> 5 <

48 11 1
                                    

❇️❇️❇️

Vale's POV

---

Papunta na kami ngayon papuntang Boracay. Katabi ko dito sa van si Thea na mahal ko. Nasa tabi ko siya ngayon sa gilid ng bintana sa right side sa pangalawang row malapit sa pinaka backseat ng van.

Busy siya sa libro niya. Nagbabasa siya ng story habang suot niya ang hello kitty na pink niyang headphone. Siguradong kahit na anong sabihin ko dito ay hindi niya maririnig.

Inilapit ko sa kanyang tenga ang mukha ko sabay sabing...

"Ang pangit mo, Thea. Sobrang pangit mo." mahinang sabi ko.

Salamat na lang at hindi niya narinig 'yon. Kasi nagbabasa pa rin siya hanggang ngayon. Ni hindi niya nga ako nilingon.

Kaya inulit ko siyang bwinisit.

"Bakit ang gwapo ko, Thea? Bakit naman ang pangit mo?" mahinang sabi ko ulit sa kanya.

And still, hindi niya pa rin ako pinapansin. Kaya inulit-ulit ko pa.

"Ang jejemon mo, Thea. Alam mo ba 'yon? Honestly, ayaw ko naman talaga sayo. Feeling ko nga, ginayuma mo lang ako kaya nahulog ako sayo eh." mahinang sabi ko ulit.

Nagulat ako nang dahan-dahan siyang lumingon sa akin na may nanlilit na mga mata. Matalim na titig ang natamo ko. Kaya kinabahan ako. Baka mamatay ako ng wala sa oras. Diyos ko po!

"Put*ng*na mo! G*go!" malutong niyang sigaw sa akin.

Hala! Narinig kaya niyang lahat? Paktay na! Shuta naman! Namura tuloy ako ni Thea! Mga kagaguhan mo kasi, Vale! Maling mali!

"Lumayas ka na nga dito sa tabi ko! Naiirita ako sa pagmumukha mo!" sigaw pa niya.

Sinunod ko na lang yung sinabi niya. Baka pagmulan pa ng away namin kapag pinatulan ko pa. Tsaka kasalanan ko naman kaya siya nagalit. Ang bobo ko kasi!

Pero siyempre, makulit ako. Bumalik pa din ako sa tabi niya. Siyempre, susuyuin ko siya para hindi na siya magalit sa'kin.

So, ito na nga.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ko siya nginitian. Alam niyo ba kung anong natanggap ko? Sinampal niya ako ng malakas! Oh 'di ba? Nagagalit na talaga siya sa akin ngayon.

Yayain ko nga ng s*x mamaya.

Joke lang! Baka mas lalo pa siyang magalit sa akin at baka bugbugin pa ako nito kung gagawin ko 'yon.

Bumalik na lang ako sa pwesto ko ulit kanina. Pero nasa tapat niya pa rin ako. Papanoorin ko na lang siya buong biyahe. Para mas safe at baka batukan pa ako nito kung may gagawin na naman akong hindi maganda.

"Ganyan talaga 'yan, Vale. Ang sungit-sungit niya. Akala mo, palaging may regla kahit na wala naman talaga." napatingin ako kay Hurley na pinsan ni Thea nang dahil sa sinabi niya.

Ngumiti ako. "Hayaan niyo na siya. Mahal ko naman 'yan. Kaya kahit na ilang beses pa niya akong sungitan, hindi ako magsasawang mahalin siya ng buong puso." tugon ko.

Bigla namang napalingon sa akin si Harley na may kasamang ngisi sa kanyang mga labi. "Sus! Grabe talaga yung tama sayo ng pinsan namin 'noh? Yung tipong kahit na araw-araw siyang nagagalit sayo, araw-araw mo naman siyang minamahal. Sana all may jowa." singit niya sa usapan.

"Tss. Hindi pa nga kami pero nahalikan ko na siya." tugon ko naman.

"Ano?! Nahalikan mo na siya pero hindi pa kayo hanggang ngayon?" nagtatakang tanong ni Hurley.

I sighed. "Oo. Ang sabi niya, ligawan ko muna daw siya bago maging kami." sagot ko.

"'Yon lang, magiging kayo kung papasa ka sa Daddy niyang istrikto." sabi naman ni Harley.

Ngumiti ako. "Papasa ako at alam ko 'yon. Ipapakita ko sa mga magulang niya na karapatdapat ako sa anak nila." proud kong sabi sabay lingon kay Thea na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa libro niya.

"Ikaw bahala. Basta kami, tanggap ka na namin bilang boyfriend ni Thea kung sakali mang sagutin ka na niya." tugon naman ni Hurley.

"Salamat." tugon ko naman.

***

Thea's POV

---

Busy ako sa pagbabasa ng favorite kong story dito sa loob ng van habang umaandar papuntang Boracay.

Kahit na nakasuot sa akin ang headphone ko, rinig ko pa rin ang usapan ng tatlong lalakeng mokong na nandito sa loob kasama ko.

Alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Naririnig ko lahat-lahat ng mga sinasabi nila. Narinig ko pa nga kanina yung mga pinagsasasabi ni Vale habang nandito siya kanina sa tabi ko. Bwisit siya!

Sabihan ba naman ako ng pangit tapos ginayuma ko daw siya kaya siya na-fall sa akin. Aba! Kasalanan ko ba'ng maganda ako? Kasalanan ko rin ba'ng ma-fall siya nang dahil sa kagandahang taglay ko? Hindi naman ah. Wala akong kinalaman doon 'noh!

Sadyang feeling lang siya masyado. Akala naman niya makukuha niya ng gano'n, gano'n lang yung matamis na OO ko. Tsk! Magtiis muna siya bago ako pumayag na maging kami.

Ang akala niya siguro, basta sinabi ko ng gusto ko siya, malaki na ang oag-asa niyang magiging kami rin sa huli.

P'wes! Nagkakamali siya! Gusto ko muna siyang kilalanin ng husto. Para malaman ko ang lahat ng mga baho niya. Charr!

Gusto kong makilala ang totoong siya kaya sinabi kong ligawan niya muna ako. Ayoko namang maging kami nang hindi namin alam ang tunay na pag-uugali naming dalawa.

Yung pagiging masungit ko sa kanya? Kunwari lang 'yon. Itini-test ko kasi siya kung mahaba ba ang pasensya niya o hindi. Sa paggawa ko naman ng test na 'yon, medyo nakilala ko na naman siya.

May mahaba siyang pasensya at nananatili siyang mabait at understanding pagdating sa akin at doon ako kinikilig minsan. Hahaha! Bakit ba? Kinikilig ako eh.

Lalo na yung narinig ko kaninang sabi niya na kahit daw ilang beses pa akong magalit sa kanya, mamahalin pa rin niya ako.

Kaagad akong tumalikod ng pagkakaupo kanina. Humarap na lamang ako sa bintana ng van para itago ang nararamdamang kilig. Baka makita niya pa ang namumula kong mukha at baka tuksuhin pa ako nung kambal.

Ewan ko ba! Ako lang yata ang ganito. Yung crush na crush ko yung isang tao pero hindi ako nakakaramdam ng love. Basta gusto ko ang isang tao, gusto lang siya. Hanggang doon lang.

Siguro nga sobrang tigas na ng puso ko. Yung tipong hindi na kayang palambutin pa, na parang mamon sa sobrang lambot.

Hay...

Magbabasa na nga lang ako ulit. Dito ko na lang igugugol ang oras at atensyon ko.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon