano ko siya nakilala? Syempre, mula pagkabata palagi na lang siya pumupunta sa tree house ko para lang makipaglaro gamit ang kakayanan niya sa pagkontrol ng yelo. Ewan ko ba sa kanya, ang lawak lawak ng hardin niya, doon pa siya nagpupunta. Hanggang sa naging magkaibigan na kami.


"Pero teka, hindi ko pa alam kung ano'ng meron sa pagiging Protector." sabi ko sabay napaupo ako. "I mean, ano'ng meron?"

Agad siya lumingon sa'kin habang hawak ang pulang rosas. Teka, pa'no siya nakakuha niyan? "Hindi mo alam kung ano ang Protector?" tanong niya kaya umiling ako.

"Mukha ba kong may pake sa mga 'yan?" tanong ko habang tinuro ko pa ang sarili ko.

Binalot niya sa yelo ang pulang rosas na hawak niya. "O'sige. Ano ang gusto mong malaman tungkol sa pagiging Protector?"

"Pa'no mo masasabi na magiging Protector ka?" unang tanong ko sa kanya.

"Ang sabi kasi nila, 'yon mga nakatakda na magiging Protector, napapaginipan nila ang mga bituin na kumakausap sa kanila. Papupuntahin sila sa tuktok ng bundok ng Greece dahil naroroon ang mga Element."

"Element?" pangalawang tanong ko habang nakakunot pa ang noo ko sa sinabi niya.

Agad naman siya tumango. "Oo. 'Yong nakita natin noong isang araw, may bato na kusang lumipad papunta sa bundok ng Greece! Umilaw pa nga ng berde 'yon, 'di ba?"

Kumunot agad ang noo ko. "Sigurado ka ba na Element yun ng isang Zodiac Protector?" pangatlong tanong ko sa kanya.

Napakurap siya sa tanong ko, tapos dahan-dahan siyang ngumiti. "Hindi rin ako sigurado, eh."

"Tanungin na lang natin ang magulang ni ate Sagi. 'Di ba naging Zodiac Protector 'yon?"

Wala na talaga akong alam pero tumango na lang ako. "Puntahan na natin siya?"


* * *


Nakarating na kami sa bayan kung saan dito nakatira si ate Sagi. Ang pangalan ng bayan na 'to ay Kaus Australis. Mahahalata mo sa bawat tindahan dito ay puro bow at arrow ang kanilang pangunahing armas. Bibihira lang ako makakita na nagbe-benta ng baril at espada rito. 

Noong unang beses na dumaan ako rito, halos lahat sila ang sama ng tingin sa akin. Pero, pinaliwanag ni ate Sagi na kalaban ng mga tao rito ang bayan ng Antares. Hayun ang bayan kung saan nakatira si Niel.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now