"This is mine magnanakaw ka talaga! Alisin mo ang password nito!"

"Sakin yan, Hindi ba pweding magkatulad tayo ng brand.." tumayo ito at kinuha ang phone na hawak ko.

"Hahanap ako ng paraan para malaman mo na akin ito, Maghintay ka lang.." usal niya pa, Magkaharap lang kami kaya kita ko ng malapitan ang mukha niya.

Sayang gwapo pa naman siya.
Chinito at maputi, Matangkad din kaso lang naiinis ako dahil napakacold niya sakin.

"Pero kung wala kang cellphone sayo na lang ito.." dagdag niya pa, nilahad nito ang phone sakin ngunit hindi ko kinuha.

"No thanks, bibili na lang ako ng bago.." iniwas ko ang tingin at pabagsak na naupo.

Beeeeeeppppppp..

Narinig ko naman ang pagbusina ng kotse ni daddy kaya tumayo ako para lumabas, Nakita ko pa ito na pababa na ng kotse niya.

"Nakauwi ka na pala, Nanjan ba si miguel?" agad nitong tanong kaya napanguso ako.

Bakit lagi na lang si miguel.

"Nasa loob na dad, Bakit pinapunta niyo siya dito?"

"Were going in cebu luna.." sagot nito, nagpauna na siyang pumasok kaya sumunod ako.

Ano naman gagawin namin sa cebu?

"Goodafternoon chef miguel, Thankyou for taking care of luna last night.." salubong ni daddy kay miguel, umarko lang ang gilid ng labi ko dahil sa inasta niya.

"Okay lang iyon sir villamor, Kilala ko naman siya.." nilingon pa ako ni miguel matapos magsalita.

"Yeah, Pasensya ka na minsan sa ugali niya"

"Hmmmm." tumango lang ito sa sinabi ni daddy kaya napairap ako.

"Nandito ka na pala." biglaang sulpot ni mommy.

"Kumain na tayo.." anyaya niya pa samin, sumunod naman si daddy kaya naiwan kaming dalawa ni miguel.

"Hoy!" tawag ko, lumingon naman ito.

"Anong pinakain mo sa magulang ko ha?! Nilagyan mo ba ng gayuma ang niluto mo noon?!"

"What are you saying gayuma?"

"Gayuma, magic spell or ano man ang tawag sa nilagay mo kaya ang bait nila sayo!!" asik ko, nailing naman siya at lumapit sakin.

"Wala akong nilagay, bukod sa iodized na hinalo mo.."

"What?! Hangga ba naman ngayon hindi mo nakakalimutan yan?!" singhal ko, natawa naman siya kaya muli akong napatitig dito.

Tsk! Bakit kailangan niya pang ngumiti ng ganyan?

D*mn

"Ikaw nga hindi mo parin nakakalimutan ang pagnanakaw na pilit mong binibintang, Ito pa kayang ginawa mo?"

"So anong gusto mo? Magsorry ako sayo?! Manigas ka!!!" sigaw ko pa, ngunit hindi man lang nawawala ang ngiti nito.

Sh*t, Tinatawanan niya lang ako?

"Nagsorry ka na, nakalimutan mo ba?"

"Uh?"

"Tsk.." iling iling itong naglakad patungo sa dining habang ako ay naiwan at nagtataka sa sinabi niya.

Kailan ba ako nagsorry dito?

Wala naman akong matandaan na nagsorry ako sa kanya, Siya yata ang nababaliw.

Sumunod na lang ako sa kanila dahil medyo nagugutom narin ako, Soap at ice cream lang yata ang kinain ko buong maghapon.

"Nakakuha ka na ba ng ticket?" dinig ko pang tanong ni daddy kay mom habang nilalagyan siya ng pagkain ng maid.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt