TWD 40

16 1 0
                                    


[LEO'S POV]


Nilinis ko muna ang puntod ng aking asawa bago ko ilagay ang puting rosas na matagal kong naitanim. Araw-araw ako nagdadala ng puting rosas para sa kanya. Hindi ko lang nagawa ito magmula nang maging Leo Protector ako.


Nang matapos namin gampanan ang pagiging Protector namin, naging maayos na ang bayan na 'to. Unting-unti na kami nakaka-ahon at mas dumami pa ang sumali para sa giyera na mangyayari sa hinaharap.


Nakakapagtaka, hindi pa nila kinukuha ng mga bituin ang Element. Natalo na namin ang kalaban, ano na ang susunod na mangyayari?


Patayo na ako nang may nakita akong kulay rosas na bulaklak sa kaliwang bahagi ng puting bulaklak.


"Karapatan ko naman mag-alay ng bulaklak sa kanya, hindi ba?"


Inayos ni Arose ang mga bulaklak pagkatapos, nakatingin lang siya sa batong naka-ukit ang pangalan ng asawa ko.


"Mainam siguro na ibahin mo ang kulay ng bulaklak na iaalay mo sa kanya," aniya.

"At bakit ako susunod sa'yo?"

Ngumisi ito. "Kung ako ang asawa mo, ipa-iiba ko ang kulay ng bulaklak na dadalhin mo para sa'kin. Hindi talaga maganda ang puti para sa kanya."

"Mabuti naman, hindi ikaw ang napangasawa ko."

"Dapat lang dahil hindi ako pumapatol sa lalaki."


Hinintay ko muna siya mawala sa tabi ko bago tumayo at nagpaalam sa puntod ng aking asawa. Nang tumalikod ako, nakita ko ulit siya.


"Ayaw mo ba maghanap ng bagong asawa at magiging reyna ng bayan mo?"


Ni isang beses, hindi sumagi sa isipan ko na itanong niya 'yan. 


"Pwede ba, huwag mo na 'ko pakialaman kung sino man ang magiging asawa ko dahil unang-una, hinding-hindi na ako maghahanap ng iba. Ang babaeng pinatay mo noon, siya lang ang asawa ko. Wala ng iba."


Naglakad na ako hanggang sa nilagpasan ko siya. Ano pa ang silbi ng usapan namin?


"Hayan din ang nakita ni Pis sa'yo. Hindi ka na nagkaroon ng panibagong babae sa buhay mo."


Huminto ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon. Isa ako sa naniniwala sa mga nakikita ni Pis sa hinaharap.


"Sa totoo lang, gusto ko takasan ang mangyayari sa'kin. Pa'no ba maging katulad mo, Leo?"

Sa pagkakataon na 'to, lumingon na ako sa kanya.

"Ano na naman ba ang pinagsasabi mo?"

"Bakit hindi ako pwede mamili kung sino ang gusto kong pakasalan?"

Humapas dito ang malakas na hangin, hinintay ko muna mawala iyon saka ko siya sinagot.

"Nasa tamang pag-iisip ka naman, 'di ba? Malaya ka naman kung sino ang gusto mong paka—"

They Were DestinedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin