> 16 <

36 8 1
                                    

❇️❇️❇️

Nixie's POV

---

Alam kong malungkot ngayon at magulo ang isip ni Thea. Alam ko ang sitwasyon  niya at hindi iyon madaling i-handle ng mag-isa.

"Dap, pwede ba'ng iwanan mo muna kami ni Thea dito? Mag-uusap lang kami."

"Ayy gano'n? Hindi ako kasali sa magiging usapan ninyo? Eh ang akala ko ba bestfriends tayo? Bakit hindi ako pwedeng sumali?"

Ang dami namang alam ng babaeng 'to. Masyadong madrama sa buhay. Palibhasa, may pagka-isip bata minsan. Hay...

I glared at her. "Tsk! Kapag kasi kasali ka, baka magulo lang ng tuluyan ang isip ni Thea. Panggulo ka kasi. Katulad kanina, muntikan na kayong nagsabong na dalawa. Hayst!"

"K, fine. I'll just wait you inside of your car. Pupunta pa tayo kila Tita May, remember?" aniya habang pinapaikot ang dulo ng buhok niya.

Kumunot ang noo ko nang dahil sa pagtataka. "Bakit sa kotse ko pa? May kotse ka naman."

"Nasira yung isang gulong ko. Don't worry, i-tinext ko na kay Manong Alberto. Actually, kakakuha nga lang kanina sa parking area." tugon naman ni Daphnie.

"Ah, okay." tugon ko.

Nang maglaho na sa paningin namin si Daphnie, inumpisahan ko ng kausapin si Thea. May ilan akong katanungan na kailangan ko ng sagot kaya gusto ko siyang makausap ng masinsinan.

"Thea, are you already fallin' love with Vale?" diretsong tanong ko kay Thea.

Nagulat siya sa naging tanong ko. Pero kaagad naman siyang naka-recover sa pagkagulat. Kaagad niyang iniiwas ang paningin niya sa mga mata ko.

Napayuko siya. "Maybe? Maybe, I'm in love with him." sagot niya.

"Hindi ka ba talaga sure sa nararamdaman mo? O baka naman sure ka na pero natatakot ka lang na maging kayo. Kasi alam mo sa sarili mo na hindi siya magugustuhan ng Daddy mo. "

"Sana ganoon lang kadaling gawin ang mga bagay 'noh? Yung parang salita lang, madali lang sabihin."

"Thea, kung gusto mo talagang hindi maikasal kay Horiell, kailangan mong magpakasal kay Vale." hindi ko alam kung anong nakain ko at ganito ang nga pinagsasasabi ko. Lutang na naman ba ako?

Nanlaki ang mga mata niyang tumgingin sa akin. "What?!? Seriously? Aayain ko magpakasal ni Vale, tapos ano? Masasaktan lang siya sa mga kamay ng mga magulang ko. Baka lait-laitin lang siya at itaboy nang dahil sa itsura niya ngayon."

"Tsaka masyado pa akong bata para isipin ang mga bagay na patungkol sa mga kasal. Mag-aaral muna akong mabuti bago 'yan." dugtong pa ni Thea.

Nagkibit-balikat ako. "Okay, kung 'yan ang gusto mo. Pero sana, hindi ka magsisi sa naging desisyon mo. Baka nakakalimutan mong ipinagkasundo ka na ng mga magulang mo kay Horiell." pagpapaalala ko sa kanya sa problema niyang kailangang lusutan ngayon.

"Alam ko. Pero hindi lang naman ang pagpapakasal kay Vale ang natatanging paraan para matakasan ko yung problema ko ngayon. Marami pang ibang choice. Pwedeng... ipakilala ko si Vale bilang boyfriend ko sa kanila."

Napakunot ang noo ko nang dahil sa tinuran niya. "Anong sinabi mo?"

"Ipapakilala ko si Vale bilang boyfriend ko kila Mommy para hindi na nila ako ipakasal sa hayop na Horiell na 'yon." sagot niya.

