TWD 30

16 1 0
                                    


[VIR'S POV]


Sakto naman na dumating sina Cercan at Prico. Akala namin, may pag-asa pa na mabuhay ang mga taong may mahika na naglingkod sa bayan ni Leo.

Gamit ang kapangyarihan ko, nagbungkal ako ng lupa para sa labing-dalawang tao na ito. Maganda naman ang lugar para gawin libingan ng mga naglingkod sa bayan na 'to.

Isa-isa na nilagay ng kambal ang mga bangkay na binalot pa ni Cercan at Ariusa sa tela.


"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" 


Lumingon ako sa likod nang marinig ko ang tanong ni Prico, kausap niya pala si Sarah.


"Pake mo ba kung nandito ako," sagot naman niya.

"Hindi ka naman kasali rito, 'di ba?"

"Hindi nga."

"Hayun naman pala. Bakit ka naririto?"


Simula nang makilala namin siya, palagi na lang siya inaaway ni Prico. Kung hindi si Prico, si Leo naman ngayon. Isa lang naman siyang ordinaryong tao na may naging kaibigan na nagtataglay ng mahika.


Teka, magkakilala nga pala ang dalawang ito.


"Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon?"


Lumingon silang dalawa sa akin.


"Sino'ng kausap mo?"

Tinuro ko si Sarah. "Kumusta ka naman?"

"Ma-maayos naman ako."

"Natanggap mo na ba ang nangyari sa kaibigan mo?"

Dahan-dahan naman siyang tumango sa akin. "Nagpapakita naman minsan sa panaginip ko si Nynssa. Kaya, pakiramdam ko, magkasama kami."

"Huwag mo ngang isipin 'yan. Susunod ka rin naman sa kanya."

Agad ako humarap kay Prico at tinignan nang masama. "Bibig mo, Prico."

"Matagal pa mangyayari iyon. Kaya kung ako sa'yo, iiwas ako sa gulo. Hahanapin ko ang taong magmamahal sa'kin. At gagawin ko ang—"

"Nakipaghiwalay lang sa'yo ang kasintahan mo, ganyan ka na mag-isip."

Tumingin agad ako kay Sarah. "May kasintahan siya?" tinuro ko si Prico.

"Oo naman. Kalat na kalat ang balita sa bayan namin. Ang akala ng karamihan, siya ang magiging reyna kapag naging hari na ang kasama niyo."

Tumingin ako kay Prico. "Saan bayan ka nakatira?"

"Sa Deneb Algedi," aniya.

They Were DestinedWhere stories live. Discover now