> 14 <

42 9 1
                                    

❇️❇️❇️

Thea's POV

---

Gabi na naman. Same routine lang naman ang ginagawa ko. Kakain, magsh-shower, magbibihis at matutulog na. Kapag hindi pa ako inaantok, nanonood ako ng movie o kaya naman ay kausap ko yung dalawang bruha kong kaibigan through video call.

May kaunting pinagkaibahan nga lang ngayon. Dati kasi, walang Vale na nagungulit gabi-gabi sa akin. Ngayon, meron na. May maggi-greet tuwing umaga at gabi. Kahit tanghali nga, naggi-greet 'yon.

Bumaba ako galing sa kwarto ko at pumunta ng kusina para i-check kung nakaluto na ba ang mga kasambahay namin. Gutom na kasi ako.

Pagkababa ko ng hagdan, natanaw ko sa may bandang dinning area sila Daddy at Mommy na nag-uusap. At dahil likas na malakas ang pandinig ko, hindi ko naisawang marinig ang pinag-uusapan nila.

"Hon, paano nan sasabihin sa kanya kung galit siya? Baka sa ngayon, hindi muna. Palalampasin muna na'tin ang sama ng loob ng anak mo bago mo sabihin na lilipat na tayo ng States soon." rinig kong sabi ni Daddy.

Napakunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya nang dahil sa pagtataka at pagkagulat.

Kami? Lilipat na sa States? Ano daw?

"Hon, mas lalo lang niyang hindi matatanggap na magma-migrate na tayo sa States at tsaka matatagalan lang kapag hindi pa na'tin sinabi sa kanya ng maaga." tugon ni Mommy kay Daddy.

So, totoo nga ang pagkakadinig ko. Hindi ako nagkamali. Lilipat na kami ng United States.

Parang sasabog ang puso sa sobrang sakit. Ibig bang sabihin, hindi ko na makikita ulit si Vale? Ibig bang sabihin, hindi ko na mayayakap pa ang bestfriends ko? Wow! Matapos nila akong iwan-iwan tapos ang lakas ng loob nilang isama ako sa US.

Tumakbo ako paakyat ng kwarto ko. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko na namumuo sa mga mata ko. Wala na akong pakialam kung mapansin nila Daddy na narinig ko ang pinag-uusapan nila. Wala na akong pakialam sa mga ipapaliwanag nila. Argh! Bakit ba ako napunta sa pamilyang 'to?!

Pabagsak kong isinara ang pinto ng kwarto ko saka tumalon sa kama. Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon na nag-umpisang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kasi lubos maintindihan sila Mommy. Kung kailan masaya na ako sa buhay ko ngayon, doon pa nila ako pipigilang maging masaya. Hindi ba pwedeng pabayaan na lang nila ako diro sa Pilipinas? Hindi naman kasi ako mahalaga para sa kanila.

Sigurado akong ang tunay na dahilan lang naman ay tungkol sa negosyo nila na hindi nila pinapabayaang bumagsak. Samantalang ako, okay lang na hindi nila bigyan ng atensyon. Kahit kaunting atensyon ay wala silang ibinigay sa akin. Wala!

"Bakit ba hindi nila ako hinahayaang maging masaya?!? Bakit?!"

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Halos magwala ako sa loob ng kwarto ko nang dahil sa inis at galit sa mga magulang ko. Bakit ba kasi hindi nila ako hinahayaang maging masaya sa buhay? Bakit?! Lagi na lang silang kumukontra! Nakakasawa na!

Patuloy lang ako sa paghagulgol nang bigla akong makarinig ng tatlong katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Kaya napatingin ako doon.

"Anak, let me explain everything. Please open your door and let me enter." rinig kong pakiusap ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.

"Come in." cold kong sagot habang patuloy pa din sa pagbagsak ang mga luha ko.

Umupo si Mommy sa couch ko nang makapasok na siya sa kwarto ko. Iniiwas ko ang tingin ko para hindi niya mahalata na umiiyak ako.