I chuckled. "You mean... gagamitin mo si Vale para lang makalusot sa problema mo? Tsk! Mali naman yata 'yon, Thea. Baka nakakalimutan mong tao rin si Vale at nasasaktan rin siya. Thea, isipin mo naman kung may masasaktan kang tao o wala nang dahil lang sa gusto mo." sabi ko.

"Fine! Eh 'di palitan kung hindi pwede. So, ano ba'ng gusto niyong gawin ko? Sige nga, kayo ang tatanungin ko ngayon. Ano ba dapat ang gagawin ko nang walang masasaktan at maaapektuhang ibang tao? Dahil kung ako lang ang tatanungin, wala na akong maisip na pwedeng maging paraan." halatang stress na stress na siya sa nangyayari sa kanya ngayon. Naaawa na ako kay Thea.

Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung gagana ba ang mga naisip kong paraan para matulungan ko siya.

"Hindi ko alam kung anong sense ng pinag-uusapan na'tin eh. Parehas naman kayo ni Daphnie eh. Kinokontra niyo ako!" aniya at padabog na umalis papuntang kwarto niya.

Sa ngayon, kailangan oa talagang pagnilay-nilayan ni Thea ang lahat. Kailangan niya ng susuporta sa kanya. Tama naman siya eh, lagi nin siyang kinukontra ni Daphnie. Masakit para sa akin na ganoon na pala ang nararamdaman niya sa tuwing kinukontra namin ni Daphnie ang halos lahat ng desisyon niya o opinyon niya.

Kapag kasi kinukontra namin ang desisyon niya o kaya ang mga oponyon niya ay nginingitian lang kaming mga kaibigan niya kaya hindi namin alam.

Nakonsensya ako bigla nang dahil sa nangyari. Yung tipong ayaw mo ng dumagdag pa sa kinakaharap niya pero naging pasakit ka pa.

Aray, alam kong tinamaan ako sa sinabi kong iyon. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan kapag pati mga kaibigan mo ay ayaw kang suportahan dahil iba ang gusto nilang mangyari? Wala 'di ba?

Kahit na gusto ko man siyang kausapin, hindi ko muna gagawin 'yon. Masyado pang magulo ang sitwasyon. Ayaw ko ng dagdagan ang tampong nararamdaman niya. Sa ngayon, hahayaan ko muna siyang magmukmok at makapagisip-isip.

Lumabas muna ako ng bahay. Nakita ko sa kotse ko na chill na chill na nakaupo ang napakagaling na si Daphnie.

Pinuntahan ko muna siya.

"Hoooooy!" sigaw ko sa kanya kaya napaigtad siya at inayos ang pagkakaupo.

Eh paanong hindi ko naman sisitahin ang babaeng 'to? Kung makaupo, akala mo sa kanya yung kotse. Nakabukaka pa ang dalawang paa! Jusko! Babae ba talaga 'to?

"B-bakit ka nandito? T-tapos na ba kayong mag-usap ni Thea?" sunod-sunod niyang tanong habang inaayos ang damit niyang nakusot saka umupo na ng maayos.

Nginisian ko siya. "Bakit parang gulat na gulat ka? Tsk!"

"Eh bigla-bigla ka naman kasing sumusulpot! Nakakagulat ka! Kapag ako namatay talaga dito nang dahil sa gulat, lagot ka kay Mommy!" reklamo niya sabay pout. Cute naman siya mag-pout, hindi naman kasi pangit si Daphnie. Mana siya sa akin, maganda 'yan.

"Tsk! Sumbungera ka talaga kahit kailan. Isip- bata, para kang tanga. HAHAHAHA!" pang-aasar ko sa kanya.

"Wews! Eh 'di wow, paki mo kung isip-bata ako? Atleast, cute naman. HAHAHAHAHA!" aniya sabay tawa kaya natawa na rin ako.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Where stories live. Discover now