7: Sad Endings + Surprising Beginning

Start from the beginning
                                    

Ginamit ko ang karamdaman ko para makuha si Dennise sayo at walang kahirap hirap ko iyong naisakatuparan. Gaano man kasama ang naging intensiyon ko pero hindi maikakaila na ang mga panahong nagkakilala at nagkalapit kami ang isa sa pinakamasayang yugto ng buhay ko.

Nagkaroon ako ng konteng pag-asa.

Bago dumating si Dennise sa buhay natin, handa na akong mamatay. Pero ng dahil sa kanya umasa akong magkakalunas pa ang karamdaman ko. Gusto ko pang mabuhay para sa kanya. Mahal ko siya at mahal niya rin ako, at may pagkakaunawaan na kami. Ang iwan siya ang pinakamasakit sa lahat pero dahil narin siguro sa kasakiman ko kung kaya't ito ang nangyari sa akin, at tanggap ko na iyon Ly.

Isa lang ang hiling ko sa iyo Alyssa, kung sakali mang magkita kayo, huwag na huwag mong sabihin sa kanya ang nangyari sa akin, ang pagkamatay ko. Sa halip magpakilala kang ako. Alam kong makakaya mong gawin iyon. You'll figure it out! Gawin mo iyon para kay Dennise, Alyssa!

Mahirap ang pinapagawa ko sayo at dahil doon humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng ito. Gusto ko lang makitang patuloy na sumaya ang babaeng pareho nating minahal!

Alagaan mo si nanay. Palagi ko kayong babantayang dalawa. Mahal na mahal ko kayo!

Hanggang sa muli. Paalam.

Alyja.

Pinigilan ni Alyssa na mapamura at punitin ang kapirasong papel na hawak.

Iba't ibang uri ng emosyon ang kanyang nadarama ng mga oras na iyon. Pangungulila sa kapatid, panghihinayang, labis na kalungkutan, pagkainis at higit sa lahat galit.

Galit siya kay Alyja kasi kahit sa huling mga minuto nito sa ibabaw ng lupa dinidiktahan parin siya nito. Gusto parin nitong sundin ni Alyssa ang sarili nitong kagustuhan.

"Napakadamot mo parin talaga Alyja! Gusto mong patuloy na makitang masaya si Dennise at gagamitin mo akong intrumento para mangyari iyon? Sorry pero hindi ko magagawang manloko ng tao!" Mapait na bulong niya habang hawak hawak parin ang sulat.

Nang gabing iyon magkasalo sa hapag ang mag-inang Alyssa at Eliza. Manaka naka nilang pinag-usapan ang nangyari sa loob ng ilang buwan bago bawian ng buhay si Alyja.

Sinabi ng kanyang ina na noong July nga ilang araw pagkatapos makabalik ng Manila sila Dennise nagsimula ng lumala ang kalagayan ng kakambal.

Dinala ito ng kanyang ina sa doctor para ipacheck-up. Minungkahi pa ng doctor nito na iadmit ang dalagita pero tahasan daw itong tumanggi. Kaya daw nito ang kanyang sarili at sa bahay nalang daw siya magpapagaling.

Pumayag ang ina nito sa kondisyon na kailangang mag-undergone ni Alyja ng mga tests para nalaman kung ano talaga ang lagay ng kalusugan nito.

Base nga sa mga ginawang pagsusuri, sinabi ng doctor kay Eliza na hindi na magtatagal si Alyja, masyado nang mahina ang puso nito at ang tanging makapagliligtas lang dito ay ang heart transplant - na hindi naman talaga kinonsidera ni Alyja simula ng umpisa. Ayaw nadin kasi niyang mamroblema pa ang ina at ang kakambal sa gagastusin kung sakasakali. Hindi kasi biro ang halaga na kakailanganin sa ganoong klaseng procedure at wala silang kakayahan para roon. Idagdag pa ang paghahanap sa magiging possible heart donor na napakahirap at napaka mabusising proseso.

Hindi maiwasang maging emosyonal ni Alyssa sa narinig, pero agad ding hinawakan ng kanyang ina ang kanyang mga palad. Pinaparamdam nito sa kanya na mahirap at masakit man ang nangyari kay Alyja kailangan nila iyong igalang at tanggapin.

Nagpahid ng luha si Alyssa at pinagpatuloy ang kanilang hapunan.

"Nay, alam niyo po bang may relasyon si Alyja at ang Dennise Lazaro na iyon?" Buong tapang na tanong ni Alyssa sa ina ng nasa kwarto na silang dalawa. Napagpasyahan kasi niyang samahan ang ina sa kwarto nito ng gabing iyon.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now