> 20 <

39 8 0
                                    

❇️❇️❇️

Nixie's POV

---

Naabutan naming nakadukdok lang si Thea kaya dali-dali naming nilapitan. Alam kong may mali kaming ginawa sa kanya ngayon.

Hala! Umiiyak siya!

Naririnig kasi namin na humihikbi siya kaya nalaman naming umiiyak. Hala! Kasalanan naming apat 'to!

Plinano kasi namin na i-prank siya. Ang ginawa namin ay hinayaan namin na makita niya na may kayakap na ibang babae si Vale. Pero ang hindi niya alam ay kilala na namin kung sino ang babaeng kasama ni Vale.

... flashback ...

Napadaan kasi kami kanina sa street nila Vale at nakita ko na may kausap si Vale na babae. Kaagad na pinaandar ng driver ko ang kotse kaya hindi ko na nalaman ang mga sumunod na nangyari kaya, nagtaka rin ako. Kaya tinanong ko na si Vince tungkol doon.

Ang sabi niya, dumating na daw si Gale. Gale ang pangalan nung kapatid ni Vale na babae na matagal ng nawawala. Iyon lang daw ang alam niya.

Pumunta kami ni Vince kina Daphnie, sa bahay nila. Nadatnan namin doon si Vian at Daphnie na nag-uusap.

"Alam niyo na ba yung bagong balita na alam namin?" bungad na tanong niya sa amin ni Vince.

Tumango itong kasama ko.

"Alam na ba ni Thea 'to?" singit ko.

"Hindi pa, sa pagkakaalam ko." sagot ni Vian.

Napatingin ako kay Vince. "Anong plano?" tanong ko rito.

"You want some fun? Prank her, i-prank niyo si Thea." aniya habang hindi nakatingin sa akin.

"A prank? Baka magalit naman siya." nag-aalangan na sabi ni Vian.

"That's the consequence but pranking her is fun 'cause it will turn into a clash between Vale and Thea. And I'm one hundred percent sure that our plan will be successful." hay... Ano ba'ng nakain nitong Vince na'to at kung anu-ano ang pumasok sa isip niya.

"Mga baliw." napailing na lang ako nang dahil sa plano nila. Mga siraulo kasi ang mga tukmol na 'to eh. Kutisan ko kaya sila.

... end of flashback ...

So, ayon na nga. Isinagawa namin yung plano nung mga tukmol at ito ang kinalabasan. Umiiyak sa harapan namin ngayon si Thea sa pag-aakalang nambababae si Vale kahit na ang totoo ay kapatid niya talaga 'yon.

Dali-dali kong nilapitan si Thea at hinaplos ang likod nito. "Thea? Are you okay?" tanong ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumingala para makita ako. Basang basa ang mukha niya ng mga luha. Kaagad niya akong niyakap. Kaya napayakap na rin ako sa kanya.

Aww... lagot kami niyan sa kanya. Mahilig pa namang magmura 'tong babaeng 'to. Sigurado akong malulutong na mura ang matatanggap namin matatanggap mamaya. Jusko! Sana hindi na lang ako nakisali sa kanila!

"I'm not okay, Niks. Ang sakit... ang sakit, sakit..." aniya habang lumuluha pa.

Nilingon ko si Daphnie nang biglang tumunog ang phone ko. Si Vale ang tumatawag kaya kumalas muna ako sa pagkakayakap ni Thea at ibinilin siya kay Dap.

"Hello, nasaan ka na ba?" panimula ko nang masagot na ang tawag at nang makalayo na ako sa pwesto ni Thea.

["Nasa parking area. Papunta na kami ni Gale diyan sa room na'tin. Si Thea ba nand'yan?"]

"Wait, what did you just say? Kasama mo si Gale?"

["You know her?"]

"Yes, alam ko na kung sino siya. She's your younger sister. Am I right?"

["Yup. Mamaya na ako magpapaliwanag. I need to park my car first. Tsaka malapit na ang flag ceremony. I don't want to be mark as late."]

"Okay, goodluck sa atin later. May kasalanan rin kami kay Thea eh. So, see yah!"

["See yah."] tugon niya at saka pinatay ko na ang tawag.

Bumalik ako sa pwesto nila. Nakita ko na napunasan na at tuyo na ang mukha ni Thea. Nakataas ang kilay niyang tumingin sa akin at Daphnie.

Hindi kaya...

"Mga punyeta kayooooooo!!!" sigaw ni Thea sa aming dalawa ni Daphnie kaya napayiko na lang kami.

Bwisit ka, Dap! Bakit mo binulgar agad? Punyeta naman oh! Mamaya pa sana eh. Pakialamera kasi itong Daphnie na 'to! Kainis!

"Sorry na." nagmamakaawang sabi ni Daphnie habang nagpa-puppy eyes.

Siniko ko itong kasama ko. "Bakit ko sinabi agad?" bulong ko sa kanya pero halata sa boses ko ang pagkainis.

"Luh, matitiis mo bang umiiyak si Thea? Kasi ako, hindi. Naaawa na ako sa kanya." bilulong niya pabalik.

"May pabulong bulong pa kayong nalalaman, naririnig ko naman." singit ni Thea habang nagpupunas ng luha.

Nagkatinginan kami ni Daphnie. Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin kahit na tinginan lang namin ang ginamit namin para makipag-communicate sa isa't isa.

Sabay naming niyakap si Thea at humingi sa kanya ng paumanhin sa nagawa naming mali nang dahil sa plano ng mga tukmol naming jowa.

Humanda talaga sila sa amin mamaya. Kukutusan ko silang dalawang magkaibigan. Grrrr! Nanggigigil ako!

"Okay na, ang aasim ng mga kili-kili niyo. Layuan niyo na ako." reklamo nitong si Thea at humiwalakly na agad sa pagkakayakap namin.

Nagpameywang si Daphnie. "Wow ha! Nag-deodorant kaya ako kanina. Baka 'yang bibig mo ang maasim." deprnsa ni Daphnie sa sarili niya.

Tumingin sila sa akin na nanahimik lang. Wait, alam ko ang ibig sabihin ng mga titig na 'yan eh. "Hoy! Tumigil kayong dalawa, hindi ako 'yon. Sarili niyong mga bibig hindi niyo maamoy kung iyan ba ang maasim o hindi. Ang pangit talaga ng mga ugali niyo." depensa ko naman sa sarili ko saka sila inirapan.

Natawa sila nang dahil sa sinabi ko. Ang nga kaibigan ko talaga, mga timang. Itong si Thea iiyak-iyak lang kanina tapos ngayon tumatawa na. Todo tanggi pa si Daphnie na siya yung maasim, tatawa rin naman. Mga mongoloid.

Ilang sandali pa'y naka-recover na rin sila sa pagtawa nila kanina. Hindi rin nagtagal ay dumating na yung tatlo... kasama si...

"Gale?"

Gulat kong banggit sa pangalan ng kasama nila na papalapit ngayon sa room namin. Agad na tumakbo si Vince sa kinatatayuan ko at niyakap ako mula sa likuran. Ganoon din ang ginawa ni Vian. Si Vale, nakasimangot na lumapit kay Thea.

Pero nagulat kami sa ginawa ni Thea kay Vale. Eh sino bang hindi magugulat na gawin niya ito sa harapan namin ngayon. Baka nakakalimutan niyang nandito ang kapatid ng jowa niya.

Sukat ba namang halikan niya si Vale sa labi, sa noo, sa ilong at balik ulit sa labi.

'Di ba? Sino ang hindi magugulat sa ginawa niya? Natulala nga kaming lima nang dahil sa ginawa niyang 'yon. Si Vale hindi maipinta ang mukha eh. Hindi mo matutukoy kung ano ang reaksyon niya.

"Sorry, Vale. Sorry kasi hindi ko pinakinggan yung paliwanag mo." ani Thea.

Hinawakan ni Vale ang kamay ni Thea. "Thea, ako ang may kasalanan. Hin—" naputol ang sasabihin niya nang muli siyang halikan ni Thea. Ang clingy talaga ng babaeng 'to kahit kailan.

"Hindi. Ako ang may mali. This time, hindi na ikaw palagi ang sisisihin ko. Ang unfair ko naman kung ikaw pa ang sisisihin ko sa nagawa kong mali." putol ni Thea sa sasabihin sana ni Vale.

So, ayon. Nagpakilala si Gale kay Thea. Nagkaayos at madaling naging close. Mukhang mapapadalas ang oaglabas nilang dalawa nito ah. Kasi siyempre, magoging close sila sa isa't isa hindi imposibleng palagi silang pumasyal kung saan-saan.

EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]Where stories live. Discover now