> 17 <

32 8 1
                                    

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

Nang makapasok na ako sa kwarto ko, iniiyak ko na lang ang sama ng loob na meron ako ngayon. Ang sakit kasi.

Yung mga inaasahan kong susuporta sa akin, sila pa ang kumukontra ng mga desisyon ko. Ano ba'ng dapat kong gawin?

Nakadungaw ako ngayon sa bintana ng kwarto ko. Patuloy na dumadaloy ang mga luha na mula sa mga mata ko na umaagos sa magkabilang pisngi ko. Hanggang sa...

Tumunog bigla ang phone ko kaya napatingin ako doon. Awtomatikong kumunot ang noo ko nang makita ko kung kanino galing ang tawag na na-receive ko ngayon.

From unknown number eh.

Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko at kinuha ang phone ko na nakakalat lang sa kama ko.

"Hello? Who's this?" sagot ko sa tawag.

["Hi, Thea! Did you missed me?"] napaigtad ako nang marinig ko kung kanino galing ang boses ng tumawag.

"Horiell?"

P-paano niya nakuha ang phone number ko? Hindi ko naman binibigay sa kahit na sino ang phone number ko ah.

["Yes, ako nga. Ano? Kamusta ka na? I'm still hoping na babalikan mo pa ako dito sa States."]

I chuckled. "Wow ah! Ang kapal naman ng mukha mong tumawag para lang sabihing sana balikan kita. Ang lakas naman ng loob mo! Saan mo nakukuha ang kakapalan ng mukha mong sabihan 'yan ha?"

"Huwag ka ng umasa pa Horiell, dahil kahit kailan, hindi na kita babalikan pa. Kahit na magmakaawa ka pa sa harapan ko, never mo ng matatamasa ang third chance na hinihingi mo!" dugtong ko.

He chuckled. ["Sa tingin mo, papayag akong basta-basta ka na lang pakawalan? Baka nakakalimutan mong ikakasal pa tayo."]

"Ulol! Never mangyayari 'yon! At kahit kailan, hindi ako papayag na maikasal tayo. Gagawa't gagawa ako ng paraan para hindi 'yon matuloy!" sigaw ko sa kabilang linya sabay patay sa tawag pero tumunog ulit kaya inis ko iyong sinagot.

"Ano ba'ng kailangan mo sa'kin ha?!?" sigaw ko sa kabilang linya.

["Thea? Galit ka ba?"] nawala ang pagkainis ko nang marinig ang ko ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"H-ha? H-hindi, stress lang talaga ako. M-may kailangan ka ba?" nauutal kong sabi.

["Oo. Ikaw. Ikaw lang naman ang kailangan ko."] tugon niya na siyang nagpalakas at nagpabilis pa lalo sa tibok ng puso ko.

"Yiiiiieeeee! Dami mong alam." sarkastiko kong saad.

["HAHAHAHA! Grabe ka naman sa'kin. Ikaw na nga yung pinapakilig, ikaw pa ang galit."]

Luh! Kasalanan ko pa ba kung hindi naging maganda ang kinalabasan ng banat line niya. Papansin din ang isang 'to eh 'noh. Tsaka ano daw? Galit daw ako? Mongoloid ba 'to? Ano namang ikakagalit ko sa sinabi niya? Wala naman ah.

"Tss. Hindi ako galit. Talagang sadyang pangit lang yung napili mong banat line. Luma kasi, pwede namang palitan ng bago."

["HAHAHAHAHA! Hindi na nga lang ako kikibo. Nahiya ako bigla sa sinabi mo eh."]

HAHAHAHAHA! Nahiya pa daw. Mukha namang walang hiya. HAHAHAHAHA! Ang dami talagang alam nitong Vale na 'to.

"Tss. Wala kang hiya, baka nakakalimutan mo. HAHAHAHAHA!"

Nagtatawanan lang kami nang biglang masagi ulit sa isipan ko ang problema ko kaya natahimik ako bigla na siyang ikinataka ni Vale.

["Thea, may problema ba?"] pagkuha niya ng atensyon ko.

Napaisip tuloy ako kung sasabihin ko na sa kanya ang problema ko o kung hindi pa. Ang gulo-gulo kasi sa ngayon ng isipan ko. Hindi ako makapag-decide ng maayos. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba'ng ayusin ang lahat. Gulong gulo na talag ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko nga alam kung hanggang kailan pa ako mai-stress nang dahil sa pesteng arranged marriage, sa pag-alis namin at kung pa paano ko ipapaliwanag kay Vale ang lahat.

Nangangamba kasi ako na bumitiw na siya sa panliligaw niya sa akin. Kahit na gustuhin ko mang sagutin na siya, hindi ko magawa. Kasi iniisip ko ang pwedeng mamnguari sa kanya kapag nalaman ni Daddy na katulad ni Vale ang naging kasintahan ko.

Hindi bale na. Kaysa naman sa paasahin ko siya. Mas maganda ng sabihin ko ang totoo kahit na natatakot ako sa pwedeng mangyari pagkatapos nitong mga gagawin ko.

Bumuntong hininga ako bago nagsimula muling magsalita. "Pwede ba tayong mag-usap, Vale? May... sasabihin kasi ako sayo. Importante lang. Please?"

["Sure! Kailan pa ba ako tumanggi sa mga gusto mo? Kaya, okay lang. Wait me, I'll be there withing 15 minutes. Mabilis lang ako."] tugon niya.

Mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang marinig ang sinabi niya. Kapag nangyari ang sinabi nila Mommy, hindi ko na makikita ang taong ito. Never ko na siyang makikita at mayayakap. Ni mahahalikan ay hindi ko na magagawa. Nakakapanghinayang lang. Sana, sana gumana ang plano ko para hindi ako isama nila Mommy sa States at para hindi na nila ako ipakasal kay Horiell.

Ayoko sa kanya! Mas mabuti pa sana kung si Vale na lang 'yon eh. Honestly, naiinggit ako sa lovestory ni Daphnie at ni Vian. Buti pa sa arranged marriage nila, sila ang magkakatuluyan. Samantalang ang lovestory namin ng taong gusto ko, hindi gano'n.

Ang unfair nga naman ng mundo, ano?

Kapag gusto mong maging masaya, hindi ka hahayaan na maging masaya. May pipigil at pipigil sa'yong maging maligaya. Kapag gusto mo ng kalayaan, may hadlang pa din. Kapag nagdedesisyon ka, may kontra rin. Ganyan ang sitwasyon ko ngayon. Kaya ang hirap mabuhay sa kalagayan ko ngayon. Nakakalito! Ang gulo-gulo.

Nagpaalam na ako kay Vale at pinatay ko na ang tawag. Hihintayin ko na lang siya dito habang nagninilay-nilay.

Nagbihis na ako ng damit. Nag pabango at nag-ayos na rin ako ng sarili ko. Gusto ko kapag nakita ako ni Vale, magandahan siya sa akin. Ihahanda ko na ang sarili ko sa mga sasabihin niya at sa magiging reaksyon niya.

Sana hindi siya magbago. Nasa mahalin niya pa din ako. Sana ako pa din hanggang sa huli. Sana wala ng manggugulo kapag naging kami na. Sana wala ng kokontra sa magiging relasyon naming dalawa. At sana, hindi ako mawawalan ng pag-asang ipaglaban kung ano sa akin si Vale kasa na ang nararamdaman ko para sa kanya.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon