> 1 <

135 13 1
                                    

After Vian and Daphnie became a couple...

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

Nasa bahay ako ngayon ng Tita ko. Kapatid siya ni Mommy. May dalawa siyang anak na kasing edad ko na rin ngayon. Kambal kasi silang lalake.

Nag-aayos ako ng gamit ko ngayon dito. Kakarating ko lang kahapon at tinamad akong ayusin ang mga gamit ko kaya ngayon ko lang sila naisipang ilagay sa tamang lagayan.

"Thea!" tawag sa akin ng isang pinsan ko na anak ng Tita ko.

He's Harley Alejo - Daliva. Ang gwapo kong pinsan. Mas gwapo sa kanya yung kakambal niya eh. Kaya gwapo lang siya.

Nilingon ko siya na mula sa pintuan ng kwarto ko. May mahalaga yatang balita kaya kinailangan pang pumunta sa kwarto ko dito.

"Bakit?" tanong ko. "Para kang nawawala." dugtong ko.

"Siguro nga." aniya na siyang i-kinatawa ko.

HAHAHAHAHA! Natawa ako. Konti lang naman. Hehe!

"Ano ba'ng kailngan mo sa'kin?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ahmm.. ipinapatanong ni Mommy kung sasama ka raw ba sa Boracay. Ano? Sasama ka ba? Ako kasi may lakad pa ako with my friends kaya hindi na lang ako sasama."

"Walang nagtatanong tungkol sayo."

"Ang taray mo naman! May regla ka ba? Kung meron, pigilan mo."

Gago ba 'to? Regla? Pipigilan ko? Luh! Nakahitit yata ng shabu ang mokong na 'to. Kung ano-ano kasing pinagsasasabi. Alam naman niyang hindi pa ako dinadatnan. Kasi 'di pa ako nagpapabili ng napkin.

"Tsk. Baliw." sabi ko sabay irap. Tinawanan lang ako ng loko at umalis na.

Bago pa siya makalayas ng tuluyan, may sinabi pa siya. "Pumunta ka raw sabi ni Vale!" sigaw niya at narinig ko ang mabilis niyang pagbaba ng hagdan.

So, kinuntsaba pala nila si Vale para pumayag ako. Eh talaga namang papayag ako kahit na hindi pa nila kuntsabahin si Vale.

Ilang minuto pa ang nakalipas, may biglang pumasok na naman ng kwarto ko ng patakbo kaya napatingin ako rito.

"VALE?!?" gulat kong banggit sa pangalan niya.

Hingal siyang umupo sa couch ko dito. Saan ba galing ang gagong 'to at bakit bigla-bigla na lang papasok sa kwarto ko?

"W-wait lang. H-hinihingal pa a-ako..." aniya habang hingal na hingal.

Humalukipkip na lang ako at hinintay siyang maka-recover sa pagkakapagod nang dahil sa pagtakbo papasok dito sa kwarto ko. Nagpakuha na rin ako ng tubig sa isang kasambahay namin dito na kaagad namang dumating kaya kaagad ko iyong ipinainom kay Vale.

"Bakit ka ba nandito? Ha?" tanong ko sa kanya.

Lumagok siya ng tubig. "Nabalitaan ko kasi na pupunta kayo ng Boracay. Tinawagan ako ni Hurley kaya nandito ako ngayon." sagot niya.

Si Hurley Alejo - Daliva. Ang kakambal ni Harley na sobrang dikit kay Vale. Kung ano-ano kasing ibinibigay nitong si Vale sa kanya kaya nasanay na. Naging sobrang close sila nang dahil sa pagsunod ni Vale sa mga gusto ng mga pinsan ko. Lalo na 'yang si Hurley.

"So, bakit nga?" muling tanong ko.

"Hindi pa ba obvious? Sasama ako, malamang. Baka kasi kapag may lumandi sayo doon, kumirengkeng ka bigla." sagot niya na siyang nagpausok sa ilong ko nang dahil sa galit kaya binatukan ko siya. Natapon ang iniinom niya pero wala akong paki doon.

"Ako pa talaga ang kekerengkeng ngayon ha?!? Ako pa?!? O baka naman kasi ikaw. Makakita ka lang ng mas sexy sa akin, iiwanan mo na ako." reklamo ko sa kanya.

"Selos ka na niyan?" tanong niya habang nakangiti sa akin.

Inirapan ko siya. "Hindi 'noh! Asa ka naman." sabi ko, kahit na deep inside kinilig talaga ako.

Tinalikuran ko siya para hindi niya makita ang mukha kong namumula na ngayon.

"Asus! Deny pa! Halata naman kasi, babe." ang kapal talaga ne'to.

"Tss. Ewan ko sayo. Umalis ka na nga dito! Nag-aayos ako ng gamit ko." pantataboy ko sa kanya habang hindi pa rin lumilingon sa kanya. Siyempre, kunwari galit ako.

"Kiss muna." aniya na siyang ikinagulat ko.

Nakataas ang kilay ko siyang nilingon. "Asa ka! Kiss mo mukha mo! Lumayas ka na nga dito!" pilit ko siyang itinataboy pero hindi pa rin siya umaalis.

Sabihin ko na nga lang yung magic word ko. Teka...

"Bahala ka na nga d'yan! Hindi na kita sasagutin!" pananakot ko sa kanya.

Nag-iba bigla ang timpla ng ugali niya. Yung kaninang nang-iinis, sumeryoso bigla. HAHAHAHA! Sabi na eh. Titigil ito kapag binanggit ko yung magic word ko.

"Opo. Sorry na. Aalis na po ako." sabi niya saka bagsak ang balikat na naglakad palabas ng kwarto ko.

Pagkaalis niya, isinarado ko ang pinto. Kaagad akong bumalik sa pag-aayos ng mga gamit ko.

***

Nang matapos na ako sa pag-aayos, umupo muna ako gilid ng kama ko para makapagpahinga.

Habang nagpapahinga ako, biglang tumunog ang phone ko ka dali-dali ko iyong kinuha para malaman kung sino ang tumatawag.

Si Nixie.

Ano namang kailangan nito sa'kin? Wala namang akong naaalalang atraso o ano man. Hayst! Masagot na nga lang.

"Bakit?" panimula ko.

["Darating daw sila Tita. Sila Mommy mo. Hindi nila nasabi sayo kasi busy sila sa pagbalik ng bansa. Kaya pinasabi na lang nila sa akin."] sagot agad ni Nixie.

Wow! Kay Nixie nasabi nila, tapos sa akin hindi? Dahil ano daw? Dahil busy sila? Tss. Lagi naman silang busy. Kay Nixie nasabi nila na babalik na sila ng bansa. Ang ipinagtataka ko...

Bakit si Nixie yung unang pinagsabihan nila? Bakit hindi sa akin na anak nila? Argh! Basta talaga pagdating sa akin nawawalan sila ng time. Hindi ko nga alam kung anak ba talaga nila ako o hindi eh. Hindi ko na nga rin matandaan kung kailan ang huli naming bonding. Nang dahil sa busy nga sila sa work.

Kaya mas gusto kong hindi na sila umuwi. Sanay naman ako na palagi silang wala sa bahay. Sanay naman ako na ako lang mag-isa sa tuwing sasapit ang Family Day sa school.

Tamang sama na lang ako kila Nixie na kaparehas kong walang magulang sa tuwing may activity sa school o kapag may meeting na kailangan ang mga magulang.

"Okay. Hayaan mo sila, tss." cold kong tugon saka pinatay ang tawag.

Huminga ako ng malalim habang iniisip pa rin ang mga bagay na dahilan kung bakit hindi malapit ang loob ko sa mga magulang ko.

Hay... Bumalik pa sila. Sana doon na lang sila sa ibang bansa nag-stay. Sana hindi na sila bumalik pa dito. Kung kailan sanay na akong mag-isa na lang at tanging mga maids na lang ang mga kasama ko, doon sila susulpot sa buhay ko. Tss.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum