> 13 <

38 8 1
                                    

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

Thea's POV

---

Nakarating na kami ni Vale dito sa ground floor. Dumiretso agad kami sa parking area at hinanap ang green na kotse namin na susundo sa amin na sinabi ng isang driver namin.

Okay, medyo magulo akong kausap. Haha!

Kaagad akong sumakay sa kotse, kasunod kong pumasok sa kabilang sige sa may backseats si Vale.

Nang makapasok na kami, humarurot ng mabilis ang kotse pero wala akong pakialam. Basta makauwi lang ako agad ng safe, okay na 'yon.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Vale at ipinikit ang mga mata. Ramdam ko ang palad niyang humaplos sa buhok ko.

"Just sleep if you feel like you're tired. My shoulders are free for you." rinig kong sabi niya at patuloy sa paghaplos ang kamay niya sa buhok ko.

Luh, wala naman akong sinasabi na matutulog ako ah. Sabihin ko na nga kung anong dahilan ko. Baka kasi mag-assume na tsumatsansing ako kahit na hindi naman. HAHAHAHAHA!

"Hindi ako matutulog, gusto ko lang isandal ang ulo ko sa balikat mo." mahinahon kong sabi sa kanya.

"Ahh, gano'n ba? Sorry, ang akala ko matutulog ka." aniya saka inayos ang ulo ko para hindi ako mahirapan sa pagkakasandal ng ulo ko sa balikat niya.

Buong biyahe na gano'n lang ang posisyon naming dalawa. Nakasandal siya sa upuan at ako naman ay nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Feeling ko ngayon, ang safe ko. Feeling ko lagi akong safe kapag kasama ko si Vale.

Paplanuhin ko na ba kung kailan ko siya sasagutin? O maghihintay pa ako ng kaunting panahon para sagutin ko siya?

Argh! Nakaka-stress naman!

Siguro, saka ko na lang isipin yung pagsagot ko sa kanya. Sa ngayon, i-eenjoy ko muna ang moment na 'to, na kasama ko siya. Mamaya kasi, hiwalay na naman kami ng landas. Uuwi na siya, at gano'n rin naman ako.

"Thea?" basag ni Vale sa katahimikang lumukob sa amin.

"Hmm?" tugon ko.

"Malapit na ang Christmas. Sa inyo ako magki-christmas ah. Wala kasi sila Mommy sa Christmas. Nasa Palawan sila at kasama ang Lolo at Lola ko. Doon daw muna sila. At dahil daw malaki na ako, kahit sa susnod na lang na Christmas nila ako kasama." aniya at ngumiti.

Pero ang ngiting iyon ay alam kong may lamang lungkot at panghihinayang. Malungkot siya dahil hindi niya makakasama ang mga magulang niya at nanghihinayang naman siya dahil same reason lang din.

Tinitigan ko siya sa mga mata."Sure! Pwede naman. Basta pagmukhanin mo munang deserve iyang sarili mo para maging boyfriend ko."

"May gano'n?" nakakunot ang noo niyang tanong.

"Oo."

Lumapad ang ngiti niya. "Sige, kung iyan ang makabubuti tsaka para na rin maging maganda ang pakikitungo sa akin ng parents mo. Para hindi ako pagkamalang babaero at adik nang dahil sa itsura ko ngayon. HAHAHAHA!" aniya.

Natawa kaming parehas sa kanyang tinuran. May point naman kasi siya. Ayaw pa naman nila Daddy sa mga mukhang adik. Well, sino ba'ng mga magulang ang matutuwa na magkaroon ng kasintahan ang mga anak nilang babae ng isang mukhang adik? 'Di ba?

So, ayon. Patuloy lang kaming nagtatawanan hanggang sa huminto na nga ang sasakyan namin. It means, bababa na itong kasama ko dahil nandito na siya sa bahay nila.

Nang makababa na si Vale, nilingon niya muna ako at hinalikan sa noo sabay sara ng pinto ng kotse. Kinawayan ko siya bilang tanda ng pamamaalam dahil uuwi na ako sa amin. Kita-kits na lang bukas sa school.

Pinaharurot na ng driver ang kotse nang makababa na si Vale. Medyo binilisan na ng driver dahil malapit na daw sila Mommy sa bahay. So what? I don't care if nandoon na sila sa bahay o kung malapit na sila dumating.

***

Nakarating naman ako ng safe dito sa bahay. Walang kasugat-sugat, walang kapasa-pasa. Ayos na ayos akong bumaba ng kotse at dumiretso na sa kwarto ko.

Bigla akong hinarang nila Mommy na nandito na pala sa bahay. Nauna na pala sila ni Daddy dumating.

"Saan ka galing, anak? Bakit ngayon ka lang?" tanong sa akin ni Mommy na mukhang kanina pa nag-aalala. At tulad nga ng sinabi ko kanina, wala akong paki.

"Mom, alam kong pinapauwi niyo ako. Stop fooling me around. Alam ko na alam niyo kung saan ako galing. Kayo pa nga ang tumawag sa kambal para lang pauwiin ako 'di ba?" kalmado pa din akong nakikipag-usap sa Mommy ko kahit na gusto ko ng tumakbo papasok ng kwarto ko.

My Mom sighed. "Alam mo naman siguro ang dahilan 'di ba? You need to focus on your studies, Thea. You don't need to make fun, because the only thing that you need to do is to review all of your lesson and be the valedictorian. That's your main goal now and that's what I want for you to achieve and reach." seryosong sabi ni Mommy saka ako tinalikuran.

"That's what you want, Mom. But I'm not happy with that! I'm not your pet. I'm your daughter who wants to be love by someone that appreciate what I am and what I want!" sabi ko.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak nang dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "Gusto ko lang namang bigyan niyo ako ng atensyon niyo ni Daddy! Noong mga panahong kailangan ko ba kayo, nasaan kayo? Ha? Wala kayo, Mommy! Nasa trabaho kayong pareho! Buti na lang at nand'yan sila Daphnie na laging dinadamayan ako. Pero kulang pa rin, Mom! Kasi hindi naman kayo sila eh. Hindi sila kayo!" dugtong ko pa.

Padabog akong ulamis sa kinatatayuan ko at pumasok sa kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto nang dahil sa sakit at tampo ko sa mga magulang ko.

Ayoko sa gusto nila! Oo, noon ay makokkontrol pa nila ako. Pero ngayon, hindi na. Hindi na ako papayag na ikulong na naman nila ako sa pagbabasa ng mga libro ma wala namang kinalaman sa pamumuhay ko bilang tao.

Kaya ko ng magdesiayon para sa sarili ko. Kahit na hindi na nila ako i-guide, alam ko ng mabuhay. Honestly, sanay naman talaga ako na mag-isa lang. Wala naman akong kapatid kaya ang hirap. Wala akong karamay, wala akong kakampi. Kaya salo ko lahat ng problema ko. Parang ang laging kinalalabasan ay kapag may problema ko, sariling paraan ko rin ang ginagamit ko para maresolba ang problema na kinakaharap ko.

Hay... ang hirap maging mapag-isa.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Where stories live. Discover now