"I know na nabigla ka sa sarinig mo. Alam kong galit ka sa amin ng Daddy mo at alam ko rin na nagtatampo ka pa dahil hindi ka na namin naaasikaso at naaalagaan."

"Eh alam niyo naman pala ang dahilan kaya ako nagagalit sa inyo, bakit kailangan niyo pa akong bulabugin dito?" halata sa boses ko ang pagkainis habang sinasabi ang mga salitang ito.

"'Cause I know that I need to explain everything." aniya.

Hindi ako kumibo. Hinihintay ko kung ano ang mga susunod niyang sasabihin sa akin. Kung ano ang mga ipapaliwanag niya.

She let out a deep breath before continuing to explain what she want to explain to me.

"Magma-migrate tayo sa US dahil alam namin ng Dad mo na mas makakabuti lung doon ka magtatapos kaysa dito sa Pilipinas." panimula niya.

I smirked. "Hindi, dahil iyon ang gusto niyo kahit na ayoko namang mamuhay doon kasama niyo." sabat ko.

"Anak, mas mabuting doon na lang tayo. Dahil matutukan na kita. Sa bahay na ako sa States magtatrabaho, work from home na ako. Mas mababantayan na kita ng mabuti. Ayaw mo ba 'yon? Mas magkakaroon na tayo ng time mag-bonding kasama ang Daddy mo." paliwanag niya pa.

Hinarap ko siya. "Pero masaya na ako dito, Mommy. Nandito ang mga bestfriends ko. Nandito ang mga taong nagpapasaya ng buhay ko dito sa Pilipinas. Kaya bakit kailangan ko pang sumama sa inyo sa United States para lang sa gusto niyo? Hindi ba pwedeng hayaan niyo na lang akong maging masaya?" sabi ko habang tumutulo pa rin ang mga luha ko.

"Anak, nandoon na rin ang furure husband mo. Naaalala mo naman siguro si Horiell 'di ba? Siya ang gusto naming mapangasawa mo. Nandoon siya ngayon sa States at hinihintay kang bumalik kasama kami." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang mga sinabi ng Mommy ko kaya napatayo ako nang dahil sa pagkagulat.

"What do you mean, Mom? Ipinagkasundo niyo na ako sa kaniya? What the hell! No way!" sigaw ko.

"Pero, Thea... mahal ka pa ni Horiell at alam ko 'yon. Hinahanap ka nga niya last month sa amin noong bumisita kami ng Daddy mo sa mansiyon nila. Hindi ka ba masaya na babalikan ka na niya?"

"No, Mom! At alam niyo kung bakit ayaw ko na sa kanya. Alam niyo kung gaano niya ako pinahirapan noon 'di ba? Not physically but emotionally! Kaya bakit at paano pa ako magtitiwala sa kanya? He don't deserve a third chance! Binaliwala niya ang second chance dati na ibinigay ko tapos ngayon hihingi siya ng third chance?! Mommy naman! Cancel the deal or else, magkakalimutan na lang tayo bilang mag-ina." galit kong sabi saka padabog na umalis ng kwarto.

I need a fresh air for now. I need to breathe, masyado na akong kulong sa galit, lungot at pagkainis ngayong gabi. Gusto kong mapag-isa.

Pupunta na lang ako siguro sa rooftop ng kompanya namin. Doon na lang siguro ako tatambay muna habang nagpapalamig ng ulo. Doon ko na lang din sigulo ilalabas lahat ng sama ng loob ko. Buti doon at malaya ako. Malaya akong gawin ang gusto ko. Hindi naman ako magpapakamatay kaya huwag kayong mag-alala, nasa tamang pag-iisip pa naman ako.

Later ko na lang ipapakilala si kung sino ba talaga si Horiell sa buhay ko at kung ano ang ginawa niya sa akin.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Where stories live. Discover now