Nag-paalam ako na lalabas ng factory pag-dating ng lunch break para kuhanin ang inorder kong tela sa palengke. Hindi ko na kasi iyon madadaanan mamayang pagkatapos ng trabaho lalo at halos alasingko pa lang ay nagsasara na din ang ilang pwesto sa palengke.

"Sa susunod na may kailangan kang tela...dito ka na sa akin umorder," sabi ng tinderang naka-usap ko.

Kaagad akong tumango sa kanya, ayos na din dahil binigyan naman niya ako ng malaking discount. Kung gugustuhin ni Nanay na ipinagpatuloy ang pangarap niyang magkaroon kami ng sariling tahian ay mas maayos ng ngayon pa lang ay marami na kaming ka-kilalang pagkukuhanan ng mga tela.

"Salamat po ulit," sabi ko dito bago ako tuluyang nag-paalam.

Imbes na dumiretso pabalik sa factory ay dumaan na muna ako sa isang sikat na pasta house dito sa Sta. Maria. Highschool pa lang ako ay nakilala na sila dahil sa iba't ibang pasta na mayroon sila, hanggang sa lumaki ang kanilang negosyo at nagkaroon na din sila ng tindang mga ulam na binabalik-balikan ng lahat.

"Tsaka dalawang mango shake din," pag-order ko. Sobrang dami na ding tao lalo na't may malaking shopping mart sa harapan nito. Lunch break na din kasi.

Nang makuha ko ang order ko ay kaagad akong pumara ng tricycle papunta sa plantation nina Gertie at Vera. Ka-kamustahin ko ito lalo na at nabanggit niya sa akin na stress na daw siya sa trabaho. Alam kong hindi din naman kasi ang pamamahala sa plantation ang gustong gawin ni Vera. Interior designing ang tinapos niya, malayo sa pamamahala ng plantation nila.

"Magandang tanghali po. Nandito po ako para kay Vera," sabi ko sa guard.

Muli siyang pumasok sa guard house para tumawag sa loob. Kagaya ng factory ni Eroz at may malaking gate din papasok sa may plantation. Tiningnan ko ang kabuuan ng building, dati ay dina-daan daan ko lang ito dahil hindi ko pa naman kilala ang mga Montero.

"Anong pangalan?" tanong ni Manong guard sa akin.

"Alice po," sagot ko sa kanya. Hindi nagtagal ay pinapasok niya na kaagad ako.

"Diretso ka na lang sa office," sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Medyo tirik na ang araw, may kalayuan din ang gate papunta sa office kung lalakarin, dapat ata ay may sasakyan ka kung papasok ka dito. Nag-angat ako ng tingin ng may makita akong lalaking tumatakbo palapit sa akin, may dala pa itong payong.

"Magandang tangahli po, utos po ni Senyorita Vera," paliwanag niya sa akin ng makita niyang nagtataka ako dahil sa kanyang pag-lapit.

Nag pasalamat na lang ako at hindi na nagsalita pa habang naglalakad kami papunta sa may building kung nasaan ang dalawang palapag nilang office, ang alam ko ay iba pa ang main office nila sa Manila.

"Ihatid ko na po kayo hanggang sa itaas," alok ng lalaki ng subukan kong kuhanin sa kanya ang mga tela.

Hindi ko na siya kinontra pa kahit kaya ko naman iyon. Baka inutos iyon ni Vera sa kanya, ayoko naman mapagalitan siya sa trabaho kung sakali.

"I'll send the email to you right away, Tito."

Nakapasok na ako sa loob at nagpaalam na din ang lalaking tumulong sa akin kanina. Nakatalikod si Vera sa akin at nakatayo sa tapat ng malaking bintana habang may kausap sa kanyang cellphone. Habang abala pa siya ay inayos ko ang mga pagkain na binili ko para sa aming dalawa.

"Witch! I'm so happy that you're here. Ipapahanda ko na ba ang office mo?" nakangising tanong niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

"Dinalhan kita ng lunch, kumakain ka ba nito?" tanong ko sa kanya.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now