"H-hindi ka na ba lasing?" tanong niya ngunit hindi makatingin ng diretso, malikot ang mata niya kaya natatawa na lang ako sa isip ko.

"Nalasing ba ako?" pag-mamaangan ko kaya nangunot ang noo niya.

"Oo! Kagabi nakalimutan muna!" sigaw nito kaya kinagat ko ang labi para pigilan matawa, bakit ba ang bilis niyang mairita?

Umiwas naman ito ng tingin kaya humakbang na ako palabas ng banyo.

"Hindi ko na maalala.." ani ko ng makita siyang naghihintay ng sagot, pinigilan kong matawa dahil kita mo dito ang iritasyon sa kanyang mukha.

"Peste ka!" sigaw nito sakin ay humakbang sa banyo, ngunit huminto rin ito.

"Wala ka talagang maalala?" muli nitong tanong, lumapit naman ako sa kanya at isinandal ang kamay sa pader kaya halos magkalapit na kami ngayon.

"K-kung w-wala kang m-maalala lumabas ka na, m-maliligo na ako.." nauutal na bigkas niya, kinagat kong muli ang labi para pigilan matawa.

Nakita ko pa na napatingin siya doon kaya lumapit ako sa tenga niya at binuksan ang switch ng ilaw na nasa tabi ng kamay ko.

"Buksan mo ang ilaw baka madulas ka.." bulong ko dito at doon lang humiwalay.

Dinig ko pa ang mahina niyang pagmumura kaya dumiretso na ako sa gamit ko at kumuha ng damit na masusuot.

Ang cute niya talaga pag galit, Para siyang kuting na handa ng manlapa ng tao. Tsk,

Matapos magbihis ay dumiretso na ako sa baba para magpahanda ng breakfast, Sa glass wall muli ako pumunta dahil napakaganda dito at masarap din ang sineserve nilang pagkain.

For breakfast ang pinahanda ko dahil maaga pa naman, Ininom ko muna ang kape habang hinihintay si luna.

Nang maibaba ko na ang tasa ay napatingin ako sa labas, Nakita ko naman doon na naglalakad siya patungo dito kaya hindi ko maalis ang tingin sa kanya.

Isang mahabang maxidress ang suot niya at tinatangay ito ng hangin kasabay ng kanyang buhok, Napaka simple niya ngayon at wala man lang makeup kaya kita ko ang natural nitong ganda, Pati ang natural niyang mapulang labi ay tanaw ko dito sa pwesto ko.

Nagsalubong ang tingin namin ng makapasok na siya, Inirapan niya ako kaya napangiti ako.

She always like that.

Masungit at laging galit.

Pero hindi ko alam dahil hindi ko magawang mainis, kundi natutuwa pa ako pag ganun siya. Sobrang cute niya kasi.

Naupo ito sa harap ko at kinuha ang kape na nakatimpla sa pwesto niya, hindi ko pa rin tinitanggal ang paningin dito dahil parang napako na ang aking mata sa mukha niya.

Napakahaba ng pilik mata niya at bumabagay talaga iyon sa kanyang mata, Bumaba ang tingin ko sa labi nito habang umiinom siya ng kape.

"What?!!" mataray na namang tanong niya kaya muli akong tumingin sa mata niya.

"Your beautiful.." wala sa sariling anas ko, namula naman ito at tumingin sa labas.

"Let's eat, May isang oras pa tayo para sa flight.." dagdag ko pa at nagsimula ng kumain.

Hindi naman ito kumibo at tanging dinig ko lang ay ang tunog ng kubyertos.

"Didiretso ka na ba sa bahay paguwi natin?" pagbabasag ko sa katahimikan.

"Yes, Why?" sagot nito na hindi tumingin sakin, abala siya sa paghiwa ng kanyang pagkain.

"Wala kang pupuntahan?"

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now