> 12 <

47 9 4
                                    

❇️❇️❇️

Vale's POV

---

"Tara na!" aya sa akin ni Thea palabas ng hotel dala ang lahat ng gamit namin.

Nandito na kasi ang maghahatid ng mga gamit namin sa mga bahay namin. Mamaya pa daw yung sundo namin.

Nang makalabas na kami, pumunta kami ng parking area. Nakita namin ang isang van na kulay puti. May bumaba na dalawang lalake at kinuha kaagad ang mga gamit na dala ni Thea maliban sa suot nitong sling bag.

"Kunin niyo rin ang mga gamit nitong kasama ko." utos sa kanila ni Thea sabay alis.

Nagkatinginan pa ang dalawang lalake bago kinuha ang isang maleta at isang travelling bag na dala ko. Ibinigay ko ang calling card ko sa kanila. Sinabi ko na nandoon na ang address kung san nila ihahatid ang mga gamit ko.

Napahinti sa paglalakad si Thea. "Ihatid niyo na rin sa bahay nila yung mga gamit niya. Maliwanag?" sabi pa niya nang hindi tumitingin sa gawi ng dalawang lalake na kaharap ko ngayon.

"Yes, ma'am!" sabay na sagot nitong dalawang lalake saka dali-daling isinakay sa puting van ang mga gamit ko.

Sinundan ko si Thea. Hanggang sa makarating na kami sa tabi ng kalsada, may humintong isang itim na kotse sa tapat namin. Awtomatikong bumukas ang pinto nito.

"Pasok ka na." sabi niya sa akin at inilahad ang kamay sa kotseng nakatapat sa amin.

Nagtataka akong pumasok sa kotse, sumunod naman siya. Pagkapasok niya, umandar agad ang kotse at humarurot agad iyon. At dahil sa naguguluhan ako dahil ang buong akala ko ay mamaya pa darating ang sasakyan namin at hindi ko naman inakala na kasunod lang pala ng sundo ng mga bagahe namin, tinanong ko na itong katabi ko.

"Thea, ang akala ko ba eh mamaya pa ang sundo na'tin? Eh bakit ano 'to? Bakit na tayo sinundo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Humarap siya sa akin. "Oo nga, sorry naman. Hindi ko nasabi agad sayo na nagmadali yung drivers na makauwi ako. Nami-miss daw ako ng Mommy ko kaya kailangan ko na daw na makauwi agad. Si Daddy naman, inaalala ang school projects at assignments na iniwan ko. Argh! Huwag mo na ngang ipaalala! Nabubwisit lang ako lalo!" ayan, umuusok na naman ang mga tenga niya sa sobrang inis at galit.

"Relax ka lang. Nakakatanda ang pagsusungit, alam mo ba 'yon?" malambing kong sabi sa kanya.

Siniko niya ako sa tagiliran kaya napa-aray ako. "Tsk! Parang tanga! Tumahimik ka na nga! Nanloloko ka lang eh. Mga biro mo, bulok na. Paki palitan na lang." mataray nitong sabi at inirapan ako.

Hayaan ko na nga, bad trip talaga siya. Maya-maya ko na lang siguro siya kakausapin kapag naging okay na siya. Bad mood pa sa ngayon ang babaeng 'to. Mamaya baka saktan pa ako nito ng wala sa oras. Sinusumpong na naman ang pagiging toyoin niya.

So, ayon. Tahimik lang ako buong biyahe namin. May private helicopter na sumundo sa amin sa rooftop ng Hermecio Group of Companies (HGC). Then after that, may pink na van na sumundo ulit sa amin pagkarating namin ng rooftop ng building ng company nila Thea. Kaagad kaming bumaba papuntang first floor.

Paano kaagad kami nakababa? Simple. Sosyal kasi ang building nina Thea, itong mismong kompanya nila ay may elevator na ang papuntang rooftop mismo at pababa ng ground floor.

Yung elevator kapag malapit ka na sa rooftop, tutupi iyon at yung mismong inaapakan mo ay papantay sa floor ng rooftop. Kapag pababa ka naman sa ground floor galing rooftop, tutupi ang inaapakan mo paloob at saka iyon aandar pababa ng ground floor. Ang ganda 'di ba?

Siya nga pala, bakit nga ba HGC ang pangalan ng kompanya nila Thea?

Ang Hermecio ay ang pinakagitnang pangalan niya. Epilyido iyon ng lolo niya na pumanaw na. Ipinamana iyon sa Daddy niya.

Ngayon, paano ko nalaman?

Malamang, naikukwento niya sa akin. Madalas kaya kaming magkasama kahit dati. Kahit noong unang kakakilala pa lang namin, lagi ko na siyang kasama.

Sabay kami ni Thea na tumapak sa apakan. At tulad nga ng sinabi ko kanina, tumupi iyon pababa at umandar na papunta ng ground floor.

"So, hindi mo na ba ako kakausapin ulit? Talaga ba'ng iniiwasan mo na akong kausapin ngayon?" basag ni Thea sa katahimikang lumukob sa aming dalawa.

"Nakakasawang maging tahimik habangbuhay ah. Nakakairita." dugtong pa niya.

Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Tumingin ako sa baba para hindi niya mapansin natatawa ako.

Alam rin palang makiramdam. HAHAHAHAHA!

"Alam kong tumatawa ka. Patago-tago ka pa, wala namang silbi." ang sakit namang magsalita ng babaeng 'to. Kahit kailan talaga, ang sungit na nga niya, ang sakit pa magsalita!

Sige na nga lang, ngingiti na nga lang ako. Baka masikmuraan pa ako nitong katabi ko, mahirap kaya lumabas na namimilipit ang tiyan. Lalo na't nandito kami sa loob ng elevator.

Hinarap ko siya. "Eh ayaw mo naman kasing makipag-usap sa akin. Kaya tumahimik na lang ako." mahinahong sagot ko.

At sa wakas! Hinarap niya na rin ako. "Okay, just kiss me para mawala ang inis ko sayo." saad niya at bumalik na sa direksyon kung saan siya nakaharap kanina.

So, I kissed her lips at I smiled. She did it also to me. I pinched his cheeks and kiss the both sides of it.

"I love you, Thea."

She smiled at me while she still closed her eyes. "I love you, too." she answered me back and pinched my nose.

I love her. I love all the things that are related to her. I will love her no matter what will happen next in the future. I'm willing to give all things that she will make be happy. I'm willing to sacrifice my whole life just to protect her.

Papakasalan ko siya. Wala na akong hihilingin pang iba sa Panginoon kun'di ang matamis niyang oo at ang pagmamahal niyang walang hanggan para sa akin.

*TING!*

Napatingin ako sa pintuan ng elevator na unti-unting bumukas. Agad akong humiwalay kay Thea at inayos ang damit ko. Baka kasi may makakita sa amin. Eh hindi pa naman kami officially na magkasintahan tapos makikita kami ng ibang tao na naghahalikan. Lagot na kapag nangyari 'yon! Malaking gulo ang aabutin kapag talaga nangyari 'yon.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora