> 11 <

46 8 0
                                    

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

Habang iniinom ang juice na i-norder ko kanina, biglang tumayo mula sa pagkakaupo si Vale.

"Uyy! Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya habang hawak ang braso niya kaya napatingin siya sa akin.

"Kakanta ako." sagot niya.

"Ha? Ikaw? Kakanta?"

"Oo. Bakit? May.. problema ba?"

Payagan ko na nga lang 'to. Ngayon ko lang maririnig ang boses niya. Baka sakaling magandahan ako. Baka kapag nagustuhan ko yung boses niya, ayain ko siyang makipag-duet sa akin sa tuwing kakanta ako.

"Wala naman." sagot ko at binitiwan na ang braso niya. "Galingan mo na lang para magustuhan ko yung kanta mo." dugtong ko pa.

So ayon, pumunta na nga siya sa mini stage at hiniram ang isang gitara ng guitarist ng banda na nandito.

"Hello, everyone! I'm Vale Morales and I want to sing a song for my one and only love. I hope magustuhan niyo 'to. Makisabay na rin kayo kung alam niyo yung kanta." aniya sa harapan ng mga tao.

Pinanlakihan ko siya ng mata, pero walang epekto. Nginitian lang ako ng loko at nagpatuloy na sa pagkanta.

Oh 'di ba? Ang lakas talaga ng confidence ng isang 'to. Sana lang talaga maganda ang kalabasan ng pagkanta niya. Baka hambalusin ko pa siya ng sapatos ko kapag pangit yung kinalabasan.

I wanna know
Whoever told you I was letting go
Of the only joy that I have ever known
Girl, they were lying

Just look around
And all of the people that we used to know
Have just given up, they wanna let it go
But we're still trying

Wow! Ang ganda pala ng boses niya! Ngayon ko lang narinig na kumanta 'to. Pero... pero.... Kyaaaaaaaaaaaahhhh! Kinikilig ako!

So you should know this love we share
Was never made to die
I'm glad we're on this one-way street
Just you and I
Just you and I

Nagpatuloy lang ako sa pakikinig. Hanggang sa hindi ko namamalayang napapakanta na rin pala ako ng hindi ko alam.

At hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Talagang nagulat ako!

I'm never gonna say goodbye
'Cause I never wanna see you cry
I swore to you my love would remain
And I swear it all over again and I

I'm never gonna treat you bad
'Cause I never wanna see you sad
I swore to share your joy and your pain
And I swear it all over again
All over again

Hindi ko inaasahang sasabayan ng banda at ng mga tao sa bar ang pagkanta ni Vale. Speechless ako! Hindi ko alam kung matutuwa lang ba ako o kikiligin sa mga nangyayari ngayon eh.

Nakikanta na rin ako hanggang sa dumami ang mga tao sa mini bar at hanggang sa labas nito ay siksikan nang dahil lang sa pagkanta ni Vale.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito karami ang tao nang dahil lang sa pagkanta ni Vale. May magic words ba na binanggit si Vale para maging ganito karami ang tao dito? O nang dahil sa boses niya?

Hay... sino ba kasi ang hindi ma-iinlove sa maganda at malambing na boses niya? Pati nga ako, hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon eh. Bwisit kasi yung titig niya! Nagiging mahina ako! Ngiti pa lang 'yon ah. Iba pa yung halik.

Basta, nanood na lang ako dito sa gilid hanggang sa matapos na rin si Vale. Pinalakpakan siya ng mga tao, pati rin naman ako pumalakpak na rin. Wala namang masama sa pagpalakpak.

"Kumusta?" tanong ko sa kanya nang makabalik siya sa tabi ko.

"Ito, masaya ako kasi nagustuhan mo yung kanta ko." sagot niya.

Inirapan ko siya. "Asa ka naman."

"Asus! Nakita kaya kita kanina. Nakiki-jam ka rin naman kanina tapos kinikilig. Hindi ka nga makatitig sa mga mata ko kanina eh."

"Tss. Hindi kita tinititigan kasi hindi ko nagustuhan yung kanta mo. Feeling ka naman."

"Hindi mo pa nagustuhan 'yon? Ang dami kayang taong nagustuhan yung kanta ko tapos ikaw hindi mo nagustuhan? Halatang nagsisinungaling ka nga eh."

"Luh! Ang kapal naman ng mukha mong sabihing sinungaling ako."

"Eh totoo naman kasing nagustuhan mo hindi mo pa aminin."

"Eh ano naman sayo kung nagustuhan ko o hindi yung kanta mo? Uulitin mo ba for me?"

"Oo, hanggang sa magustuhan at mahalin mo na rin ako."

Binatukan ko siya. "G*go."

Tumawa lang siya at inubos na ang juice na nasa glass niya. Umorder siya ulit ng isang glass ng juice pero iba ang flavor. Yung una kasi na inorder ko, orange juice 'yon. Tapos yung inorder niya ngayon ay lemon juice.

"Ikaw naman." aniya na siyang ikinagulat ko.

"Anong ako naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ikaw naman ang kumanta para sa'kin." nakangiti niyang sagot.

"Ha? Ayoko nga!"

Siyempre, pakipot muna bago bumigay. 'Di ba? Alangan namamg pumayag ako agad. Walang thrill kapag gano'n.

Pilitin mo ako, please?

"Sige, ikaw bahala." tugon niya na siyang ikinagulat ko.

Napatayo ako. "What?!?"

Tinitigan niya ako sa mga mata. "I just want to respect your decision."

Seryoso ka ba, Vale? Hindi mo man lang ba ako pipiliting pakantahin sa stage? Wala ka ba talagang utak? Wala ka ba'ng pakiramdam na kailangan mo akong suyuin para mapapayag mo ako? Argh!

"Oh my god! Suyuin mo ako! Lintik ka! Kaya nga nagpapakipot ako kasi ibig sabihin no'n kailangan mo akong suyuin!" sigaw ko sa kanya.

Wait... what?!? Sinabi ko 'yon? Oh.. my.. God...

Napansin ko na parang ang daming nakatingin sa amin at oo nga pala, nakalimutan kong nasa bar pala kami! Shaks! Nakakahiya yung ginawa ko!

Napatakip ako ng bibig at lumabas na lang ng mini bar nang dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon.

"Thea!" rinig kong tawag sa akin ni Vale pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan sa bar na 'yon.

"Bakit ka ba tumatakbo?" tanong ni Vale sa akin nang maabutan na niya ako. Pero hindi ko pa din siya pinansin.

Huminto na kasi ako sa pagtakbo. Nang dahil tuloy sa nangyari kanina, may natutuhan akong isang bagay.

I'll promise now to myself that I will never shout again if I'm inside of a public place. Ayoko ng mapahiya 'noh.

Nilingon ko si Vale na hingal na hingal pa din. Nakahawak siya sa dalawang tuhod niya. Ang dali niya talagang mapagod. Lolo na ba 'to?

"Alam mo? Ikain mo na lang 'yang pagka-curious mo. Tara doon!" aya ko sa kanya sabay turo sa burger shop. Nauna na akong naglakad, sumunod nan siya sa akin at patakbo akong sinundan. Mabilis ba masyado akong maglakad at lagi siyang tumatakbo kapag sinusundan ako? Tss.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon